Posted December 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Overpricing,
illegal parking at hindi pagpapasakay ng pasahero ng mga bumibyaheng traysikel,
ito ang mainit na pinag-usapan sa ginanap na 22nd Regular Session ng SB Malay.
Naging pangunahing
bisita ang kinatawan ng Transportation Office na si Cesar Ocson at mga taga
Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC Vice Chairman Prudencio
at Board Members Gerry Villanueva at Felimon Abayon.
Sa deliberasyon,
isa umano sa nakikitang dahilan ni SB Floribar Bautista ay ang mababang
penalidad na nakasaad sa ordinansa rason kung bakit hindi takot na hulihin ang
mga pasaway na drivers.
Kinatigan naman
ito Senior Land Transportation Officer Cesar Oczon na dapat taasan na ang
bayarin sa violation kasabay ng paliwanag na dapat ang tarrif rate ay dapat
sundin para maiwasan ang overpricing at pananamantala ng mga tricycle drivers.
Ang pagpila naman
ng mga traysikel sa Puka Beach at sa mga street shoulders ay pinuna naman ni SB
Nenette Graf at hiningi nito sa BLTMPC na paalalahanan ang mga miyembro nito na
unahin ang serbisyo sa riding public kesa sa mga turista.
Ito rin umano ang
dahilan kung bakit hindi na nagpapasakay ang traysikel dahil sa pila
naka-concentrate ang mga traysikel kung saan mahigpit itong ipnagbabawal kung
pagbabatayan ang prangkisa na ibinigay ng LTFRB.
Naaawa ang mga
konsehal sa mga estudyanteng hindi pinapasakay rason na nagrekomenda si SB
Bautista na dapat lahat ng unit ay lagyan ng nakadikit na taripa, ipagbawal ang
pila, at pag-assign ng traffic auxiliary na magmumula sa LGU-Malay para sa
paghuli sa mga abusadong drivers.
Kasabay nito,
nagbigay rin ng suhestiyon si SB Daligdig Sumndad na maglagay umano ng mga
stickers sa harap at likod ng traysikel kung saan makikita ang mga hotline
numbers na maaaring kontakin sakaling may reklamo ang mga pasahero sa mga ito.
Samantala,
pinamamadali rin ng SB ang pag-alam sa mga loading at unloading area para
maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Kaugnay nito,
napagkasunduan ng komite na magpasa ng sulat sa opisina ng LGU-Malay upang
masolusyonan na itong problema sa transport system sa isla ng Boracay.