Posted November
19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hinikayat ngayon
ng Municipal Health Office ng Malay ang mga residente ng Malay at Boracay na
maki-isa sa kanilang forum na gagawin kaugnay sa hepatitis B at Human
Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Nabatid kasi mula
sa National Epidemiology Center ng Department Health, na mula June sa taong ito
ay may naitala silang rekord na 34, 999 na kaso ng HIV sa labing pitong rehiyon
sa bansa.
Sa interview ng
himpilang ito kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational
Promotion Officer Arbie Aspiras, itong programa ay bilang paggunita sa December
1 (World Aids Day at TB kung saan may tema itong “Creating Alliance and
Strengthening the Fight to Stop TB, HIVANDAIDS”.
Aniya, ginagawa
ito upang makapagbigay kaalaman at para mahikayat ang komunidad na magpunta sa
Social Hygiene Clinic Boracay at Poblacion Malay, upang magpatest sa mga
nararamdaman nila kung saan isa dito ay magpa Free HIV test and screening at
iba pang serbisyo gaya ng Pap Smear, Gram Stain (Urethral, Cervical Smear).