Posted August 6, 2016
Ni Inna Carol
Zambrona, YES FM Boracay
Mahigpit na ngayong ipinapatupad ng pamahalaan ng bayan
ng Malay ang curfew para sa mga menor de-edad lalo na sa isla ng Boracay.
Batay sa muling ipinalabas na municipal ordinance No. 11
Series of 1978 ng Office of the Mayor ipinagbabawal na ang mga batang nasa edad
18-anyos na pagala-gala mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Nabatid na ang sino mang lalabag dito na walang kaukulang
dahilan ay huhulihin ng Malay at Boracay PNP para mabigyan ng karampatang
penalidad.
Maliban dito bawal din ang mga menor de-edad sa mga
computer shop simula alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga at ala-1 ng
hapon hanggang alas-4 ng hapon at gayon din sa pagitan ng alas-7 ng gabi.
Kasama din sa mga mahigpit na ordinansang ipapatupad
ngayon ay ang pagala-galang aso at anumang uri ng hayop, pagbabawal ng maingay
na muffler o tambutso ng motorsiklo, paglilimita sa paggamit ng videoke kung
saan maaari lamang itong gamitin sa enclosed na lugar at patugtugin hanggang
alas-10 ng gabi at gayon din ang pagbabawal ng pag-inom ng alak sa pambulikong
lugar.
Dahil dito nanawagan ang LGU sa publiko na kung sino man
ang lalabag sa mga ordinansang ito ay agad na isumbong sa himpilan ng Malay at
Boracay PNP Station.