Posted January 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw na ang nakatakdang validation na isasagawa
ng Municipal Development Guideline Review Committee (MDGRC) katuwang ang
Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) sa Yellow Submarine sa Boracay.
Ayon kay BRTF Secretary Mabel Bacani, alas-10 ngayong
umaga ang kanilang gagawing validation para malaman kung ang isinumiting report
ng submarino ay totoo.
Sinabi pa ni Bacani na ang validation ay para matingnan
din ang safety procedures at ang rota nito kung saan ang mahalaga umano nito ay
hindi dumating na masira niya ang turismo at
huwag mag-pollute.
Dagdag pa nito, ang Submarino ay may layong 2 kilometro
mula sa beach area sa station 1 at may
100 meters movement kung saan gagalaw lamang umano ito ng 50 meters forward at
50 meters backward at hindi umano kagaya sa operasyon nito sa Cebu na umiikot
sa karagatan na siyang sinasabing may mga nasirang korales.
Maliban dito, malalaman naman rito kung ang area ng
nasabing submarine ay walang maaapektuhang korales base na rin sa isinumiting
dokumento ng kumpanya na humahawak nito.
Samatala, matapos umano ang isasagawang validation ay
muli itong uupan para pag-usapan kasama ang ibat-ibang head ng mga concern
agencies upang malaman ang kanilang magiging desisyon para sa operasyon ng
Yellow Submarine kung saan provisional pa lamang umano ang kanilang maibibigay
rito dahil dadaan pa sa ilang pag-uusap.
Nabatid na ang nasabing Submarine ay galing sa Cebu kung
saan naging kontrobersyal umano ito noong taong 2013 at nasuspendi dahil sa
nagkaroon ng problema.