Posted April 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng
mainit na panahon mahigpit parin ang monitoring ng Malay Health Office (MHO)
kaugnay sa sakit na dengue.
Ito’y sa kabila
ng mga naitatalang kaso ngayon ng dengue sa nasabing bayan kahit na tag-init.
Dahil dito muling
pinaalala ni Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion
Officer Arbie Aspiras ang “4-S”.
Nabatid na ang
unang S ay “seek and destroy” na nagsasabing dapat linisin ang mga lugar na
posibleng pamugaran ng mga lamok, pangalawa ang “seek early consultation” na
nagpapaalalang huwag nang hintayin pa ang paglala ng lagnat at magpa-konsulta
agad sa doktor.
Ang sumunod
namang S ay “self protection” kung saan kailangang magsuot ng mga damit na may
mahahabang manggas lalo na sa mga bata at maglagay ng kulambo sa oras ng
pagtulog.
At ang
pang-huling “S” naman ay “say no to fogging” dahil dapat na gamitin lamang ito
kung may dengue outbreak na sa lugar.
Dahil dito
pinayuhan naman ni Aspiras ang publiko na panatilihing malinis ang kanilang
kapaligiran lalo na ang mga posibleng pagamuran ng lamok kung saan maaari parin
itong mangitlog kahit na hindi tag-ulan.