Posted June 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang makipagkita si AKELCO OIC General Manager
Pedro Nalangan sa lahat ng Board of Directors at Department Officers ng
nasabing kooperatiba sa Boracay.
Ito ay para sa kanilang isasagawang board meeting ngayong
Hunyo 26 sa kanilang tanggapan sa isla para pag-usapan ang kanilang pamamalakad
at serbisyo sa buong lalawigan ng Aklan.
Dahil dito sinabi naman Nalangan na maaaring dumalo sa
kanilang meeting ang mga stakeholders at residente sa Boracay upang maipaabot
sa kanila ang kanilang mga programa.
Maliban dito handa umano silang sagutin ang mga concern at
mga katanungan ng mga taga Boracay pagdating sa kanilang serbisyo sa
pamamagitan ng pagbibigay suplay ng kuryente.
Kaugnay nito nagsusuplay umano ang Aklan Electric
Cooperative ng 48 megawatts sa kanilang nasasakupan kung saan halos napupunta
umano sa Boracay ang 23 megawatts.
Samantala may paalala naman si Nalangan sa mga malalaking
ipinapatayong establisyemento sa Boracay na gagamit ng malalaking load ng
kuryente na kung maaari ay lumapit umano ang mga ito sa kanilang tanggapan
dahil tila alanganin umano silang makapagbigay ng malaking suplay ng kuryente.