Posted August 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nag-iskandalo sa loob ng isang sikat na fast-food chain sa Boracay ang isang arabo matapos na umano’y mapikon sa tukso ng isa nitong
kasamahang babae.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang arabo
na si Mohadi Nasser, 28 anyos ng Saudi Arabia, kung saan kumain umano sa nasabing fast-food chain kaninang alas tres ng madaling araw kasama ang mga kaibigan.
Ayon sa report ng Boracay PNP, bagamat hindi na
nagsampa ng kaso ang nakatuksuhan nitong babae ay ang management naman ng
establisyemnto ang nagpa-blotter sa arabo matapos na magdulot ito ng
kaguluhan at abala sa iba pang mga costumer.
Ito’y matapos na kunin di umano ng arabo ang ilang
mga upuan doon at inihampas sa semento na naging dahilan ng pagkasira ng ilang
mga gamit doon.
Samantala, habang nasa kustodiya naman ng Boracay
PNP Station, nagkasundo ang dalawang panig na sa pagitan nalang nila ayusin ang
kaso matapos na humingi rin ng tawad ang nasabing arabo.
No comments:
Post a Comment