YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 18, 2017

Wanted sa kasong rape sa Aklan, arestado sa Paranaque City

Posted February 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for rape caseHindi na nakapalag pa ang isang lalaki na wanted sa kasong rape matapos itong mahuli sa Paranaque, City kahapon ng hapon.

Sa pinagsamang pwersa ng Aklan-PPO Tracker Team at ng Southern CIDG, naaresto ang suspek na si Jimmy Montesir y Masangkay, 33-anyos at residente ng Brgy. Bagakay, Ibajay, Aklan.

Nahuli ang suspek na may warrant of arrest na may Criminal Case no. 11509 for the Crime Rape in relation to 7610.

Kaugnay nito, wala namang inilaang piyansa si Hon Judge Bienvenido P. Barrios, Presideng Judge of RTC Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang March 24, 2014.

Samantala ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Southern CIDG Taguig.

Pagsuguiron, pinuri ang Bemac E-Trike

Posted February 18, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for Bemac E-Trike“We will not stop improving until we get there”.

Ito ang naging pahayag ng E-trike supplier na BEMAC sa nakaraang 6th Regular Session ng SB Malay nitong Martes.

Sa pangunguna ni Christian Arvin Tolentino, aayusin umano nila ang mga kailangan pang i-improve sa E-trike na kanilang isinuplay lalo pa at may bagong successor ang BEMAC.

Ang BEMAC ay pinapurihan ni SB Member Dante Pagsuguiron dahil sa umano sa  maayos na serbisyo ng kanilang unit maliban pa sa magandang maintenance performance na hindi nagdulot ng ano mang problema sa mga kumuhang operators.

Ani Pagsuguiron, ang tanging concerns lang umano ng mga E-Trike drivers ay ang apat na oras na haba ng charging ng mga ito.

Bagamat ikinatuwa ng BEMAC ang komento ng konsehal, pinasiguro naman nila ang ang problema sa fast charging ay malapit ng solusyonan sapagkat babawasan na nila ang apat na oras sa dalawang oras na charging.

Sa kasalukuyan, napag- alaman na may tatlumpu’t- siyam na mga BEMAC E-trike units ang nag- ooperate sa isla.

Friday, February 17, 2017

Premyo ng mga sasaling tribu sa 2018 Ati-Atihan, tataasan – KASAFI

Posted February 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ati-atihan 2018Nakatakda umanong taasan ang premyong matatanggap ng mga mananalong tribu na sasali sa Ati-atihan sa susunod na taong 2018.

Nabatid kasi na ang kabuuang subsidy na inilabas sa tatlumpung sumali sa 2017 Ati-Atihan ay nagkakahalaga ng P882,500 kung saan nai-uwi ng Tribal Big ang P47,000, P30,000 naman sa Tribal Small habang P23,500 ang naiuwi ng Balik-Ati at modern group na tumanggap ng P18,000. 

Ayon kay Albert Menez,chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi), nasa dalawampung porsyento ang inaasahang idadagdag sa dating kabuuang subsidy kung saan ang nasabing dagdag ay magmumula sa savings ng Ati-Atihan ngayong taon.

Asahan naman umano ng mga merrymakers ang bagong events sa 2018 kung saan ang bagong aktibidad sa turismo ay ipapakilala sa weeklong celebration ng Kalibo Ati-atihan para mas makapag-engganyo pa ng maraming turista. 

Samantala, ang selebrasyon ng "Mother of All Philippine Festivals" ay magsisimula sa Enero 12 hanggang 21 taong 2018.

Cawaling, nag-imbita ng environmentalist para sa MENRO

Posted February 17, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: people sitting and indoorSa ginanap na 6th Regular Session ng SB Malay, naging panauhin ang isang environmentalist para tumulong na tugunan ang suliranin sa solid waste management ng Malay.

Kinilala ang panauhin na si Dra. Melinda Palencia na isang Professor at Environmentalist ng Adamson University na nagbahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa Ecological Solid Waste ,  Clean Water at mga units sa Green and Beautification.

Layun umano ng presentasyon ni Palencia na tulungan na maging organisado ang environmental office ng bayan lalo na ang MENRO.

Personal na hiniling at inimbitahan ni Cawaling si Dra. Palencia para alalayan ang Municipal Environments of Natural Resources na siyang may mandato para ayusin basura sa Boracay at maging ang landfill sa Cabulihan, Malay.

Kung maalala, makailang beses tinalakay sa Sangguinang Bayan ang suliranin at pagsubok na hinaharap ng LGU-Malay lalo na sa Manoc-manoc Centralized MRF lalo na ang sitema at pag-resolba sa dumaraming basura sa isla.

Samantala, ang nasabing usapin ay i-rerefer pa Committee on Environment para sa magiging desisyon sa nasabing proposal.

Fire Truck na galing ASEAN Summit, aksidenteng nakabangga

Posted February 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for accidentNagpapagaling na ngayon sa ospital ang biktimang nasagi ng Fire Truck na galing sa ASEAN Summit dito sa isla.

Ayon kay PO2 Nederden Patani ng Makato PNP, kinilala ang biktima na si Ruby Ann Bon 27-anyos residente ng Brgy. Humarap Banga, Aklan at nagta-trabaho bilang Asst. Pharmacist sa Boracay.

Nabatid na papunta sa Kalibo ang Fire Truck ng masagi nito ang motorsiklong sinasakyan ng biktima habang tinatahak ang pareho ring .

Samantala, kaagad namang dinala sa ospital ang biktima at nangako naman ang Iloilo Fire Department na sasagutin ang gastusin sa ospital. 

Lalaki, binaril- patay sa kanyang bahay

Posted February 17, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for shooting incidentIdineklarang Dead on Arrival ang isang lalaki matapos itong barilin kagabi sa Brgy. Lilo-an, Malinao, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Jerry Abenal y Irabon, 27-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Malinao PNP, pauwi na umano ang biktima galing sa bahay ng kanyang kapatid.

At sa di kalauna’y nagulat na lamang ang ina at kapatid nito matapos na makarinig ng putok ng baril na nagmumula sa bahay ni Irabon kung kaya’t agad nila itong pinuntahan at dito nga umano nakita na nabaril ito.

Agad namang isinugod sa hospital ang biktima na nagtamo umano ng tama sa kanang bahagi ng kaniyang katawan ngunit kalaunan ay dineklarang DOA o Dead on Arrival.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nangyaring pamamaril kung saan ngayong araw ay isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.

Habang isinasagawa naman ang imbestigasyon para matukoy ang suspek sa likod ng nasabing krimen.