YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 14, 2015

American National, ninakawan sa Boracay

Posted October 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawanLaking gulat ng isang American National matapos itong ninakawan habang natutulog sa upuan ng isang pool sa Estacio Uno hotel Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang nag-rereklamong si Adinail Lima Baiey, 39-anyos ng nasabing lugar.

Nabatid sa report na nilagay ng biktima ang kanyang bag sa gilid ng inu-upuan nito kung saan naki-usap din ito sa isang naka-duty na guard ng hotel na bantayan siya at ang kanyang bag habang siya ay matutulog.

Nabatid na sa pagising ng biktima ay nawawala na ang kanyang bag.

Napag-alaman na na naglalaman ang naturang bag ng isang iPhone6, diamond ring, guard ring, copy passport, credit card, cash na P 5,000.00 at 20 US dollar at iilan pang mga importanteng bagay ng biktima.

Samantala, hinahanap sa ngayon ng mga taga Boracay PNP ang hindi pa nakikilalang suspek.

Sapian Bay sa Capiz at Batan sa Aklan, nag-negatibo sa Paralytic Shellfish Poison

Posted October 14, 2015
Ni Inna Caro L. Zambrona, YES FM Boracay

Ocean Acidification Threatens to Destroy Shellfish PopulationsLumabas na negatibo sa ginawang eksaminasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Paralytic Shellfish Poison ang bayan ng Sapian Bay sa Capiz at  Batan sa Aklan.

Base sa ginawang resulta ng red tide monitoring activities ng BFAR at ng Local Government Unit (LGU) wala umano silang nakikitang Poison sa ginawa nilang eksaminasyon sa mga nasabing lugar.

Sa kabila nito, sinabihan narin ng mga ito ang publiko na ligtas na ang dalawang probinsya na kumain ng nasabing shell na siya namang pangkabuhayan ng mga ito.

Matatandaang ipinatigil ang paag-angkat at pagkain ng shellfish sa mga nasabing probinsya dahil sa nakitaan umano ito ng red tide.

Samantala, patuloy naman ang pag-monitor ng BFAR at LGU sa Sapian Bay para maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan gayundin sa shellfish industry.

UNA Candidate sa Aklan nakatakdang mag-file ng COC sa Biyernes

Posted October 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa darating na araw ng Biyernes nakatakdang mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga kandidato ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) sa Aklan.

Ito ang sinabi ni UNA Aklan Spokesman Mayor Edgard Peralta, kung saan alas-4 Biyernes ng hapon umano sila nakatakdang magtungko sa Aklan Provincial Comelec Office para sa nasabing COC.

Pangungunahan umano ito ng tatakbong Congressman na dating Governador ng Aklan na si Carlito Marquez at ang tatakbo namang Gobernador na si Antonio Maming habang sa pagka bise-gobernador ay si Atty. Lovell Mationg na siya ngayong kasalukuyang board member.

Samantala, inaasahan ang pagdagsa ng mga supporters ng UNA sa Biyernes sa Comelec Office ng para ipakita ang kanilang suporta sa kanilang mga manok sa 2016 elections.