YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 07, 2015

(UPDATE) Namatay na Sekyu dahil sa land dispute sa Boracay natukoy na

Posted November 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for nagbarilanKinumpirma ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang pangalan ng namatay na sekyu sa nangyaring engkwentro dahil sa land dispute sa Boracay kahapon.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Orchi Hilario, 30 anyos ng Brgy. Bay-Ang, Batan, Aklan at nagbabantay bilang isang security guard sa Callerojan Sitio. Cagban Manoc-Manoc.

Ang biktima ay nagtamo ng tama sa binti matapos siyang baril habang nakatayo sa pangpang kung saan dito naman siya nahulog sa bangin na may lalim na 15ft na siyang naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Napag-alaman na pinagbabaril siya ng kapwa sekyu nito na pumasok sa area na kanyang binabantayan bandang alas-3 ng madaling araw kahapon dahil sa sinasabing away sa lupa.

Samantala, ang biktima ay iniuwi na sa bayan ng Batan kung saan nakatakdang isailalim ang katawan nito sa autopsy.

Kalibo International Airport tiniyak na ligtas sa “Laglag Bala” scam

Posted November 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for laglag balaWala umanong dapat ikabahala ang mga pasaherong dadaan sa Kalibo International Airport tungkol sa “Laglag Bala” scam na nangyayari ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang pagtitiyak ni Inspector Renier Doliente, chief ng KIA’s Aviation Security Unit (AVSEU), matapos silang magpatawag ng meeting kaugnay sa nasabing kontrobersya.

Aniya, ginagawa umano ng mga security personnel ng KIA ang lahat ng kanilang effort para masiguro na walang mangyayaring “laglag-bala” katulad sa NAIA at Davao International Airport.

Maliban dito binigyan na rin umano ng paalala ang lahat ng KIA security at immigration personnel tungkol sa Republic Act No. 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunitions Law.

Samantala, pinayuhan naman ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang mga turistang pumupunta sa kanilang opisina na maging vigilante sa kanilang mga bagahi tuwing dumaan sa airport.

“Yolanda Run” isasagawa sa bayan ng Kalibo kasabay ng anibersaryo ng kalamidad bukas

Posted November 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for YolandaBukas araw ng Linggo Nobyembre 8 ang ikalawang taong anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa Tacloban City at Western Visayas noong 2013.

Dahil dito magsasagawa ng “Yolanda Run” ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Aklan na gaganapin sa Pastrana Park hanggang sa Kalibo-Numancia Bridge bukas.

Maliban dito isang fluvial parade din ang isasagawa sa bayan ng Kalibo na susundan naman ng march rally na sasamahan ng mga matinding naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Nabatid na isa ang probinsya ng Aklan sa mga matinding naapektuhan ng manalasa ang super typhoon Yolanda sa lalawigan kung saan sumira ito ng daan-daang kabahayan kasama na ang mga agrikultura at iba pang-pangkabuhayan.

Sa kabila nito mananatili umano sa alala ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Aklan ang nasabing kalamidad dahil sa matinding pinsala na iniwan nito kung saan ilan sa mga ito ay hindi pa tuluyang nakakabangon.

Friday, November 06, 2015

LGU Malay dismayado sa ilang water sports association sa Boracay

Posted November 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mga bangka sa beach boracayDismasyado sa ilang water sports association ang Environmental Office ng Malay dahil sa hindi pagsunod sa Municipal Ordinance 157 ng LGU Malay.

Ito’y matapos ang isinagawang Coastal Inter Agency Meeting kahapon na pinamunuan ni EMS Administrative Assistant Adel Lumagod.

Ayon kay Lumagod, paulit-ulit nalang ang kanilang pagpapatawag ng meeting dahil sa hindi pagsunod ng mga water sports association ng tamang anchoring ng kanilang mga bangka para sa island hopping activity sa front beach.

Sa kabila nito naging emosyonal naman si Malay Sea Patroller Louie Jun Gumboc sa nasabing meeting kahapon dahil sa pagmamatigas ng mga asosasyon na sumunod sa nasabing ordinansa.

Samantala, ipinunto ni Gumboc na ang layunin lang nila ay mapangalagaan ang mga coral reef sa isla ng Boracay na siya namang nangangalaga sa puting buhangin ng isla.

Nabatid na ang anchoring ng mga bangka ay dapat nasa pagitan lamang ng Fridays Resort hanggang Diniwid at sa may station 3 naman ay nasa pagitan ng Angol point.

Napag-alaman na ang mga pasaway na asosasyon ay pinagmumulta at pinagbabayad ng citation ticket ngunit sinasabing ilan sa mga ito ay nagmamatigas at walang pakialam sa ordinansa.

Security guard sa Boracay nagbarilan; isa patay

Posted November 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for nagbarilanIsa ang pinaniniwalaang patay sa nangyaring barilan sa Callerojan Sitio. Cagban, Brgy. Manoc-manoc Boracay kaninang alas-3 ng madaling araw na kinakasangkutan ng mga security guard.

Sa report ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga concerned citizen sa lugar na meron nangyayaring komusyon sa nasabing area.

Mabilis namang rumisponde ang mga kapulisan sa pangunguna ni PSI Fedel Gentallan, OIC ng BTAC para e-verify ang nasabing report.

Pagdating sa lugar nakarinig agad umano sila ng putok sa sinasabing disputed na lupain kung saan nagpakilala naman umano silang bilang mga pulis ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Maliban dito gumamit din umano sila ng siren ng kanilang mobile car bilang signal na sila ay mga police officer sa labas ng mataas na concrete fence (bakud).

Ngunit sa kabila nito patuloy parin umano ang palitan ng putok kung saan napapansin umano nila na ang mga putok ay tila malapit na sa kanilang area.

Dahil dito mabilis na humingi ng tulong ang Boracay PNP sa Philippine Army, Philippine Coastguard at Maritime Police at dito ay agad nilang pinalibutan ang lugar habang hinihintay ang grupo ng FESSAGS mula sa Aklan Police Provincial Office.

Samantala, sa kaparehong oras nagsagawa naman ang Maritime Police ng sea patrol sa harap ng disputed na lupain kung saan dito nila napansin ang isang lalaking nakuhandusay sa bato na sinasabing patay.

Ang nasabing insidente ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga pulis kasabay ng ginagawang inventory sa mga ginamit na baril sa sinasabing madugong bakbakan.

Mga turistang sakay ng “MS Legend of The Seas” enjoy sa tour sa Boracay

Posted November 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mahigit sa limang oras na nag-tour ang mga sakay na pasahero ng “MS Legend of The Seas” sa isla ng Boracay kahapon araw ng Martes.

Tinatayang nasa dalawang libong pasahero ang sakay ng nasabing barko para sa International tour nito kahapon kung saan nag-stop over ito sa Maynila, Boracay at Coron Palawan.

Enjoy naman at masayang inikot ng mga turista ang mga pangunahing tourist destination sa Boracay kabilang na ang white beach, D’Mall, Puka Beach at ang pagsasagawa ng island hopping activity.

Karamihan naman sa mga sakay ng Cruise ship ay mula sa America, Australia at Great Britain habang mayroong 724 international crew kung saan dalawang daan at limampu rito ay mga Pinoy.

Maliban dito masayang sinalubong ng rondalya ang mga pasahero pababa ng barko kung saan sinabitan din sila ng lay at sombrero bilang pagbati at pag-welcome sa kanila sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang “MS Legend of The Seas” ay dalawang beses ng bumisita sa Boracay kung saan isa ito sa mga nagdala ng pinakamaraming turista na sakay ng barko sa isla.

Samantala, bago matapos ang taong 2015 ay mayroon pang dalawang barko ang inaasahang dadaong sa Boracay ngayong Nobyembre 17 at isa naman sa Disyembre.

Lalaki timbog sa panibagong buy-bust operation sa Boracay

Posted November 6, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal drugsMatagumpay na nahuli ng mga pulis ang isang lalaking nagbibinta ng illegal na droga alas- 3:00 kahapon ng hapon sa Crossing Diniwid Brgy, Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Nahuli ang suspek na si Jerold Barcebas alias Edward/Edgar Cordero, 33-anyos residente ng Delarama Compound Iloilo City at temporaryong nakatira sa Sitio Bantud, Brgy, Manoc-manoc, Malay, Aklan ng pinagsamang pwersa ng Aklan PPO PAIDSOTG, Boracay PNP at Malay PNP.

Ang biktima ay nahuli sa pamamagitan ng isang poseur buyer kung saan nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachet ng shabu na nag-kakahalaga ng dalawang libong piso.

Maliban dito na-recover pa sa wallet ng suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, isang I.d, 1, 540 unmarked money, 1 US dollar at isang unit ng cellphone na naglalaman ng illegal transactions.

Samantala, nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek sa paglabag sa Violation of Section 5 at 11 Article 2 of Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2012.

Thursday, November 05, 2015

Crystal stone mula Boracay, nakumpiksa sa isang pasahero sa Caticlan Airport

Posted November 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for crystal stoneHindi na natuloy ang sanay bakasyon sa Maynila ng isang empleyado mula sa Boracay matapos ang ginawang illegal transport ng Crystal stone sa Caticlan Airport kaninang umaga.

Sa report ng Malay PNP Station, nakuha mula sa ginang ang crystal stone na nakabalot sa itim na tela at packing tape habang sinusuri ang kanyang bagahi sa x-ray machine ng nasabing paliparan.

Ayon kay Malay PNP investigator PO1 Gerald Ilig, agad umanong dinala sa holding area ng Aviation Security ang ginang na si Jocelyn Lacueste 46-anyos at housekeeping supervisor ng isang resort sa Boracay matapos ang nasabing insidente.

Dahil dito, pinaamoy naman sa K-9 ang nasabing crystal stone kung may sangkap ito ng illegal drugs ngunit negatibo naman ang naging resulta.

Dagdag pa ni Ilig, sinasabi umano ng ginang na pinadala lang umano sa kanya ang nasabing crystal stone ng hindi rin nakilalang babae kung saan may kukuha umano nito sa kanya pagdating sa Maynila.
               
Kaugnay nito pinagmulta naman ng MENRO ang ginang ng dalawang libo at limang daang peso bilang paglabag sa Municipal Ordinance No. 141 ng LGU Malay, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pag-transport ng buhangin at mga bato mula sa Boracay.

Matapos makapag-bayad ay agad namang pinalaya si Lacueste ngunit hindi na umano ito matutuloy sa pag-uwi sa Maynila dahil sa wala na siyang pera.

Nabatid na ang crystal stone ay kadalasan umanong kinukuha mula sa mga kweba kung saan ito umano ay mga buhay na bato na ginagamit bilang paggawa ng alahas o panggamot at iba pa.

Tourist arrival sa Boracay umabot na sa 1.2 Milyon

Posted November 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tourist arrival in boracayNasa mahigit 1.2 Milyon na umano ngayon ang naitalang tourist arrival sa Boracay sa loob ng walong buwan nitong taong 2015.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, kukunti nalang ang kailangan para maabot ang target na 1.5 Milyon tourist ngayong 2015 sa Boracay.

Sinabi nito na maaari nilang maabot ang target dahil na rin sa papasok na ang peak season sa Boracay kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming turista lalo na ngayong holiday season.

Maliban dito dadagdag pa sa nasabing bilang ang pagdating ng cruise ship kaninang umaga kung saan sakay nito ang tinatayang dalawang libong turista na magto-tour sa Boracay.

Napag-alaman mula sa datos ng Department of Tourism na ang 1.2 Milyon tourist na naitala sa loob ng walong buwan ay simula Enero hanggang Setyembre kung saan hindi pa kabilang rito ang buwan ng Oktobre.

Samantala, tiwala naman ang DOT na maabot ngaong taon ang target na 1.5 Milyon tourist arrival sa Boracay matapos mabigo noong nakaraang taon na umabot lamang sa mahigit 1.3 million tourist.

(Update) Electrical wire sanhi sa nangyaring sunog sa Galaxy Residence sa Boracay

Posted November 5, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Electrical wire ang itinuturong dahilan sa nangyaring sunog sa Galaxy Residence sa Boracay nitong Martes ng hapon.

Ayon kay BFP Chief Investigator F03 Franklin Arubang, base umano sa kanilang inisyal na imbestigasyon lumilitaw na electrical wire sa aircon nagmula ang apoy sa nasunog na opisina.

Maliban dito tinatayang umabot sa 25 libong peso ang pinsala ng nasabing sunog na tumupok sa isang unit na aircon, isang flat screen tv, mga silya at ilang mahahalagang papeles.

Nabatid na nakita na lamang ng isang empleyado ng nasabing opisina na umuusok na ang loob nito matapos siyang lumabas para bumili ng pagkain kung saan agad namang naapula ang apoy nito matapos gamitan ng fire distinguisher ng mga rumisponding tao sa lugar.

Wednesday, November 04, 2015

Bangladesh at Vietnamese bagong target ng DOT para e-market ang Boracay

Posted November 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay to market to touristInimbitahan ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang ilang media at tour operations mula sa Bangladesh at Vietnam para e-market ang isla sa naturang mga bansa.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, ang Bangladesh at mga Vietnamese ang kanilang panibong target market para e-promote sa mga ito ang kagandang ng isla ng Boracay.

Bukas umano ay nakatakdang pumunta ang grupo ng ilang media at tour operations ng Bangladesh sa Boracay hanggang sa araw ng Sabado para subukan ang ibat-ibang aktibidad sa isla kasabay ng pag-market rito ng DOT.

Kasunod nito ang malalaking media network at opisyal ng Vietnam naman umano ang pupunta sa Boracay para sa kaparehong aktibidad.

Samantala, sinabi pa ni Velete na hindi lang sila naka-pokus ngayon sa mga bansang kagaya ng Korea, China at Japan para e-market ang isla ng Boracay.

Nabatid na kukuha ang mga ito ng ibat-ibang larawan ng Boracay at mga video footages na ipapalabas naman sa naturang mga bansa ng sa gayon ay makapukaw ng atensyon ng mga turista mula sa kanilang mga lugar.

DOT-Boracay pinayuhan ang mga turista na maging vigilante dahil sa “Laglag Bala”

Posted November 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinayuhan ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang mga turista sa isla na maging vigilante sa kanilang mga bagahi.

Ito’y kaugnay sa isyu na “Laglag Bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan ilang turista at OFW na ang nabiktima ng nasabing kontrobersya.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, pinapayuhan umano nila ang mga turista lalo na ang pumupunta sa kanilang opisina na palaging e-check ang kanilang mga bagahi bago pumasok sa airport.

Sinabi nito na kung meron man umanong mga dalang prohibited na gamit ang mga turista ay dapat e-disclosed muna ito sa mga nakabantay na pulis o sekyu bago pumasok sa airport upang malaman nila kung ano ang maaari nilang gawin ng walang mangyayaring problema.

Samantala, sa ngayon umano ay wala pa namang silang natatanggap na mga cancellation of bookings ng mga turista na pupunta sa isla ng Boracay.

Dagdag ni Velete na baka dumami na ang mga turista ngayong buwan at sa Disyembre dahil sa mga holiday season.

Nabatid na marami ngayon ang nababahala sa naturang isyu sa NAIA dahil sa maaaring maka-apekto ito sa turismo ng bansa.

Ang “Laglag Bala” ay sinasabing kagagawan ng mga tiwaling empleyado ng airport upang perahan ang mga turista.

ECPAT at BTAC patuloy ang kampanya laban sa Child Protection "Child Safe Tourism"

Posted November 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Balik pasukan, kaya balik din sa kanilang kampanya ang ECPAT-Philippines at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) laban sa Child Protection "Child Safe Tourism" sa isla.

Ito ay pinangunahan mismo ni Nova Regalario, Community Development Officer ng ECPAT-Philippines, SP01 Christopher Mendoza at P01 Christine Magpusao, PCR PNCOs ng BTAC at Municipal Council for the Protection of Children-Malay.

Dito nag-ikot sila sa mga paaralan sa Boracay para bigyang ng kaalaman ang mga kabataan tungkol sa kanilang kampanya at kung paano nila mapapangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga mang-aabuso sa kanila.

Layun ng nasabing kampanya na mailayo ang mga kabataan sa pang-aabusong sekswal katulad ng prostitusyon, pornography at trafficking.

Ang ECPAT o End Child Prostitution ay karaniwang naka-pokus sa mga lugar na dinadayo ng mga turista kung saan karamihan sa mga umaabuso sa mga kabataan ay sinasabing mga dayuhan.

41-anyos na lalaki, huli sa buy bust operation sa Boracay

Posted November 4, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buy bust operationHuli ang 41- anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation matapos mahuling nagbibinta ng illegal na droga sa isang Bar sa Brgy, Balabag, Boracay, Malay, Aklan kagabi.

Sa pinagsamang pwersa ng Aklan PPO PAIDSOTG, Boracay PNP at Malay PNP, nahuli ang suspek na si Roden Pineda residente ng Dongon B, Jaro Iloilo City at temporaryong nakatira sa Sitio Bantud Brgy, Manoc-manoc.

Nakuha sa suspek ang 12 sachet na shabu, isang cellphone na naglalaman ng illegal transactions at buy-bust money na nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong peso.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, 11 at 12 ng Article 2 of RA 9165 kung saan nakatakdang ikulong sa BJMP sa bayan ng Kalibo.

Ukrainian national, luhaan sa naglahong pera at mga gamit sa Boracay

Posted November 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ninakawanUmiiyak na nagsumbong sa Boracay Tourist Assistance Center ang isang Ukrainian national matapos manakawan sa Sitio Bulabog Boracay kaninang alas-4 ng madaling araw.

Si Ganna Marchenko, 25-anyos at bakasyunista sa Boracay ay nagulat ng magising sa kanyang inuupahang hotel na wala na ang kanyang Samsung Note4 cellphone na nakapatong sa kama.

Maliban dito nawala rin na naglahong parang bula ang kanyang dalawang bag na naglalaman ng 20 mil pesos, 69 Hong Kong Dollars, 150 US Dollars, Kite Glasses kasama pa ang mga importanteng gamit katulad ng debit MasterCard, driving license, black e-book, Ukraine passport at National passport.

Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar ng insidente para magsagawa ng imbestigasyon at kung paano nakapasok ang hindi nakilalang kawatan sa loob ng kwarto ng biktima.

Tuesday, November 03, 2015

Sunog sumiklab dahil umano sa aircon

Posted November 3, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Muntikan ng matupok ng apoy ang isang opisina sa Galaxy Residence sa Station 1 Balabag, Boracay kaninang ala-1: 30 ng hapon dahil umano sa aircon.


Ayon kay F03 Franklin Arubang ng Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) Boracay isa umanong lalaking nag-tratrabaho sa nasunog na opisina ang nakakita sa nasabing insidente habang siya ay nasa labas para bumili ng pagkain.

Dahil sa kapal ng usok sa loob ay nahirapan umano siyang pumasok sa loob kung saan humingi siya ng tulong sa mga tao sa lugar at doon ay gumamit sila ng fire-distinguisher upang maapula ang apoy.

Agad namang rumispondi ang mga bombero sa lugar ngunit patay na rin ang apoy ng dumating ang mga ito sa tulong ng mga rumisponding residente.

Sa ngayon patuloy na inaalam ng BFP kung saan nagmula ang naturang apoy at kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog, ngunit sinasabing sa aircon ito nanggaling.

Napag-alaman na kasama sa mga natupok ng apoy ang isang unit na flat screen TV, mga importanteng papeles at ilang silya.

Samantala, wala namang nasugatan o nadamay sa sunog dahil sa walang tao sa loob ng opisina ng maganap ang insidente.

Turismo sa Boracay ikinabahala dahil sa “laglag bala” sa NAIA

Posted November 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for laglag balaNababahala ngayon ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa anomalyang nangyayari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa “Laglag bala”.

Ayon kay BOD Nenette Graf ng Boracay Foundation, maaaring makaapekto sa turismo ng bansa lalo na sa isla ng Boracay ang nasabing modus operandi dahil matatakot ng pumunta sa bansa ang mga turista.

Aniya, ito ay isang International embarrassment na maaaring magiging dahilan ng pagbaba ng turismo kung hindi agad mabibigyang aksyon ng mga kinauukulan.

Samantala, sinabi nito na dapat magtulungan ang lahat para e-discourage ang mga turista na huwag dumaan sa NAIA kung pupuntang Boracay sa halip ay mayroon naman umanong mga direct flights sa Kalibo International Airport.

Sa ngayon umano ay nagsasagawa sila ng monitoring kasama si BFI President Dione Salme na e-check ang lahat ng kanilang members kung mayroong mga cancellation dahil sa nasabing kontrobersya.

Ang “Laglag-Bala” sa NAIA ay trending ngayon sa buong mundo dahil sa mga tiwaling empleyado na sinasabing naglalagay umano ng mga bala sa bagahi ng mga turista at saka hinuhuli at pinagbabayad ng malaking halaga.

Dahil sa aso, lalaki pinagtulungang bugbugin ng grupo ng kalalakihan

Posted November 3, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for asoPasa at sugat ang tinamo ng isang lalaki matapos pagtulungan bugbugin ng walong kalalakihan sa Brgy. Yapak Boracay kagabi dahil lamang sa aso.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Johnny Adegue, 25-anyos ng Sibuyan Romblon at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy.

Sa imbistigasyon ng mga pulis, pauwi na umano ang biktima sa kanyang tinitirahan ng makasalubong ang isang aso na panay ang tahol sa kanya.

Dahil umano sa takot na baka kagatin siya nito ay mabilis siyang kumuha ng bato at ibinato sa aso ngunit hindi niya ito natamaan at sa halip ay tumama ito sa isang bahay kung saan mayroong nag-iinuman.

Dito na umano lumabas ang mga suspek at isang mainit na argumento ang namagitan sa kanila kung saan agad siyang pinagtulungang bugbugin ng sinasabing walong kalalakihan.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbistigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente habang ang biktima ay nagpapagaling sa isang pagamutan sa Boracay.

Pasilidad sa Boracay para sa mga PWD’s hiniling

Posted November 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hiniling ng National Council on Disability Affair sa Local Government Unit ng Malay na dapat ay magkaroon ng mga pasilidad para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa Boracay.

Ito ang panawagan ni NCDA Executive Director Carmen Zubiaga sa isinagawang seminar para sa handling persons with disability nitong Oktobre 28-29 sa Boracay.

Ayon kay Zubiaga dapat lang umanong magkaroon ng maayos na mga pasilidad sa pantalan at mga public areas sa isla hindi lang para sa turista kundi lalo na sa PWDs.

Kaugnay nito hinikayat naman ni Zubiaga ang lahat ng mga business establishment sa isla ng Boracay na kailangang magkaroon sila ng PWD-friendly facilities.

Samantala ang dalawang araw na seminar ay dinaluhan ng ibat-ibang organisasyon sa Boracay, at Tourism frontliners na isinagawa ng Department of Tourism Central Office at DOT Region 6 sa pakikipagtulungan sa NCDA.

Monday, November 02, 2015

Ilang residente sa Malay bigo sa cut-off ng last registration ng COMELEC

Posted November 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecUmuwing bigong makaboto sa 2016 election ang ilang residente ng Malay na hindi nakahabol sa cut-off ng last registration ng Commission on Election (COMELEC) nitong Sabado.

Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, umaga palang ay nag-cut off na sila matapos makapagbigay ng limang daang numero para sa registration.

Marami umanong hindi na nakahabol na magparehistro kahit na nagsimula ang kanilang registration ng alas-6 ng umaga at natapos naman ng alas-8 ng gabi.

Nabatid na nagbigay ng 17 buwan ang Comelec para sa biometrics registration sa buong bansa ngunit sa huling anim na araw ng registration ay dinagsa ang mga opisina ng COMELEC ng mga botanteng maghahabol na makaboto sa 2016 national and local elections.

Sa ngayon umano ay tinu-total pa nila kung ilan ang kabuuang bilang ng mga botante para sa 2016 elections sa bayan ng Malay.

Samantala, pinoproseso na rin ngayon ng Comelec ang paghahanda para sa local absentee voters na kinabibilangan ng mga election officers, Pulis, Army at media na may malalaking  papel sa halalan.

Phase 1 ng Cagban Jetty Port sisimulan na

Posted November 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cagban portNagsisimula na ngayon ang construction ng phase 1 ng Cagban Port bilang pagsisimula ng pagbabago ng nasabing pantalan.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port lalagyan na umano ng harang ang paligid ng Cagban Port na nakaharap sa dagat.

Maliban dito nagpapatuloy na rin umano ngayon ang expansion ng 51 meters na idudugtong sa kasalukuyang rampa.

Nabatid na ang expansion ng nasabing rampa ay para masolusyunan ang problema ng masikip na daungan ng mga bangka lalo na tuwing low tide.

Samantala, inaasahan din umano ang iba pang mga pagbabago sa Cagban Port ngayong taong 2016 lalo na ang pagpasok ng peak season.

Undas sa Aklan generally peaceful ayon sa APPO

Posted November 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for undasNakapagtala ng zero related incidents sa Undas ang Aklan Provincial Police Office (APPO) sa probinsya ng Aklan simula kahapon ng umaga.

Ayon kay Public Information Officer PO3 Nidas Gregas, matiwasay at walang insidenteng naganapa sa probinsya sa panggunita ng araw ng mga patay o All Saints Day at All Souls Day.

Napag-alaman na ipinakalat ang mga pulis sa lahat ng sementeryo para sa lalawigan para magbantay ng seguridad sa mga taong dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Maliban dito may mga inilagay ding pulis sa mga pamilihan ng bulaklak, terminal ng buss at sa mga pangunahing kalsada para sa “Oplan Kaluluwa” katuwang ang Department of Public Works and Hi-ways, Disaster Response Team, Philippine Army at iba pang Law and enforcers.

Samantala, magpapatuloy pa rin umano ang kanilang security coverage hanggang bukas  Nobyembre 3 kung saan naka full alert status parin umano ang lahat ng hanay ng mga kapulisan sa probinsya.