Posted March 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ipinag-utos na ni Senior Superintendent John Mitchell
Jamili, acting APPO director ang pagbabantay ng seguridad sa mga pangunahing
lugar sa probinsya lalo na sa isla ng Boracay.
Kabilang sa mga pinalalagyan ng mga pulis ni Jamili ay
ang mga terminal ng bus, mall, simbahan, paliparan at iba pang matataong lugar na
dadagsain ngayong Semana Santa.
Maliban dito, pinaigting na rin ni Jamili ang seguridad
sa isla ng Boracay kung saan nagsimula ng magbuhos ang dami ng mga pasahero sa
mga pantalan.
Sa ngayon all-out na rin umano ang pwersa ng Boracay PNP
kasama ang Philippine Army at iba pang force multipliers sa isla kung saan
naka-antabay na ang lahat ng mga kapulisan sa mga tataong lugar sa isla lalo na
sa long beach area.
Kaugnay nito, nakakatutok din sa pag-siguro ng segurdid
ang APPO sa Tigayon at Manduyog Hills kung saan dinadagsa ito ng maraming tao
at turista tuwing Semana Santa para mag station of the cross.
Samantala, nakalatag na rin ngayon ang mga help disk sa
Caticlan at Cagban Jetty Port para sa inaasahang pagbuhos ng libo-libong
turista at mga taong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong araw.