Posted August 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman dapat umano itong pagyamanin at huwag kalimutan.
Ito ang ipinaabot ni Boracay National High School (BNHS)
Principal II Jose Niro Nillasca sa mga kapwa guro at sa mga mag-aaral kasabay ng
pagdiriwang ng buwan ng wika ngayong Agosto.
Ayon pa kay Nillasca, nakasalalay nalang sa kung
paano pananatilihin ang pagmamahal sa wika habang nagiging bukas sa paggamit ng
ibang wika dahil na rin sa globalisasyon.
Samantala, nabatid na may iba’t-ibang aktibidad at
patimpalak ang nakatakdang gawin mula Agosto 1-31 sa iba’t-ibang sining tulad
ng pagsusulat at pagbigkas na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa”.
Ang “Buwan ng Wika” ay ipinagdiriwang taon-taon
bilang pagtalima sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041 na nilagdaan ni Pangulong
Fidel V. Ramos noong Hulyo 1997.
No comments:
Post a Comment