Posted February 14, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Binalaan ngayon ng Municipal Environment and Natural
Resources Office (MENRO)-Malay ang publiko lalo na ang mga nagbabakasyon na
maging maingat sa namataang isang uri ng dikya o salabay sa baybayin ng Puka
Beach sa Yapak.
Ang dikya na napadpad sa nabanggit na lugar ay isang “Blue
Bottle Jellyfish” na ayon sa MENRO ay makamandag at delikadong hawakan.
Sa inilabas na advisory ng MDRRMO Malay, dahil sa “venomous”
itong blue bottle jellyfish, ay maaaring pumatay ng ibang isda at posibleng
makapinsla rin sa tao kahit na wala umano ito sa tubig.
Samantala, paalala ng MENRO-Malay na kung may napansing blue
bottle jellyfish ay huwag itong hawakan bagkus ay ipaalam ito sa mga
nagbabantay na Life Guards sa lugar.