Posted August 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang resolusyon na gawing national road ang access road ng Kalibo International
Airport (KIA).
Sa ginanap na 26th regular session ng SP
Aklan kaninang umaga, ipinasa ng kapulungan ang hiling na resolusyon ni Gov.
Florencio Miraflores na e-convert ang access road nito sa national road.
Ito’y upang magkaroon ng financial assistance na
gagamitin sa pagpapalapad nito, kung saan nakasaad din sa nasabing resolusyon
ang pagkakaroon ng Road-Right-of-Way (RROW) na mag-comply ng 20 meter
requirement.
Samantala, nabatid na patuloy ngayon ang
pagpapaunlad ng nasabing paliparan lalo na’t dumadami na rin ang mga direct
flights mula abroad.
Inuuna umanong ipinapagawa ang run way nito na
matagal na ding naging plano ng pamahalaang probinsyal ng Aklan.
Nauna ding sinabi ng Aklan Provincial Government na
madami silang kailangan gawing proseso para sa pagpapalaki ng KIA kabilang na
ang pagbili ng lupain na tatamaan ng pagpapahaba ng run way at pag-iba ng rota
ng kalsada sa labas ng airport.
Kaugnay nito, inaasahan naman na lalo pang dadami
ang international flights makaraang maging tanyag pa ang isla ng Boracay sa ibat-ibang panig ng
mundo.
No comments:
Post a Comment