YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 09, 2017

Lalaking wanted sa kasong Sexual Assault, arestado sa Boracay

Posted November 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: outdoorArestdo ang lalaking wanted sa isinagawang operasyon ng kapulisan na may kasong sexual assault sa Sitio Cabanbanan, Brgy. ManocManoc kahapon ng hapon.

Sa joint manhunt ng BTAC Intel Operatives at APPO Trackers Team, naaresto ang  suspek na kinilalang si Nicanor Flores y Sadiasa, 49-anyos, tubong Nabas, Aklan at temporaryong nakatira sa nasabi ring lugar.

Sa blotter report ng Boracay PNP, inaresto ang suspek na may warrant of arrest  na inisyu ni Hon. Bienvinido P. Barrios, Jr. Presiding Judge, RTC, 6TH Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang September 8, 2016.

Kaugnay nito, nagkakahalaga ng P 200,000  ang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Flores.

P 420-M loan ng probinsya, aprobado na

Posted November 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoor
Photo Credit: SP-Aklan
Inaprubahan na nitong Lunes November 6,2017 sa 59th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan Aklan ang terms and conditions para sa P420 M na uutangin ng probinsiya sa Land Bank of the Philippines.

Inaprubahan ito ng Committee on Appropriations, Budget, Finance and Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa kahilingan ni Governor Florencio Miraflores.

Kabilang sa mga proyektong paglalaanan ng budget ay pagsaayos ng Aklan Training Center na may budget na P30 million, Provincial Engineer's Office 20 million, Paseo de Akean P 10 million, expansion ng Provincial Assessor’s Office P 8 million, at improvement ng ABL Sports Complex na may kabuuang budget na P 22 million.

Kabilang din sa paglalaanan ng budget ang pag-improba ng pasilidad sa Caticlan Jetty Port and Terminal na may inilaang pondo na 300 million at P 30 million naman sa pagbili ng ibat-ibang mga heavy equipment ng probinsya.

Matatandaan na noong Pebrero ay inaprubahan ang planong pag-loan ng probinsya sa LBP sa 28th Regular Session ng SP-Aklan na ayon sa isinagawang naunang committee hearing ay may kakayahan ang Aklan mangutang ng P 1.5 Billion ayon sa Land Bank of the Philippines.

Anchorage Fee sa mga dadaong na Cruise Ship sa Boracay, dapat i-implenta –Vice Mayor Sualog

Posted November 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dapat umanong  i-implementa ang ordinansa na sumisingil ng anchorage fee sa mga Cruise Ship na dadaong o bibisita sa isla  ng Boracay ayon kay Vice Mayor Abram Sualog sa naganap na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon.


Ang usapin ay nag-ugat sa naging Privilege Speech ng Committee on Environment Protection Chairman Nenette Graf na aniya dapat singilin ng anchorage fee itong mga cruise ship.

Para malinawan ang plenaryo, ipinatawag nila ang head ng Transportation Office, Treasurer Office at Licensing para tanungin kung ano ang kanilang ideya kaugnay sa naturang usapin at kung ang ordinansa ba ay nasusunod.

Sa salaysay ni Cezar Oczon ng Transportation Office, sa kanilang pag-uusap ng Philippine Ports Authority o PPA, ini-refer sila nito sa Memorandum Circular number 2012-122 na pinalabas ng DILG kung saan nakapaloob umano dito na ipina-suspendi sa LGU-Malay ang pagsingil sa kaparehong collection fee’s kasama na ang probinsya at barangay na pareho sa PPA dahil magiging doble ang singil sa tax.

Dahil dito, gagawa sila ulit ng sulat sa opisina ng PPA at gayundin ang agent ng mga cruise ship may kaugnayan sa gustong i-implementang ordinansa ng Malay para mas klaro sa lahat kung ano nga ba ang dapat sundin at kung saan dapat magbayad ng anchorage fee.

Wednesday, November 08, 2017

Registration para sa mga bagong botante , muling ikinasa ng Comelec

Posted November 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Muling ikinasa ng COMELEC Office sa Bayan ng Malay ang registration para sa mga bagong botante para ng Barangay at SK Election para sa susunod na taon.

Sa panayam ng himpilang ito kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig, sa kasalukuyan  patuloy ang pagbisita ng mga bagong botante, mga nagpa-reactivate at nag-proseso sa pagpalit ng kanilang apelyido.

Nabatid na awtomatikong magiging regular voters at hindi na kinakailangang magparehistrong muli ang mga nasa 18-anyos  bago ang May 14 ng susunod na taon na nagpa-rehistro sa SK noon.

Kaugnay nito ang nasa edad 15-anyos o bago ang araw ng eleksyon ay maari ng magpa-rehistro para sa Katipunan ng mga Kabataan (KK) kung saan ang mga kabataang nakapagparehistro na nitong nakaraang Abril ay hindi na kinakailangang magparehistrong muli.

Habilin ng COMELEC na kailangan magdala ng ID ang mga magpapa-rehistro bilang Regular Voter habang Certificate of Live Birth o Baptismal Certicate naman para sa mga lalahok sa Katipunan ng Kabataan election.

Samantala, bukas ang opisina ng Comelec- Malay hanggang sa ika- 30 ng Nobyembre bilang pinakahuling araw ng rehistrasyon kung pagbabasehan ang COMELEC Resolution No.10214.

Ms World Dream, dadaong sa Boracay ngayong buwan

Posted November 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for Ms World Dream
Inaasahan ang pagbisita ng MS World Dream sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa ginanap na pulong sa Caticlan Jetty Port, inihahanda na ang mga preparasyon at seguridad na ilalatag para sa maiden call ng nabanggit na cruise ship sa darating na ika-22 ng Nobyembre.

Nabatid na ito ang ika-11 na barkong bibisita sa isla ngayong taon lulan ang nasa 4,000 na mga pasahero at 1,900 na mga crew na ganap na darating ng alas-syete y medya ng umaga at magtatagal hanggang alas- kwatro y medya ng hapon.

Dahil sa ito ang kauna-unahang pagbisita ng naturang barko, isasagawa rito ang maikling programa at exchange of plaques.

Kaugnay nito ang MS Millenium naman ay bibisitang muli sa isla ng Boracay sa ikalawang pagkakataon sa taong ito sa Nobyembre 21.

Samantala, limang barko pa ang hihintayin para mabuo ang labing-anim na bilang ng mga dadaong na cruise ship sa isla bago magtapos ang taon.

Dalawang magkahiwalay na kaso ng pagnanakaw, inireklamo sa Boracay PNP

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Himas-rehas ngayon ang isang construction worker matapos itong maaktuhang nagnakaw ng underwear sa Sitio Angol kagabi.

Ayon sa kwento ni Jovani Española sa Boracay PNP, nakita niya ang suspek na kinilalang si Ferdinand Unabia, 33-anyos ng Cebu City na nasa loob na ito ng kanilang compound at tila mayroon itong sinisilip sa bintana ng kanilang boarding house dahilan para kaniya itong sitahin.

Dito, laking gulat ng nagrereklamo ng makita nito na hawak-hawak na ng suspek ang underwear ng kanyang anak at ng isa pang boarder kung saan agad itong tumawag ng pulis para madakip.

Samantala, sa panayam kay Unabia wala umano siyang maalala sa pangyayari dahil lasing siya ng magawa niya ang insedente at kung bakit kinuha niya ang underwear.

Sa isa pang kaso, isang pintor naman ang inaresto dahil din sa kasong pagnanakaw sa loob ng kanyang pinag-tatrabahuhang hotel sa Balabag.

Kinilala ang biktima na si April Joy Sentos, 25-anyos ng Iloilo at pansamantalang nakatira sa Brgy. ManocManoc habang ang suspek ay si Sherwin Abalino, 34-anyos, taga-Kalibo at pansamantalang nakatira sa Balabag.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, nilagay niya ang kanyang wallet sa drawer sa loob ng kanilang Pantry Area subalit ng kanya itong balikan ay nawawala na ito sa loob ng drawer.

Dali-dali namang humingi ng tulong si Sentos sa Security Guard na naka-duty at ini-report ito sa Security Manager kung saan ng kanilang tignan ang CCTV footage, nakita nila dito na tanging ang suspek lang ang pumasok sa area.

Dahil sa pangyayari, ipinatawag nila si Abalino at dito inako niya na siya ang kumuha ng wallet na naglalaman ng pera na mahigit P 3, 000.

Ayon sa suspek hindi siya lasing ng kinuha niya ang wallet ni Sentos ngunit iginiit nito na hindi niya sinasadya na nakawin ang naturang wallet.

Pansamantalang nakakulong sa lock-up cell ng Boracay PNP ang suspek.

PSUPT Manongdo, bagong miyembro ng Boracay Joint Task Force

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Itinalaga ngayon ng Police Regional Office – 6 para mangasiwa sa Peace and Order Division ng Boracay Joint Task Force si PSUPT Ryan Manongdo.

Sa panayam sa Boracay Good News, prayoridad ni Manongdo ang pagtaas sa standard ng paninilbihan ng kapulisan sa mga turista lalo na sa pakikipagharap sa mga ito dahil isa umanong pribilehiyo ang manilbihan sa Boracay.

Aniya, mahalaga ang tamang pakikitungo at pag-uugali dahil hindi biro ang trabaho ng mga pulis sa isla.

Dagdag pa ni Manongdo, nais niyang protektahan ang imahe ng isla lalo na sa mga turistang nagbabakasyon.

Sa kwento ni BTAC Chief Mark Gesulga, sikreto daw na umiikot si Manongdo na nakasuot  ng sibilyan para masubaybayan kung ano ang sitwasyon sa Boracay at para makita nito kung paano mag-trabaho ang mga pulis sa beachline.

Samantala, layunin din ni Manongdo na walang ibang sasabihin ang turista pag-umuwi ng kanilang lugar kundi maganda ang isla at maganda ang kanilang karanasan sa pagbakasyon dito.

Si Manongdo ay kabilang sa mga naging awardee ng PNP bilang Most Outstanding Police of 2016.

Laborer, sinaksak-patay ng katrabahong steel man

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Sinaksak-pataySinaksak-patay ang isang trabahador ng kanyang kasamahan na steel man matapos ang hindi pagkaka-intindahan sa kanilang barracks sa Sitio Lapus-lapus, Brgy. Balabag, Boracay.

Sa blotter entry ng Boracay PNP, kinilala ang biktima na si Rodel Villamor, 42-anyos, tubong Tablas, Romblon habang ang suspek ay si Eldy Abenasa, 39-anyos ng San Fernando Masbate.

Ayon sa i-denitalye ng witness na katrabaho rin ng dalawa, nag-iinuman umano sila ng biktima at dalawa pang kasamahan sa kanilang barracks ng bigla nalang pumunta itong suspek at dito na nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa.

Salaysay pa ng witness na sinabihan ng suspek si Villamor bago ito umalis na hihintayin niya ito sa labas ng barracks.

Nabatid na matapos ang kanilang inuman ay iniwan ng biktima ang witness na kumakain ngunit ilang minuto ang nakalipas narinig nitong humingi na ito ng saklolo at sinabing nasaksak ito.

Dahil dito, pinuntahan ng witness ang biktima at dito niya nakita na may tama ng saksak sa dibdib si Villaflor.
Agad na dinala nito ang biktima sa isang clinic subalit makalipas ng ilang minuto ideneklara itong wala ng buhay ng doktor na sumuri dito.

Ang bangkay nito ay dinala na sa Prado Funeral sa bayan ng Malay habang ang suspek ay na-arestado ng Boracay PNP.

Negosyante ng isda na binaril nitong Sabado, patuloy na ini-imbestigahan ng Malay PNP

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Malay PNP sa nangyaring pamamaril sa negosyante ng isda nitong Sabado ng gabi sa Caticlan, Malay.

Kinilala ang nabaril na biktima na si Raul Daguno Jr., 46-anyos ng nasabi ring lugar.

Ayon kay PO3 Nanty Briones ng Malay PNP, kasalukuyan ngayong ginagamot ang biktima sa Provincial Hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril.

Ani Briones, hindi pa nila makuhaan ng impormasyon ang biktima dahil hindi pa ito makapagsalita subalit tiniyak ng kapulisan na gagawin nila ang lahat para ma-identify kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Nabatid kase habang papauwi itong si Daguno ay bigla itong binaril sa kanyang kaliwang parte ng likod na tumagos sa kanyang tiyan ng hindi nakilalang suspek kung saan dinala rin nito mismo ang sarili sa Malay Baptist Hospital kahit na ito ay sugatan.

Samantala, sa naging pahayag ng biktima sa mga pulis bago ito inilipat sa Kalibo, wala umano siyang kaaway at wala itong ideya kung sino ang may lakas ng loob na siya ay barilin.

20 million na budget para sa road construction sa Boracay, nasa bidding na

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Image result for road construction 
Nasa bidding na ang 20 million budget para sa gagawing road construction sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Engr. Murielle Macavinta ng Provincial Engineer Office o PEO matapos siyang makapanayam ng himpilang ito.

Aniya, pino-proseso na nila ang bidding para sa pagsasa-ayos ng mga lubak at baku-bakong kalsadahin lalo na sa mainroad dito sa isla at upang maresolba na ang problema na kinakaharap ng mga motorista at mga Boracaynon.

Kapansin-pansin na kulang sa maintenance ang kalsada at walang asphalt overlay na minsan ay binabaha pa dahilan para takaw disgrasya sa mga dumadaan.

Kaugnay naman sa paglatag at konstruksyon ng sewer pipeline ng mga water utilities sa kalsada , sinabi niya na binigyan nila ito ng pahintulot para sa kanilang expansion o proyekto pero dapat din nila itong sa orihinal na kondisyon.

Habang nagpapatuloy ang BIWC sa expansion ng kanilang sewer line, nag-umpisa na rin ang Boracay Tubi Systems Inc. ng kanilang excavation at pipe laying sa ManocManoc.

Ayon pa sa PEO, inaasahan na masisimulan na ang road construction sa 1st quarter ng taong 2018.

Kung maalala, naging malaking hamon sa pag-usbong ng Boracay ang kakulangan sa imprastraktura dahil na rin sa hindi mapigilang pagdami ng tao at pagpasok ng mga malalaking investor.