YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 24, 2017

Comelec Chairman Andres Bautista, binisita ang Aklan

Posted February 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for andres bautistaNasa probinsya ngayon ng Aklan si Commission on Election COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ang pagbisita ni Bautista sa Aklan ay may layuning makapag-usap sila ng mga opisyal ng COMELEC Region 6.

Kahapon ng umaga ay binisita ni Bautista ang COMELEC Offices ng Altavas, Balete, Banga, Numancia at Makato.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng pag-uusap kasama ang empleyado ng COMELEC Aklan at Antique, kasunod nito dumiretso si Bautista sa ASU Kalibo Campus para obserbahan naman ang Voter’s Education and Satellite Registration.

Nabatid na bago dumiretso ng Aklan si Bautista kahapon, una muna nitong binisita ang probinsya ng Iloilo at Guimaras.

Kaugnay nito, naging matagumpay at napaka-produktibo ang pagbisita ni Bautista kasama sina Atty. Bartolome J. Sinocruz, Deputy Executive Director for Operations and Atty. Teopisto E. Elnas, Director of the Election and Barangay Affairs Department of the Commission at sa grupo ni Atty. Dennis L. Ausan, Regional Election Director of Region 6, Atty. Ian Lee M. Ananoria at Provincial Election Supervisors ng Aklan at Antique Atty. Roberto A. Salazar.

Thursday, February 23, 2017

Atletang si Kyla Soguilon, kinilala ng SP-Aklan

Posted February 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zamnrona, YES FM Boracay
Image result for kyla soguilon 
Kinilala ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang bagong award na napanalunan ng atletang Aklanon na si Kyla Ong Soguilon.

Napabilang umano si Soguilon sa ikatlong pagkakataon bilang kauna-unahang atleta na nakasungkit ng tatlong sunod-sunod na taon bilang Junior Athlete of the Year at Milo Junior Athlete of the Year sa larangan ng paglalangoy.

Pinangunahan ni Board member Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz at Board member Ramon Gelito sa 28th Regular Session ang pagkilala kay Soguilon at sa mga napanalunan nito sa international competition.

Tinanggap ng atleta ang parangal sa Metro Manila sa ginanap na Philippine Sportswriters Association o (PSA) nitong Pebrero 13 taong kasalukuyan.

Samantala, bukod kay Soguilon, kinilala rin ng komitiba ang coach nito na si Manuel De Leon kung saan dahil na rin sa galing ng kaniyang pagtuturo kung kaya’t nakamit nito ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.

Pagdaos ng ASEAN meeting sa Boracay naging matiwasay- Gorero

Posted February 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

“So far so good”

Ito ang naging pahayag ni Police Superintendent Gilbert Gorero sa naganap na Senior Officials Meeting ng Foreign Minister’s Retreat na nagtapos kahapon.

Ayon kay Gorero, sinunod nila ang International Templates na siyang standard security para sa nasabing pagpupulong.

Aniya, wala siyang narinig na negatibo tungkol sa Boracay, bagkus magagandang komento ang binitawan ng mga delegado na dumating sa isla, kung kaya’t inaasahan pa ang pagbabalik ng mga ito, hindi para umattend ng pagpupulong kundi para magbakasyon.

Sa kabilang banda, naging maganda rin ang komento ng mga turista dahil naramdaman nila ang kaligtasan sa deployment ng mga pulis.

Inihayag pa ni Gorero, na naging madali ang kanilang pag-execute ng seguridad dahil na rin sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Malay at maging ng mga mamamayan kung saan naging katuwang nila ang dalawampu’t- isang mga ahensya na pinagsama- sama para sa maayos na ASEAN Summit 2017.

At sa sandaling makalabas na ng bansa ang mga delegado, inaasahan nitong maipagmamalaki ng kaniyang grupo, at ng ibang ahensiya na naging bahagi ng ASEAN SUMMIT, at maging ng lokal na pamahalaan ng Malay sa buong bansa na naging secured ang mga delegado na walang major incidents na nangyari sa kanila sa kanilang pananatili sa Boracay.

Samantala, hindi pa umano nila masasabing tapos na ang inilatag nilang seguridad dahil may ibang delegado na kasalukuyang nasa isla pa.

Wednesday, February 22, 2017

2017 annual budget ng Malay, aprobado na

Posted February 22,2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprobado na sa 3rd and final reading ang 2017 Annual Budget para sa bayan ng Malay.

Sa ginanap na 5th Regular Session ng Sangguniang Bayan (SB) Malay nitong ikalawang Martes ng buwan, inaprubahan ng mga mambabatas ang budget na nagkakahalaga ng 450 million.

Nabatid na prayoridad umano ng lokal na pamahalaan ng Malay na gamitin ang nasabing pondo para sa serbisyong pambuliko, konstruksiyon sa iba’t-ibang mga proyektong kung saan kasama din sa po-pondohan ang departamento ng Solid Waste and Management at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang pondo para sa 2017, na inaprubahan ng konseho, ay mas mataas ng 50 million kumpara sa nakaraang taon.

Update: SP-Aklan, aprobado na ang loan ng Probinsya

Posted February 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budgetAprobado na ng Sangguniang Panlalawigan Aklan ang planong pag-loan ng Probinsya sa Land Bank of the Philippines.

Ito umano ay inaprobahan ng kometiba sa 28th Regular Session ng SP-Aklan nitong Lunes.

Nabatid na ito umanong plano ay pinag-usapan ng mga mambabatas kung saan itong paghiram ng pondo ay para pondohan ang lahat ng mga proyekto sa probinsya katulad ng Training Center, Provincial Engineer's Office, Paseo de Akean, expansion ng Provincial Assessor’s Office, improvement ng ABL Sports Complex at Caticlan Jetty Port.

Nagkakalaga umano ng mahigit 420-million ang perang i-loloan.

Tuesday, February 21, 2017

Code of Conduct Framework sa South China Sea, nabanggit sa Press Conference ng Asean

Posted February 21, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person, sittingNabanggit sa ginanap na press conference ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kahapon ang isyu tungkol sa South China Sea.
Nabatid na ang nasabing usapin ay may kinalaman sa Code of Conduct framework na siyang magiging daan para maisaayos ang tensyon sa South China Sea.

Sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Enrique A. Manalo, wala umanong pagbabago sa ASEAN Position kung saan nagkakaisa ang ASEAN para sa COC.

Aniya,mas determinado pa sila upang i- finalize ang COC Framework sa lalong madaling panahon at magpatuloy sa aktuwal na negosasyon kung kaya’t umaasa sila ng magandang resulta.

Matatandaang ilang taon na ang isyung ito kung saan target itong matapos ngayong taon.

Image may contain: 1 person
Sa kabilang dako naman, nabanggit din ni Manalo ang mga update sa Senior Officials Meeting ng gaganaping Foreign Minister’s Retreat ngayong araw kung saan pag- uusapan ang discussions on ASEAN community building, conduct of ASEAN summits, external relations at milestone anniversaries ng regional body lalo na ang - usap sa mga non-ASEAN countries.

Samantala, dahil sa pagpapatuloy ng ASEAN Summit, mahigpit pa rin ang ginagawang seguridad ng mga hanay ng pulis sa isla.

Sangguniang Panlalawigan Aklan, akreditado na ng International Organization for Standardization


Posted February 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Akreditado na o Certified International Organization for Standardization (ISO) ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.
Ito umano ay sa pamamagitan ng ISO 9001:2008 na inaprobahan ng TUV Rheinland.

Nabatid na ang Aklan ay isa sa probinsya na nakakasunod sa ISO Standards at nag-iisang nakatanggap ng ISO-certification kung saan ito umanong resulta ay lumabas noong Pebrero 14 taong kasalukuyan.

Kung matatandaan noong nakalipas na taon, sinabi ni Bise Gobernador Reynaldo Quimpo, na nakikipag-koordinasyon na sila sa Anglo Japanese American, na siyang kinatawan ng ISO, para sa kaukulang requirements.

At  sa tulong naman umano nang kanyang asawa na si dating Bise-Gobernador Gabrielle Calizo-Quimpo, inayos nila ang tungkol sa pagsunod sa nasabing regulasyon.

Ito umanong certification ay nangangahulugan na ang processes, steps at systems ay kinakailangan sa mga function ng SP Secretariat in Legislative Support Services, Records Management and Archiving, Administrative Services and Minutes and Journals Documenting at isasama ito sa international standards na itinakda ng ISO 9001:2008.

Kalibo Airport nagtala ng pinakamaraming flights

Posted February 21, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for kalibo airportNagtala ng pinakamaraming international flights ang Kalibo International Airport (KIA) sa nakalipas na taon.

Naabot nito ang 94% na international inbound flights sa Western Visayas at Negros Occidental at halos 21% na mga domestic flights.

Umabot sa 6, 908 ang domestic flight na naitala ng KIA galing sa Manila at Cebu at 4, 634 naman para sa mga direct na byahe mula sa bansang Singapore, Incheon( South Korea), Hongkong, Taipei(Taiwan), Kuala Lumpur (Malaysia), at China.

Base naman sa datos ng Department of Tourism Region 6,ang Bacolod-Silay Airport ay nakapagtala ng 11,466 domestic inbound flight, habang ang Iloilo International Airport ay nagkaroon 285 na mga internasyonal na flight at 10,058 domestic flight.

Nabatid na ang isa pang airport sa Caticlan, Aklan na Godofredo P. Ramos Airport sa Bayan ng Malay ay nagkaroon ng 3,600 domestic flight mula sa Cebu at Manila, habang ang Roxas Airport sa Capiz nagkaroon 1,460 domestic inbound flight, din mula sa Manila at Cebu.

Samantala, inaasahan maisasaayos ng Caticlan Airport ang lokal na trapiko sa mga pasahero kasabay ng mataas na bilang ng flights ng mga airline companies ng kumpanya kung saan maaari na nitong mahawakan ang mga mas malalaking aircrafts at sa gayon ay pwede nang payagan ang mga turistang nagmula sa Manila at Cebu na dumiretso ng Boracay nang hindi dumaraan sa Kalibo.

Monday, February 20, 2017

Foreign Ministers ng ASEAN SUMMIT, nasa isla na ng Boracay

Posted February 20, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for asean summitNasa isla na ng Boracay ang second batch na mga foreign ministers ng Association of Southeast Asian Nations o (ASEAN) SUMMIT.

Nabatid na ang mga dumating na Foreign Ministers at senior officials ay mula sa bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam kung saan gaganapin ang kanilang pagpupulong bukas Pebrero 21 taong kasalukuyan.

Pangungunahan umano ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. ang ASEAN Foreign Ministers Retreat.

Kaugnay nito, pag-uusapan naman umano sa ministers meeting ang ASEAN Community Building kasama ang pagpapatupad ng ASEAN Community Vision 2025 at iba pang international at regional issues.

Samantala ito na ang ikatlong beses na nag-host ang Pilipinas sa ASEAN SUMMIT.