YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 09, 2016

22- anyos na Security Guard, nasawi matapos makuryente

Posted January 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dead on arrivalHindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 22- anyos na security guard matapos itong makuryente sa Sitio Bolabog Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktimang si Diorel Tagumpay, residente ng Brgy. Jawili, Tangalan, Aklan.

Ayon kay PO1 John Mark Mascara ng Boracay PNP, umigib umano ang biktima ng tubig sa likod ng kanilang barracks ng hindi nito namalayan sa kanyang dinadaan na may nakalaylay palang kuryente sa yero na ginawang pader kung saan niya ito nasagi na naging dahilan naman ng kanyang agarang pagkamatay.

Dinala pa umano ang biktima sa malapit na ospital pero agad naman itong idineklarang dead on arrival.

Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2016, umarangkada na

Posted January 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umarangkada na kahapon ang “week long celebration” ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2016 na magtatapos sa Enero 17, 2016.

Sinimulan ito ng street dancing ng mga kabataan sa paligid ng Kalibo Pastrana Park gamit ang kanilang mga tambol na nagdadala ng maingay at malakas na tunog sa kalye ng nasabing lugar habang nag-sasayawan ang mga ito.

Kagabi rin kinoronahan ang bagong Mutya ng Kalibo 2016 na si Michelle Lou Tordecillas Dela Cruz ng Kalibo, Aklan sa ginanap na Coronation Night sa ABL Sports complex.

Kaninang umaga naman isinagawa ang Sikad, Karera sa Kalibo Ati-Atihan habang mamayang hapon ang Car Show 2016 sa Plaza at bukas naman ang 5k Ati-Atihan Fun Run at susundan naman ito ng Bikers Rally 2016.

Maliban dito, ibat-ibang aktibidad pa ang masasaksihan hanggang sa Enero 17 kagaya ng Parade of Festivals Showcase, Sinaot sa Kalye ng DepEd, Pagdayaw kay Sr. Sto. Niño, Aklan Higante contest, Sad-sad, Ati-Atihan Tribal, Big, Small, Balik-Ati, Modern Groups, Individual Street Dancing Contest, procession at marami pang iba.

Ang Ati-Atihan ay isinasagawa tuwing ikatlong linggo sa buwan ng Enero sa Kalibo kung saan ito ang tinatawag na “Mother of All Philippine Festival”

Comelec Aklan may paalala sa pagsisimula ng Gun Ban bukas

Posted January 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec gun banMagsisimula na bukas Enero 10, 2016 ang Comelec election period gun ban para sa nalalapit na May 9 national and local elections sa buong bansa.

Dahil dito mahigpit ang paalala ni Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng Commission on Elections (Comelec) Aklan, na ipinagbabawal sa lahat ang pagdadala ng nakakamatay na bagay sa nakatakdang election period.

Nabatid na exempted lamang nito ay ang mga pulis at militar sa kondisyong maaari lamang silang magbitbit ng baril kapag naka duty pero hindi naman sila magiging saklaw ng exemption kapag sila ay naka-sibilyan.

Ayon pa kay Gerardo ang election period ay magtatapos sa Hunyo 8 kung saan dapat umanong iwasan ng mga Aklanon  na e-violate ang elections rules at laws.

Samantala, batay naman sa inisyung Resolution No.10029, nakasaad ang guidelines na susundin ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay ng mga ito ng Comelec checkpoint para sa gun ban.

Romanian National, ini-reklamo matapos hindi nabayaran ang hotel na tinutuluyan

Posted January 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaNagkakahalaga ng P59, 210 ang bill ng isang Romanian national na hindi nabayaran sa isang hotel sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.

Dahil dito inireklamo ng Supervisor ng hotel ang suspek na si Peter Bordacs dahil sa umalis ito ng hindi nabayaran ang naiwang  bill sa nasabing hotel.

Samantala, ang kaso ay ini-refer na sa Department of Foreign Affairs and Bureau of Immigration.

Friday, January 08, 2016

Sadiasa ng CBTMPC, nilinaw na hindi sa kanila ang dahilan kung bakit nade-delay ang mga pasahero sa Jetty Port

Posted January 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for jetty portNilinaw ngayon ng Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o (CBTMPC) na hindi sa kanila ang dahilan ng pagkaka-delay ng mga pasahero sa Jetty Port.

Ito’y sa kabila ng maraming pagsisising nakuha ng CBTMPC mula sa mga pasahero dahil sa kawalan umano ng mga bangka lalo na noong holiday season kung saan iilan lamang ang bumibiyahe.

Ayon kay CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa, hindi umano nagkukulang ang mga ginagamit nilang bangka sa pang araw-araw na operasyon nito para sa mga pasahero.

Iginiit nito na mahigit 60 na bangka ang nag-ooperate sa dagat kaya malabo umanong sila ang dahilan ng pagka-delay ng mga pasahero.

Sinabi nito na hinahati ang 60 na bangka sa dalawang grupo para sa operasyon sa umaga at sa hapon kung saan pagpatak naman umano ng alas 6 hanggang 10 ng gabi para sa night navigation ay 15 hanggang 18 bangka ang kanilang ginagamit dagdag pa rito ang tatlong mermaid boat.

Maliban dito tatlo naman umanong bangka ang kanilang ginagamit pagpatak ng alas-10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga para sa mga pasaherong may biyahe ng madaling araw.

Samantala, ipinunto naman ni Sadiasa na sinusunod lamang nila ang mga alituntunin sa isla ng Boracay kung kayat dapat sumunod din umano ang mga tao rito.

Umano’y mga gay prostitute sa Boracay nakatakdang bigyan ng aksyon

Posted January 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay by night
Google.com
May plano na umano ngayon ang Municipal Auxiliary Police (MAP) at Municipal Tourism Office ng Malay sa umano’y mga gay prostitute sa isla ng Boracay.

Ayon kay Retired Army Edwin Bernesto at Post Commander Station ng MAP sa beach area, napag-usapan na umano nila ang mga plano tungkol sa mga ito na makikita sa beach area tuwing gabi.

Ito umano ay kaugnay sa sunod-sunod na reklamo na natatanggap ng mga otoridad laban sa mga sinasabing gay prostitute na nagha-harass ng mga lalaking foreigner sa Boracay.

Sinabi naman ni Bernesto na dapat bigyan ng random checked-up ang mga nasabing bading sa ginagawang hindi kanais-nais sa mga turista.

Nabatid na nito umanong nakaraang linggo ay nakatanggap ng reklamo si Bernesto kung saan isang foreigner ang tinambangan ng dalawang bading at pinlit na sumama sa kanila ngunit sa pagtanggi umano nito ay pinag-hahalikan siya sabay tangay ng kanyang wallet.

Samantala, ang planong ito ay nakatakdang muling pag-usapan ng LGU Malay, Boracay PNP, MAP at Mtour Malay sa pagsugpo sa ginagawang kabalastugan ng mga sinasabing gay prostitute sa isla ng Boracay.

Seguridad sa 2016 Boracay Ati-Atihan nakalatag na

Posted January 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES Fm Boracay

Photo Credit to BTAC
Plantsado na ang paghahanda sa seguridad ng 2016 Boracay Ati-Atihan na magsisimula ngayong hapon hanggang sa araw ng Linggo.

Kahapon ay nagtipon-tipon ang lahat ng mga force multipliers sa isla ng Boracay kasama ang LGU Malay, BFI at iba pang concern agencies para sa pag-paplano sa seguridad.

Dito napag-usapan ang pagsisiguro sa seguridad sa deboto ng Sto Niño, parishioners, tourists at lahat ng taong kabilang sa selebrasyon ng nasabing kapistahan.

Maliban dito kasado na rin ngayon ang rerouting ng mga sasakyan sa isla upang maiwasan ang matinding trapiko sa oras ng parada at motorcade.

Nabatid na bukas ng alas-4 ng hapon ay magkakaroon ng Tribal Street Dancing Competition na lalahukan ng mga HS Student sa Boracay na magsisimula sa Casa Pilar hanggang sa Balabag Plaza at sa Linggo naman ng umaga ang Boracay Ati-Atihan Sto. Niño Sadsad.

Ang Ati-Atihan Festival ay pakikiisa sa selebrasyon ng kapistahan ni Sr. Sto Niño na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Enero sa ibat-ibang lugar sa bansa partikular sa bayan ng Kalibo na siyang “Mother of All Philippine Festival”.

Chinese National sa Boracay, tinambangan ng holdaper

Posted January 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Hindi pinalampas ng mga sinasabing holdaper ang isang Chinese National matapos itong abangan at hingan ng pera sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.

Sumbong ng biktimang si Yi Lu Wang 22- anyos sa Boracay PNP, sakay umano ito siya ng motorsiklo pauwi sa kanyang tinitirahan sa nasabing lugar ng bigla nalang umano silang parahan ng dalawang lalaking holdaper.

Sinasabing tinakot umano ito ng isang suspek at tinutukan ng kutsilyo sakanyang baywang habang pilit na kinukuha ang kanyang pera.

Sa takot naman ng biktima ay binigay naman nito agad sa suspek ang kanyang P1,000 at mabilis na sinabihan ang driver na lisanin ang lugar pauwi sa kanyang tinutuluyan.

Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng Boracay PNP ang nasabing insidente.

Mga sasakyang walang sticker mula sa Jetty port hindi na makakapasok sa Cagban Port

Posted January 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cagban jetty portEpektibo noong Enero 1, 2016 ay bawal ng pumasok ang mga sasakyan sa Cagban Port na walang sticker mula sa Jetty Port Administration.

Ito ang sinabi ni Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration matapos nilang simulan ang nasabing implementasyon.

Ayon kay Pontero, ang hindi nakapapag-renew at nakapag bayad para sa taong 2016 ay hindi na makakapasok sa nasabing pantalan.

Sinabi nito na noong Oktobre pa noong nakaraang taon nila sinumulan ang aplikasyon para sa mga sasakyan sa isla ng Boracay katulad ng mga transportation vehicle na kinabibilangan ng tricycle, hotel at resort service, multicab at L300 van.

Kaugnay nito hanggang ngayon ay patuloy parin umano ang kanilang pagtanggap sa mga aplikasyon ng mga operator para sa mga sasakyang gustong makapasok sa Cagban Port.

Kapansin-pansin din na kakaunti lang ang mga traysikel na nakapila sa loob at ang iba ay sa labas ng port nabababa ng pasahero dahil na rin sa nasabing implementasyon.

Samantala, ang sticker mula Jetty Port ay siyang patunay na ang mga ito ay nakapagbayad at maaaring makapasok sa port ngunit ang wala naman ay hanggang sa entrance lamang makakapagbaba ng kanilang mga pasahero.