Posted April 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mismong ang Commission on Elections (Comelec) Malay ang
tatawid sa isla ng Boracay para dalhin ang pagpaparehistro ng biometrics sa mga
botante.
Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, sila na
mismo ang pupunta sa tatlong brgy. sa isla para hindi na mahirapan ang mga
magpaparehistro na tumawid sa munisipyo ng Malay.
Sinabi nito na nagsimula ang ganitong proseso noong
nakaraang eleksyon kung saan nakakapagtala sila ng maraming botante kung sila
mismo ang dadayo sa mga lugar.
Nabatid na ngayong darating na Mayo 6-12 ay nakatakda
silang pumunta sa Brgy. Yapak para sa nasabing biometrics registration na gaganapin
naman sa Daycare Center habang ang Balabag at Manoc-manoc ay sa buwan naman ng
Hunyo.
Samantala, sinabi pa ni Cahilig ang walang biometrics ay
hindi makakaboto sa darating na halalan sa Mayo 9, 2016.