YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 31, 2013

Mga bumibili ng prutas na bilog, lalong dumagsa; mga foreigner, nakipagsiksikan din

Ni Bert Dalida, Yes FM 911 Boracay

Lalong dumagsa ang mga bumibili ng prutas na bilog mula pa kaninang umaga.

Kapansin-pansin na nakikipagsiksikan din sa pagbili ng mga nasabing prutas maging ang mga foreigner sa Boracay, na tila balewala kung magkano man ang presyo ng kanilang bibilhin.

Patok sa mga pangunahing fruit stands sa isla ang mga round fruits katulad ng chico, melon, fuji apples, ponkan at kiat-kiat na sinasabing pampasuwerte sa pagpasok ng bagong taon.

Ayon kay ‘Aling Neng’ kanina, Disyembre 29 pa lamang nang sinimulan na nitong bumili ng prutas na bilog, subali’t inunti-unti na rin umanong kinain ng kanyang mga ‘tsiketing’.

Samantala, aminado naman ang ilang mga fruit stand owners sa isla, na bahagyang tumaas ang kanilang panindang prutas ngayong araw.

Boracay, handa na para sa New Year Countdown mamayang hatinggabi

Ni Bert Dalida, Yes FM 911 Boracay

Handa na para sa New Year Countdown mamayang hatinggabi ang isla ng Boracay.

Katunayan, maaga pa lang kanina nang magsimulang mag-set up sa beach front ng kani-kanilang count down stage ang mga naglalakihang resort sa isla.

May mga inihanda ring bangka para sa magagarbong fireworks display na siguradong hahangaan ng mga turista, maliban pa sa mga malalaking digital countdown timer.

Sa Boracay, nakaugalian na ng mga resorts ang taunang New Year Countdown, upang bigyang kulay ang pagsalubong ng bagong taon.

BFI, hangad ang masaya at mapayapang taon para sa Boracay

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Isang masaya at mapayapang taon.

Ito ang hangad ng BFI para sa Boracay, kaugnay sa pagtatapos ng 2013 at pagpasok naman ng 2014 mamayang hatinggabi.

Ayon kay BFI o Boracay Foundation Incorporated President Dionesio ‘Jony’Salme.

Nararapat na laging ipagdasal ang pagiging masaya at mapayapa ang Boracay sa taong 2014, kasabay ng paniniwalang malalampasan pa ang target na tourist arrival sa magtatapos na na taong 2013.

Ito’y sa kabila ng naranasang negatibong epekto sa turismo ng isla dulot ng nagdaang Super Typhoon Yolanda kamakailan.

Samantala, sinabi pa ni Salme na sana’y walang anumang aksidente ang mangyari sa isla, sa pagsalubong ng bagong taon.

Monday, December 30, 2013

Security guard, patay matapos barilin ng kapwa security guard sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patay ang isang security guard ng Fairways and Blue Waters Resort sa Baranggay Yapak Boracay, matapos barilin ng kapwa nitong security guard.

Bandang alas kwatro-otso ng madaling araw kahapon ng makatanggap ng tawag ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na mayroon umanong nangyaring pamamaril sa nasabing resort.

Agad namang rumispondi ang mga kapulisan sa nasabing lugar para mag-conduct ng imbistigasyon.

Napag-alaman na naka-duty ang biktima ata ang suspek ng mangyari ang insidente.

Kinilala ang biktimang si SG Allen Lauron Y Fernandez, married, 42 years old at native ng Lambunao Iloilo at under sa Back-up Security Agency.

Ang suspek naman ay kinilalang si Jose Leonel Y Armanda nasa legal age, married at tubong Lapaz Jamindan Capiz at under naman sa Tarosi Agency.

Agad na dinala ang biktima sa Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital, pero idiniklara itong dead on arrival ng attending physician.

Ang suspek naman ay at large parin at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Basi pa sa inisyal na imbistigasayon ng mga kapulisan kapwa mayroong shotgun ang biktima at suspek na naka duty at iyon din ang pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril sa biktima.

Nabatid na ang mga armas ay hindi nakita sa crime scene at nauwi ito sa nigatibong resulta.

Ayon pa sa BTAC, inaalam pa nila kung ano ba ang dahilan sa nangyaring pamamaril habang nasa loob sila ng resort para sa kani-kanilang mga duty.

Kasalukuyan namang dinala sa isang funeral homes sa Cubay Norte sa bayan ng Malay ang labi ng biktima.

Sa ngayon walang tigil ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa nakatakas na suspetsado.

Mga Senior Citizens ng Boracay, nag-alay ng programa sa Rizal Day Celebration

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Hindi napigilan ng masamang panahon ang ating mga Senior Citizens ng Boracay upang gunitain ang Rizal Day.

Katunayan, isang programa ang sama-samang inihanda ng mga senior citizens ng Barangay Manoc-manoc, Balabag, at Yapak kaninang umaga sa mismong Balabag Plaza.

Matapos ang kanilang sponsored mass na pinangunahan ni Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay.

Nag-alay ng awitin at humataw sa sayaw ang mga nasabing senior citizens, bago nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal.

Sa nasabing programa, sinabi ni Senior Citizens Boracay President Rufina ‘Pines’ Villaroman na kailangang magkaisa ang mga Senior Citizens sa buong Boracay, upang manatiling inspirasyon at hangaan ng kanilang kapwa at maging ng mga kabataan.

Samantala, lalong naging masaya ang naturang programa, nang magbigay ng kanyang mensahe sa dating Vice Mayor Cesiron Cawaling kanina.

Sinabi nito na dapat ugaliin nila ang pag-eehersisyo, upang maabot o mahigitan pa ang edad na isang daan, na hindi nangangailangan ng gamot.

Sabay-sabay namang ginugunita sa buong bansa ang ika- 117th death anniversary ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal.

Dahil sa walang tigil na buhos ng ulan, ilang lugar sa Aklan binaha

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Binaha ang ilang lugar sa probinsya ng Aklan lalo na sa bayan ng Kalibo dulot ng walang tigil na buhos ng ulan simula kahapon.

Ayon sa Kalibo PNP umapaw ang Aklan river kaninang umaga dahilan para maaberya ang mga biyahe ng sasakyan dulot ng pagbaha sa mga kalsadahin.

Base naman sa mga ipinakalat na larawan sa social media, umabot hanggang tuhod ang lalim ng baha sa mga kalye ng Oyo Torong, C. Laserna, Osmena Avenue, Roxas Avenue, Crossing Rotonda at papuntang Brgy. Bakhaw Sur.

Pinasok rin ng tubig baha ang ilang mga kabahayan sa mga nasabing lugar lalo na ang mga nakatira malapit sa Aklan river.
 

Ilan pa sa mga apektado ng pagbaha ay ang Brgy. Libtong, Estancia at Mobo, Kalibo kasama ang Brgy. Laguinbanua East at Brgy. Bulwang, Numancia gayundin sa Brgy. Bugasongan, Lezo.

Apektado rin ang biyahe ng mga sasakyan papuntang Roxas at Iloilo City dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog papuntang kalsada bayan ng Balete at Altavas.

Naging maagap naman ang Provincial Risk Reduction Management Council (PRRMC) para paalalahanan ang mga residente na malapit sa Aklan river na maging maingat.

Samantala, base naman sa isinagawang pagmomonitor ng mga kapulisan unti-unti nang bumaba ang tubig baha sa ilang bayan sa Aklan.

PCG, nagbabala kontra overloading ng mga barko

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagbabala ngayon ang Philippine Coast guard (PCG) sa mga pampasaherong barko na may biyaheng Caticlan at Mindoro.

Ayon kay PCG Caticlan acting station commander Pedro Taganos, marami ang mga nagsisiuwian ngayon sa kani-kanilang mga probinsya para ipagdiriwang ang bagong taon.

Karamihan din umano sa mga barko ngayon ay nananamantala sa pagdagsa ng mga pasahero sa pagpapasakay ng higit sa itinikdang kapasidad.

Dagdag pa ni Taganos hanggang sampu lang na mga sasakyan ang maaaring ikarga ng RoRo vessel at dipinde narin sa kapasidad nito.

Oras-oras din umano ang kanilang ginagawang pag-momonitor sa mga pantalan sa probinsya para sa ginagawang siguridad ng mga biyahero ngayong holiday season.

Nauna na rin nagpaalala ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga may-ari o operator ng mga shipping company sa bansa na huwag mag-overloading  para maiwasan ang anumang insidente sa karagatan.

Samantala, umapela pa ang PCG sa publiko na agad isumbong sa mga otoridad ang alinmang barko na lumalabag sa patakaran kontra overloading.