YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 11, 2015

“Timbangan ng Bayan” ipamamahagi ng DTI sa 17 bayan sa Aklan

Posted July 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mamahagi ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan ng kilohan “Timbangan ng Bayan” sa 17 bayan sa probinsya.

Ayon kay DTI-Aklan Provincial Director Engr. Diosdado Cadena, Jr., ang proyektong ito ay sagot umano sa hinaing o reklamo ng mga mamimili laban sa mandarayang nagbibinta na minamanipula ang kanilang timbangan para kumita ng mas malaki.

Dagdag nito na makakatanggap ang 17 bayan ng tig-dalawang timbangan na ilagagay sa istriktong lugar sa kanilang mga tindahan.

Nabatid na isang memorandum of agreement ang pipirmahan ng DTI at ng mga Local Government Unit sa probisya para sa implementasyon ng “Timbangan ng Bayan”.

Kaugnay nito sinabi pa ni Cadena na nagkaroon umano ng inspeksyon ang tauhan ng DTI sa mga tindahan kung saan nila ilalagay ang nasabing timbahangan na nakalagay sa parang isang kulungan na maliit para sa mga mamimili. 

Inihayag din ni Cadena na ang market master ng LGU ay siyang magiging in-charged sa maintenance security operation ng timbangan.

Samantala ang proyektong ito ay under sa Republic Act 7394 or the Consumer Act of the Philippines. 

Public Bidding ng AKELCO imbitado para sa lahat ng mga interesado

Posted July 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bidsMagkakaroon ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa pamamagitan ng Bids And Awards Committee (BAC) ng Public Bidding ngayong Hulyo.

Dahil dito iniimbitahan nila ang mga bidders na ipasa ang kanilang bids para sa procurement ng Office supplies pati na ang mga Computer Links at Toners.

Ang mga interesado at kwalipikadong sumali sa Bidding ay kinakailangang makabili ng bidding documents simula Hulyo 9 2015 hanggang Hulyo 28, 2015 pagkatapos na makasumite ng Letter of Intent (LOI), gayon din ang makabayad ng non-refundable fee para sa bidding documents na Five Thousand Pesos sa AKELCO.

Nabatid na ang Bids and Awards Committee (BAC) ng kooperatiba ay magsasagawa ng Pre-bid Conference sa Hulyo 16 sa AKELCO Board Room sa Lezo, Aklan kung saan bukas ito sa mga kwalipikadong bidders na nakabili ng bidding documents.

SB Bautista, ayaw ng palalain ang isyu tungkol sa One Entry One Exit Policy sa Boracay

Posted July 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay boatAyaw na umanong palalain ni Malay SB Member Floribar Bautista ang isyu tungkol sa One Entry One Exit Policy sa Boracay.

Ito ay matapos na magpadala ng sulat si Governor Florencio Miraflores kay Malay Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito na ipagwalang-bisa ang iniakda ng SB Malay na resolution No. 073 series of 2014 na sponsor ni Bautista at Malay Liga President Abram Sualog.

Ayon kay Bautista magpapadala rin ng sulat ang Sangguniang Bayan ng Malay kay Gobernador Miraflores para sabihin na wala silang intensyon sa nasabing resolusyon na nagdedeklara ng regular One Entry One Exit Policy sa Tabon at Tambisaan Port tuwing pahon ng Habagat.

Aniya ang iniisip lamang nila rito ay ang kaligtasan ng mga pasahero at para maging convenience sa lahat kung kayat ginagawa nila ang nasabing resolusyon.

Nabatid na gusto ng Aklan Province na hindi gamiting regular One Entry One Exit Policy ang Tabon at Tambisaan Port kung hindi naman gaano kalakas ang Habagat at maganda ang panahon sa Caticlan at Cagban Jetty Port dahil sa sumasalungat umano ito sa Provincial Ordinance No. 05-032.

Friday, July 10, 2015

Municipal Tourism Office at Tourism Frontliners ng Malay lumahok sa 2nd International Travel Festival 2015 sa Cebu City

Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Lumahok ang Municipal Tourism Office at Municipal Tourism Frontliners ng bayan ng Malay sa 2nd International Travel Festival 2015 na ginanap sa Ayala Center, Cebu City.

Ito ay sa pangunguna ni Municipal Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos at Marketing & Promotion section under sa supervision ni Merrelle C. Prado ng Tourism Office.

Nabatid na ang Malay Municipal Tourism Frontliners ay kinabibilangan ng mga asosasyon at mga kooperatiba na nag-rerender ng kanilang serbisyo sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Layunin ng pagsali ng Tourism Office at Tourism Frontliners sa International Travel Festival 2015 ay para mai-promote ang mga produkto at serbisyo ng bayan ng Malay at Boracay.

Samantala, ang naturang Festival ay nagsimula kaninang umaga na magtatapos naman ngayong darating na Linggo Hulyo 12 kung saan nilahukan din ito ng mga Tourism Offices mula sa ibat-ibang probinsya sa bansa.

Pag-alaga at pagdala ng buhay na baboy sa Boracay, mahigpit na ipinagbabawal

Posted July 10, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BaboyMahigpit ngayong ipinagbabawal ng Environmental Management Services ng LGU Malay ang pag-aalaga at pagdadala ng buhay na baboy sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay EMS Administrative Assistant Al Lumagod, ang kanilang ginagawang ito ay para mapangalagaan ang kalikasan ng isla ng Boracay dahil sa maaaring humalo sa tubig baha ang dumi ng baboy.

Dahil dito, ipapatawag umano nila ang lahat ng piggery owners sa Boracay upang maipaabot sa kanila ang existing ordinance ng LGU Malay kaugnay sa mahigpit na pagbabawal ng pag-aalaga ng baboy sa Boracay.

Maliban dito sinabi naman ni Lumagod na nirerespito nila ang mga nag-aalaga ngayon ng baboy sa Boracay dahil sa pinagkukunan umano nila ito ng kabuhayan kung kayat hindi pa nila ito mapapahinto agad-agad.

Samantala, idiniin nito na kung sakaling may makita silang itinatawid na buhay na baboy sa Boracay ay bibigyan umano ang mga ito ng violation ticket ng Municipal Auxiliary Police (MAP) o kaya mauwi sa pag-kumpiska ng kanilang baboy.

Resolusyon ng SB Malay na One Entry One Exit Policy sa Tambisaan-Tabon Port tuwing Habagat, nais ipagwalang-bisa ni Governor Miraflores

Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nais ipagwalang-bisa ni Governor Florencio Miraflores ang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Malay na One Entry One Exit Policy sa Tabon at Tambisaan Port tuwing Habagat.

Ito ang nilalaman ng kanyang sulat na ipinadala kay Mayor John Yap at kay Vice Mayor Wilbec Gelito ng Malay nitong Hulyo 3.

Nabatid na umalma ang Provincial Government ng Aklan dahil sa resolusyong No. 073 series of 2014 ni Malay SB Member Floribar Baustista at ni Liga President Abram Sualog kung saan ito ay entitled bilang “Resolution Establishing Tabon Port And Tambisaan Port as Regular Port Of Entry and Exit to and From Boracay Island sa panahon ng Southwest Monsoon o Habagat Season.

Nakasaad din dito na ang nasabing resolusyon ay hindi opisyal na dumaan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan para e-review o pag-aaralan.

Ayon naman kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang resolusyon umanong ito ay sumasalungat sa Provincial Ordinance No. 05-032 (An Ordinance Implementing The Regulations of the One Entry/Exit Policy To/ From Boracay Island para sa Preservation, Protection, Security and Safety of the Provincial Tourism Assets and Resources and Prescribing Penalties For Violations Thereof).

Dagdag pa ni Maquirang, na dapat bago inakda itong resolusyon ay pinatawag muna ang Jetty Port at ang province kasama ang lahat ng transport groups para hindi magkalito-lito.

Samantala, dahil dito nais ni Governor Miraflores na ipagwalang-bisa ang resolusyon na No.073, series of 2014 ng SB Malay.

Pagtawag na regular one entry one exit policy sa Tabon at Tambisaan Port inalmahan ng Aklan Province

Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for one entry one exit policy Tabon and Tambisaan PortInalmahan ngayon ng Aklan Province ang pagtawag ng Local Government Unit ng Malay na regular one entry one exit policy sa Tabon at Tambisaan Port sa tuwing panahon ng Habagat.

Ito ay matapos na magkaroon ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Malay na nagdedeklara na ang Tambisaan at Tabon Port ang magiging regular one entry one exit policy sa kasagsagan ng Southwest monsoon o Habagat.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, hindi umano puwedi ang resolusyong ito ng Malay dahil meron aniyang ordinansa ang Aklan Province na ang Cagban at Caticlan Jetty Port ang siyang one entry one exit policy ng mga pasahero sa Boracay.

Sinabi nito na dahil sa konsiderasyon ay pinahihintulutan nila ang Tabon at Tambisaan bilang isang alternative lamang sa tuwing malakas ang Habagat ngunit kapag maganda naman umano ang panahon at hindi malakas ang alon ay awtomatikong ibabalik sa Cagban at Caticlan ang biyahe ng mga bangka.

Dagdag pa ni Maquirang na sumulat umano si Aklan Governor Florencio Miraflores kay Malay Mayor John Yap at naka-atensyon kay Vice Mayor Wilbec Gelito na ang sinasabi umano nilang resolusyon ay contravenes sa ordinance No. 05-06 sa emplementasyon sa regulation ng one entry one exit policy to or from Boracay Island.

Nabatid na ang No. 073 series of 2014 na resolusyon ay iniakda ni Malay SB Member Floribar Bautista at ni Liga President Abram Sualog na nagdedeklara na ang Tambisaan at Tabon Port ang siyang magiging regular one entry one exit police sa tuwing Habagat.

Diving activity sa Tabon at Tambisaan Port mahigpit na ipinagbabawal ng LGU Malay

Posted July 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for diving activity sa BoracayMahigpit umanong ipinagbabawal ng Local Government Unit (LGU) Malay partikular ng Environmental Management Services ang anumang diving activity sa Tabon at Tambisaan Port.

Ito ang sinabi ni Malay EMS Administrative Assistant Al Lumagod, matapos silang makatanggap ng impormasyon na may mga nagkakaroon ng scuba diving activity sa dalawang nasabing port.

Sinabi nito na may inilabas na municipal ordinance 73 series of 2014 ang LGU Malay na ang dalawang naturang port ang siyang magiging regular one-entry one exit policy sa tuwing mararanasan ang Southwest monsoon o Habagat kung kayat hindi puwedi rito ang scuba diving activity.

Samantala, ipinunto pa ni Lumagod na ang kanilang ginagawang ito ay para mapangalagaan ang mga bisita sa isla ng Boracay.

Nabatid na sakaling may mga mahuli silang sumusuway sa nasabing kauutusang ito ay awtomatikong mabibigyan sila ng violation ticket kasama na ang hindi pag-renew ng kanilang permit.

Thursday, July 09, 2015

Pag-construct ng umano’y Dam ng Petro Wind sa Napaan River paiimbestigahan ng SB Malay

Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatanggap umano ng impormasyon si Malay SB Member Floribar Bautista ng umanoy construction ng Dam na pagmamay-ari ng Petro Wind sa Napaan River.

Ito ang kanyang sinabi sa privileged hour ng 23rd SB Session ng Malay nitong Martes.

Ayon kay Bautista dapat umano itong embistigahan ng mga kinauukulan upang alamin kung ito ay may mga nilabag na maaaring makasira sa ilog.

Ngunit sinabi nito na base sa kanyang natanggap na report na ang naturang Dam ay para ma-kontrol ang putik sa itinatayong Wind Mill sa mismong Napaan River.

Nabatid na nagrereklamo ngayon ang residente ng Brgy. Napaan dahil sa naaapektuhan ang malinis na tubig sa ilog dulot ng hinuhukay na lupa sa nasabing area dahil sa pagtatayo ng Wind Mill.

Dahil dito ipinaabot naman ng Sangguniang Bayan ng Malay ang nasabing balita sa Engineering Office upag agad na ma-inpeskyon ang umano’y construction ng naturang Dam.

Ang Napaan River ay isa sa mga nag-susuplay ng tubig sa buong bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.

Gwardya na nagnakaw sa opisina ng KCTN ng mahigit P60 libo kinasuhan na

Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for rehasSinampahan na ng kasong Theft ang isang gwardya na nagnakaw ng mahigit P67 libo sa opisina ng Kalibo Cable TV Network nitong nakaraang gabi.

Ayon kay Kalibo Police Chief Superintendent Pedro Enriquez, kinilala ang suspek na si Albert Roldan, 26 anyos ng Brgy. Arcangel, Balete, Aklan.

Agad umano nilang nakilala ang suspek sa kuha ng CCTV Camera kung kayat pinuntahan nila ito sa kanyang inuupahang boarding house sa Laguinbanwa East Numancia at doon ay nakita ang mga cash na pera na nakalagay sa isang malaking timba.

Nabatid na pumunta umano ang suspek sa compound ng KCTN para mag-relyebo sa isang guwardya at dahil dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pumasok sa opisina at doon ay binuksan ang drawer na naglalaman ng pera saka niya ito kinuha.

Aminado naman umano ang suspek na mahuhuli siya dahil sa mayroong CCTV camera sa loob ng nasabing opisina kung saan dito din siya na-assign dati bilang isang guwardya.

Base pa sa salaysay ng suspek sa mga pulis na natukso lamang siya na kunin ang nasabing pera dahil sa kanyang anak na dalawang buwan na may bukol sa ulo na binilhan nito ng gamot at nag-groceries pa gamit ang ninakaw na pera.

Samantala, todo naman ang pagsisisi ng suspek matapos na umiiyak na humihingi ng tawad sa tanggapan ng Kalibo Cable TV Network.

Biyahe ng mga bangka sa Tabon at Tambisaan Ports mahigpit na minomonitor ng PCG

Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for biyahe ng mga habagat sa BoracayMas hinigpitan ngayon ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang ginagawang pag-monitor sa biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at Tabon Port.

Ito’y dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Falcon at Habagat na siyang nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.                
                                                                                      Dahil dito sinabi ni Chief Master at Arms CPO Caticlan Adan Ayopela na mahigpit ang kanilang ipinapatupad na mandatory wearing of life jacket sa mga pasahero na utos ng Maritime Industry Authority o MARINA.

Maliban pa rito mahigpit nilang ipinapatupad ang pagkakaroon ng manifests kung saan kinakailangan lahat ng mga pasahero ay makalista sakaling magkaroon ng insidente.

Sinabi din nito na kung may pasahero na ayaw magsuot ng lifejacket ay pabababain umano ito saka ibabalik ang kanyang pamasahe upang ng sa ganon ay maiwasan ang disgrasya.

Samantala, kinansila na rin ngayon ang biyahe sa Caticlan via Hambil sa Romblon dahil sa nakataas na Gale Warning sa lalawigan ng Aklan.

Nabatid na kung sakaling mahuli nila ang mga bangkang hindi nagpapasuot ng lifejacket ay iisyuhan nila ito ng violation ng Marina Circular at maaaring suspendihin na makapagbiyahe.

Kumpanya ng Petro Wind muling ipapatawag sa SB Session ng Malay

Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling ipapatawag ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang kumpanya ng Petro Wind sa darating na SB Session ngayong Martes.

Ito ay kaugnay sa kanilang itinatayong wind mill sa Brgy. Napaan sa bayan ng Malay kung saan higit na apektado rito ang Napaan River.

Ayon naman kay SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre, nagrereklamo umano ngayon ang residente ng nasabing brgy. dahil sa higit na pag-kaapekto ng kanilang ilog na siyang isa sa mga na nagsusuplay ng tubig sa nasabing bayan.

Nabatid na sa mismong ilog tumama ang itinayong wind mill na nagreresulta ng pag-iiba ng kulay ng tubig dahil sa hinuhukay na lupa sa nasabing area.

Dahil dito iimbitahan ng Konseho ang kumpanya ng Petro Wind maging ang Department of Natural Resources (DENR), Municipal Environmental Officer at ang mismong brgy. Officials ng Napaan.

Ang itinatayong proyekto sa Napaan ay karugtong ng wind mill sa bayan ng Nabas ng National Grid Corporation (NGCP) para sa karagdagang suplay ng kuryente sa probinsya at sa kalapit na lalawigan ng Aklan.