YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 24, 2017

Boracay PNP, nakaalerto na para sa araw mg Undas

Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for undas 2017Naka-heightened alert na ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa preparasyon ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.

Ito ang sinabi ni PSI Jose Mark Anthony Gesulga, Acting Chief BTAC sa programang Boracay Goodnews ng estasyong ito nitong Sabado.

Magde-deploy sila ng mga pulis na syang magbabantay sa dalawang sementeryo sa Boracay, habang magkakaroon naman ng checkpoint ang mga pulis sa mga kalsadahin dito.

Kaugnay nito, mahigpit na rin umano ang ipinapatupad na seguridad sa Caticlan at Cagban Jetty Port dahil sa posibleng pagdagsa ng mga uuwi o sa pupunta sa Boracay sa Undas.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ng mga kapulisan ang pagdala ng mga matutulis na bagay sa mismong araw ng Undas sa mga sementeryo.

Chinese National na nagbebenta ng fake gadgets, nasakote ng Boracay PNP

Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 3 peopleNasakote ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center BTAC ang suspek na Chinese National na nagbebenta ng mga fake gadgets dito sa isla ng Boracay.

Sa naging panayam kay Acting Chief Police Senior Inspector Jose Mark Anthony Gesulga ng BTAC, nitong Biyernes October 20 may nagturo sa kanila na may nagbebenta ng mga gadget sa area ng Yapak dito sa isla.

Agad namang tinungo ng mga pulis ng Boracay PNP ang lugar kung saan dito nila nakilala ang Chinise National na si Wang Yue Zhuan na siyang tinuturong suspek sa pagbebenta ng mga fake gadgets.

Ayon kay Gesulga, ang estilo o mudos ng suspek sa mga nabiktima nito ay dahil natalo siya sa casino dito sa Boracay at nagmamakaawa itong kailangan niya ng pera saka mag-aalok ng kanyang mga ibenebentang mga pekeng gadgets.

Image may contain: 2 people
Photo Credit Boracay PNP
Dagdag pa ni Gesulga mag-isa lang ang suspek na nagbebenta nito sa Boracay kung nitong mga nakaraang araw may nabiktima rin ng ganitong pangyayari sa bayan ng Altavas, Balete at Ibajay.

Nabatid, hindi makakasuhan ang Chinese National hanggat walang complainant na magrereklamo nito at kakasuhan siya sa kanyang nagawang panloloko.

Boracay, muling nanguna bilang Best Island in the World

Posted October 24, 2017
Ni Teresa Iguid YES THE BEST Boracay

Image result for International Travel Magazine na Conde Nast Traveler 2017Muling nanguna ang Isla ng Boracay sa pinaka huling survey ng International Travel Magazine na Conde Nast Traveler bilang Best Island in the World.

Ayon sa nasabing travel website, ang respondents sa isinagawang survey ay may edad late-30's hanggang late 60’s, ay bumoto sa 255 islands hanggang Top 30 Best Islands in the World sa labas ng United States.

Samantala, pasok din sa top 3 Best Island in the World ang Cebu at Palawan.

Magugunitang nanguna rin ang Isla ng Boracay sa Top 20 Best Island in the World sa nasabing travel magazine ng taong 2016.

BIWC, inimbitahan ang publiko sa gaganaping Hand Washing Day

Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Hand Washing DayIni-imbitahan ngayon ng opisina ng Boracay Island Water Company (BIWC) ang publiko na maki-isa sa kanilang gaganaping Global Hand Washing Day sa darating na Miyerkules sa Ati Village dito sa isla ng Boracay.

Ayon kay Al Lumagod Sustainable Development Manager ng BIWC, sa pamamagitan ng kanilang programa layunin nito na maturuan ang mga kabataan kung paano ang wastong paghuhugas ng kamay lalung-lalo na ang pagsasabon ng mga ito.

Dagdag pa ni Lumagod, isinasagawa itong programa upang mapalaganap ang kalusugan at kaligtasan ng mga kabataan.

Magiging bisita nila dito ang Mayor ng Lokal na Pamahalaan ng Malay Ceciron Cawaling, Bise Gobernador ng Probinsya Joeben Miraflores at ibat-ibang sector sa Boracay.

Inimbitahan naman ni Lumagod ang publiko na makilahok at sumuporta para mabigyan sila ng kaalaman kung ano itong Global Hand Washing day.

Public Restroom sa Boracay, i-inagurahan na ngayong araw

Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Public RestroomBubuksan na ang proyektong Public Restroom ng Boracay Island Water Company BIWC at Manila Water Foundation sa Cagban Port ngayong araw.

Sinabi ni Al Lumagod Sustainable Development Manager ng BIWC, naging matagumpay ang kanilang proyekto sa pakikipagtulungan narin ng Probinsya ng Aklan.

Magsisimula ang pagpapasinaya sa alas dyes ng umaga kasama sina Governor Florencio Miraflores, Jetty Port Administrator Niven Maquirang at iba pang ehensya para saksihan ang pagbubukas ng bagong pasilidad.

Ayon kay Lumagod, na ang sewerage ng Public Restroom ay konektado sa opisina ng BIWC.

Layunin ng kanilang proyekto na i-promote ang kalinisan sa isla at para matulungan ang mga residente lalo na ang turista sa oras na sila ay gagamit ng banyo kung saan meron silang opsyon na pwedeng gamitin mapalabas man o sa loob ng Cagban Port.