YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 03, 2012

Unang araw ng Festival of the Wind sa Boracay nagmarka sa mga kabataan

Unang taon palang ng pagdiriwang ng Festival of the Wind sa Boracay ay nag-iwan na ito ng masayang marka para sa mga kabataang nais makatulong sa pagliligtas ng buhay sa isla.

Ramdam din ang espirito ng pagiging matulungin ng susunod na henirasyon, sapagkat mga kabataan ang karamihan sa dumalo, hudyat ng kanilang kahandaan na sumabak sa pagligtas ng buhay at pakikiisa nila kaya naki-bahagi sa nasabing aktibidad na sinimulan nitong umaga at magtatapos bukas.

Sa ginanap kasing mga kumpitisyon, sinubok ang kakayahan mga Junior Life na magmula naman sa iba’t ibang Elementary School sa isla.

Maliban sa mga kabataan naki-isa din ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, tulad ng Philippine Coast Guard, Pulis, LGU Life Guard at ilang tanggapan sa LGU Malay at Boracay.

Buong puwersa din ang Philippine National Red Cross Malay-Boracay Chapter doon para pangunahan ang nasabing event.

Hindi naman nagpahuli ang asosasyon ng mga Paraw sa Boracay dahil isa ang mga ito sa nagbigay kulay sa silibrasyon dahil sa ginawa nilang karera o tinatawag na “Paraw Regata”.  

Pagkahapon naman sinubok ang kakayahan ng mga Senior Life Guard sa isa ding kumpitisyon. 

Ilang turista dismayado sa serbisyo ng Seas Sports Operator at Commissioner


Photo by: http://alienthing.blogspot.com
Magandang memorabilya sana ang nais na mai-uwi sa kani-kanilang lugar ng mga turista mula dito sa Boracay.

Ngunit sa halip na magadang balita ang dala nila sa pag-uwi, napalitan ito ng kusumisyon.

Sapagkat ilang turista na rin ang nagrereklamo sa serbisyo ng Seas Sports Operator at Commissioner sa Boracay.

Dahil sa ang iilan sa mga ito ay dismayado, sapagkat ang inaasahan nilang maipapakita sana sa kanilang pamilya at mga kaibigan doon ang mga aktibidad nila dito sa isla.

Pero ibang mukha pala ang kanilang inilahad doon, maliban pa sa minsan ay wala na ring laman ang CD na nadala ng mga ito.

Kung saan sa ganitong pagkakataon, mga Seas Sports Operator at Commissioner ang sinisisi nila kung bakit palpak dahil sa hindi inaayos ng mabuti ang kanilang serbisyo.

Gayong nagbabayad naman ang mga ito ng tama, na naaayon sa inaalok na package ng mga kumisyunir na ito sa kanila.

Maliban kasi sa ipinaabot na reklamo ng turistang si Joan Javier at Dimple Argao sa himpilan ng 93.5 Easy Rock Boracay nitong nagdaang buwan ng Hunyo.

Nasundan pa ito ngayon ng ilan pang reklamo mula sa ilang turista na naghe-helmet diving.

Kung saan ang nakakalungkot pa umano ay kapag tinatawagan nila ang kumisyunir na nag-alok sa kanila, ay wala din silang makuhang sagot sa mga ito maliban pa sa tila wala na silang paki-alam sa mga turistang nagrereklamo. #ver

Friday, November 02, 2012

PATAYAN SA NABAS: Dalawa, utas!

Ang simpleng asaran ay nauwi sa patayan.

Ganito ang nangyari sa isang grupo na nag-inuman kaninang madaling araw ng bandang-ala una sa Sitio Kabang-eosan, Brgy. Union, Nabas.

Mismong sa Araw ng Mga Patay ay binawian ng buhay si Cecero Calimpin at Renaldo Bandiola.

Nabatid mula kay S/Insp. Reynante Matillano, hepe ng Nabas Police na kagabi ay nag-inuman umano ang grupo ng mga suspek at biktima at nagkaroon ng mainit na argumento dahil sa asaran.

Hanggang sa nagresulta sa umano ay pagsugod ng magkapamilyang Renaldo, Premo at Onofre Bandiola, sa bahay ni Cecero para maghamon at humantong sa patayan gamit ang kani-kanilang mga baril.

Agad naman umanong binawian ng buhay si Calimpin at maging si Reynaldo Bandiola sa mismong bakuran ni Calimpin.

Na-recover sa crime scene ang 9mm na baril na siyang pinapaniwalaang gamit ni Calimpin, at mga empty shell ng cal. 45 na posibleng nagmula naman umano sa mga Bandiola.

Sa kasalukuyan, nanatiling at large o nakatakas si Onofre Bandiola habang ginagamot naman isang ospital si Premo Bandiola, na kapwa maituturing na suspek.

Tinitimbang at iniimbestihan ng rin umano ng pulisya kung ano ang kasong isasampa sa mga ito. #ecm112012

Ilang politiko sa Aklan, UMEPAL nitong Undas!

Maging sa opisina ng Commission on Election (Comelec) ay nakabuntot ang mga politiko sa mga botante na nagpaparehistro hanggang sa natapos na nitong ika-31 ng Oktubre.

Kinaumagahan, a-uno na ng Nobyembre, araw mga Santo, pero hindi pa rin sinanto ng mga ito ang mahalagang araw sa mga Katolikong Pilipino.

Ito ay dahil hanggang sa sementeryo ay tila hindi pa rin tinantanan ng ilang kandidato sa Aklan, mapa-probinsiyal at municipal candidate man ang mga botante.

Sa mismong araw ding iyon, may ilang bahagi ng Aklan ang nakatanggap ng “grasya” sa sementeryo, maging hanggang sa bayan Malay ay nakarating ang ipinamimigay ng libreng tubig, noddles at pamaypay na may mukha ng mga kandidato na magpapapili para sa 2013 Midterm elections.

Bagamat ang ibang nakatanggap ay natutuwa, pero hindi naman nasiyahan ang ilan, katunayan ay may nagtataas kilay pa.

Kung matatandaan, nanawagan ang Comelec na sana ay huwag gamitin ang All Saints at Souls Day para sa maaagang panga-ngampaniya. #ecm112012

Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter, “all set” na para sa kauna-unahang “Festival of the Winds”

Ni Shelah Casiano, YES FM/Easy Rock Boracay

Bilang taga Boracay at residente ng Boracay, kadalasan ay ipinagmamalaki natin at ikinatutuwa, kapag nakakatanggap ng anumang papuri, awards at pagkilala ang islang ito.

Nagpapasalamat tayo sa mga nagbibigay ng awards, at minsan naman’y nakakaligtaang balikan at pasalamatan ang pinakadahilan ng mga nasabing karangalan --- ang Boracay.

Subali’t may mga nakakaalala naman talaga at ipinagdiriwang pa nga ang mga elementong nagbibigay buhay  sa isla --- ang hangin at ang tubig.

Katunayan, ang Philippine Red Cross Boracay Malay Chapter, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang probinsyal at munisipalidad ng Malay, Department of Tourism at iba pang pribadong sector ay ipagdiriwang ang kauna-unahang Festival of the Winds bukas, hanggang ika-apat ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Sisimulan ang palatuntunan alas otso ng umaga sa station 3 Manoc-manoc, Boracay, kung saan magbibigay ng mensahe ang alkalde ng Malay na si Mayor John Yap, na susundan naman ng mga beach competitions.

Tampok sa dalawang na araw na aktibidad ay ang Junior at Senior Lifeguard competition, Paraw Regatta, lantern parade, paligsahan sa paglangoy, pagtakbo, at pagpapalipad ng saranggola.

Magkakaroon din ng under water clean up na pangungunahan ng mga taga-BASS o Boracay Association of Scuba School.

Ang Yes FM 911 Boracay at Easy Rock Boracay ay kapartner din ng nasabing makasaysayang pagdiriwang.

Thursday, November 01, 2012

Presyo ng bulaklak sa Aklan, nag-mahal!

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan na mararamdaman nga talaga ang pagmahalal sa presyo ng mga bulaklak ngayong Undas.

Sapagkat ayon kay DTI-Aklan Director Diosdado Cadena, batay sa ginagawa nilang pagmonitor sa presyo ng bulaklak sa bayan ng Kalibo, ay nag-mahal na ito ngayon.

Aabot naman aniya sa P150 ang ordinaryong bulaklak gaya ng mansanilya, habang ang mga mamahalin ay aabot ng hanggang P250 ang presyo bawat bundle.

Samantala ang mga na-arrange na ay aabot umano sa P200 hanggang P800 sa ngayon depende sa dekorasyon, pagkaka-ayos at bulaklak na gagamitin.

Pero, inihayag nito na hindi nila masabi kung ilang porsiyento ang itinaas, sapagkat dati paman ay hindi na parepareho ang presyo, gayong naka depende naman ito sa uri, kulay at kung saan galing.

Nabatid na karamihan umano sa suplay nito dito sa Aklan ay nagmula sa Cebu.

Naiintindihan din aniya nito kung bakit nagmahal ang presyo, lalo pa at Undas ngayon.

Dahil sa kapag hindi rin umano maubos ang na-deliver na mga bulaklak ay magiging kabawasan din ito sa mga negosyante.

Bunsod nito, pinayuhan naman ni Cadena ang mga mamimili na hangga’t maaari ay kung mayroong mapagkukunan ng mga bulaklak sa bakuran, kaysa bumili pa.

Dagdag pa nito, sana umano ay maging “wais” ang mga mamimili sa panahong ito, at ang bilhin ay ang mga importante at mga magagamit lamang. #ecm112012

Pagpa-party sa gitna ng pagdiriwang ng Undas, hindi masama --- Simbahang Katoliko ng Boracay

Hindi naman masama ang pagsasaya at pagpaparty habang ipinagdiriwang ang Undas.

Ito ang sinabi ni Fr. Arnaldo Crisostomo ng Our Lady of the Holy Rosary Parish Boracay, kaugnay sa obserbasyon na marami pa rin ang nagpaparty sa isla, kahit na panahon ng Undas, kung saan ginugunita at pinahahalagahan ang araw ng mga santo at kaluluwa ng mga namayapa.

Aniya, OK lang na magsaya lalo na kung ang dahilan ay ang pag-alala sa mga mahal sa buhay na namayapa na.

Ngunit kung ang pagsasaya ay mauuwi lamang sa gulo, mas mabuting itama at baguhin na ito.

Ang importante umano sa pag-gunita sa Undas, lalo na sa Araw ng mga Patay, ay ang pananalangin para sa mga sumakabilang buhay na para sa ikatatahimik at sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.

Kasabay nito, nanawagan din si Fr. Crisostomo na sana ay panatilihin ang kapayapaan sa pagpunta sa mga sementeryo at sa pagdiriwang ng araw na ito.

Pagkakaroon ng crematory, tanggap ng Simbahang Katoliko sa Boracay sa ilang kondisyon

“Accepted” na ng kumunidad ang crematorium o crematory.

Kaya naman ayon kay Fr. Arnaldo Crisostomo ng Our Lady of the Holy Rosary Parish Church Boracay, ay tanggap na din ito ng Simbahang Katoliko sa isla, sa kadahilanang  marami na rin naman ang nagpa-practice ng ganitong gawain.

Ngunit sinabi nito na kailangan ng ilan pang kondisyones, lalo na’t tourist destination din ang isla ng Boracay.

Kailangan umanong magkaroon muna dapat ng plano tulad ng kung saan ilalagay ang crematorium, kung paano ita-transport ang mga katawan, at kung magiging ligtas ba ito sa kalusugan ng mga mamamayan.

Sa ganitong pagpapaliwanag ay muling inihayag ni Fr. Nonoy Crisostomo na “no problem” kung magkakaroon ng crematorium ang Malay.

Matatandaang ang pagkakaroon ng crematorium dito ay nabuksan noong nagdaang SB session, na nakikinita namang solusyon ng konseho sa napupuno nang mga sementeryo dito sa isla ng Boracay.

Presyo ng kandila at panghanda ngayon Undas, walang dagdag

Walang dagdag presyo sa mga pangunahing bilihin ngayon Undas.

Dahil nananatili pa rin ang presyo ng mga kandila ngayong All Saints Day at All Souls Day, kumpara sa presyo kapag ordinaryong araw lamang.

Ito ang nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Aklan Director Diosdado Cadena, kasabay ng ginagawa nilang regular na monitoring sa presyo ng basic at prime commodity sa Aklan.

Ngunit kung may mahal man umanong kandila na ibinibinta, iyon ay dahil nakadepende ito sa desinyo, kulay, laki at mga ginamit na pampaganda.

Pero sinabi nito na ang presyo ng ordinaryong kandila ay tulad pa rin sa presyo na mabibili araw-araw.

Maliban dito, paalala din ni Cadena na wag sanang mag-panic buying sa pagbili ng kandila at maging ng mga panghanda ngayon Undas, sapagkat may sapat na supply naman ang mga pamilihan sa Aklan.

Sa kasalukuyan ang presyo ng mga pangunahin bilihin na kasadalasang mabinta kapag ganitong panahon ay wala naman aniyang itinaas sa presyo, kaya walang dapat na ikabahala ang mga consumer. #ecm102012

Wednesday, October 31, 2012

Pagpapatala sa Comelec, hanggang alas tres lamang ng hapon

Mayroong hanggang alas-tres na lamang ng hapon sa ika-31 ng Oktubre ang pagpapatala sa Commission on Election (Comelec) sa Malay, kasabay ng deadline na itinakda ng kumisyon.

Sapagkat pagsapit ng nasabing oras, ililista na lamang ng kumisyon ang mga nakapila doon hanggang alas tres ng hapon at iyon lamang din ang ipo-proseso nila hanggang sa matapos at magsara na ang tanggapan nila.

Ayon kay Elma Cahilig, Comelec Officer ng Malay, batay umano sa Resolution 9542 na ipinalabas ng Comelec Commissioner nitong ika-25 ng Oktubre.

Nakasaad doon at inatasan ang mga Comelec officer na hanggang alas tres lamang bukas ang pagtanggap sa mga magpaparehistro.

Sa scheme na gagawin o ipapatupad umano sa Comelec, kapag marami pa aniya ang nakapila at naroroo, tatlongpung metro sa paligid ng opisina nila, pagsapit ng alas-tres, ililista ang mga ito at tatawagin na lamang ang mga pangalan upang maproseso.

Kaugnay nito, aminado si Cahilig na kahapon ay marami pa rin talaga umano ang pumila para magparehistro.

Pero 300 ang binigyan nila ng pormas, dahil ito lamang ang makakaya nilang iproseso. #ecm102012

Turista sa Boracay, aasahang tataas pa ngayong Undas

Nasa isang milyon at mahigit 15,000 turista na ang nailata hanggang kahapon simula noong Enero.

Ito ang nabatid mula sa Municipal Tourism Office sa Caticlan kaugnay sa tourist arrival monitoring na ginanawa ng tanggapanag ito.

Napag-alaman na sa bilang na naitala simula lamang noong Biyernes ika-26 ng Oktubre nang maabot ang 1M target tourist arrival.

Kasama na sa surplus na labin limang libo bisita na ito ng isla ang mahigit dalawang libong pasahero mula sa Caribbean Cruise ship na “Legend of the Sea” nitong Sabado.

Kaugnay nito, ngayong papalapit na ang Undas at baksyon ng mga estudyante, aasahang tataas pa ang bilang na ito dahil dadagsa pa ang mga bakasyunista para dito sa isla ipagdiwang ng “long week end”. #ecm102012

DoT, aminadong hindi maging “100% problem free” ang Boracay

Inaasahan na rin umano talaga na hindi pwedeng isang daang porsiyento na “problem free” ang Boracay lalo na kung isang milyong turista na dumarating dito.

Pero, ganon man kalaki o maliit ang problema sa Boracay, inihayag ni Atty. Helen Catalbas, Regional VI Director ng Department of Tourism, na matutugunan ang mga suliranin dito kung magtutulungan ang pamahalaang nasyonal, probinsiyal at Malay sa pag-aksiyon.

Hindi lamang aniya sa pag-hahanda sa isla para sa pagdating ng mga turista kundi pati din sa pagbibigay ng sulosyon sa bawat problema.

Samantala, sa bahagi naman umano ng DoT, patuloy ang kanilang pakikipag-unayan sa Departments, gaya ng Public of Works and Highway, Justice, Environment, Transportation, Local Government at maging sa pambansang pulisya para sa pagtugon sa mga problemang nararanasan dito.

Sapagkat kung hindi man ayon kay Catalbas mandato ng DoT ang pagbigay aksiyon sa isang suliranin sa Boracay, kahit papaano ay may maitutulong ang mga ahensiya na ito ng gobyerno. #ecm102012

Mga tumandok na Ati sa Boracay, minamaliit

Namumuhay lamang ng simple kahit sinasabing kapos sa edukasyon, pero sinisikap umano ng mga Ati sa Boracay na sumunod sa batas o ano mang ordinansa dito.

Kaya kahit sa pagpapatayo nila ng kubo sa lugar o lupain na ibinigay na sa kanila, ay sinusunod parin umano nila ang ordinansa na kumuha ng permiso mula sa  barangay hangga’t maaari.

Ito ang inihayag ni Delsa Justo, Chieftain ng mga katutubong Ati sa Boracay, kaugnay sa problemang nararanasan pa rin ngayon, kung saan may uma-angkin parin sa lupang ibinigay na sa kanila ng gobyerno.

Isiniwalat din nito na tila wala namang paiki-alam ng lokal na pamahalaan kung para sa kabutihan ng mga katutubong kagaya nila ang pinag-uusapan.

Pero kapag nagkamali umano sila, gaya sa pagpapatayo ng kubo, ay sinisita agad.

Bagamat wala itong tinutukoy o nabanggit na tao kung sino, may pagkakataon din aniyang nakakarinig pa sila ng paghahamak.

Gaya na lamang aniya sa pagpaparehistro para makapagboto.

Kaya sila na lang umanong mga Ati din ang gumagawa ng paraan upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagpaparehistro, at makatulong sa pamahalaan sa paraan ng pagboto.

Pero aminado ito na kapag dumating ang eleksiyon ay doon lamang sila napapansin at hinahakot pa ng sasakyan, ngunit kapag tapos na ang eleksiyon ay tila hindi na sila naaalala.

Kaugnay nito, kahit anong hirap ang dinadaanan ng mga ito sa isla sa pagsusumikap, hindi umano nila ito alintana, dahil silang mga katutubo ay nabubuhay lamang ng simple at tahimik.

Kaya hindi nila iiwan ang Boracay, dahil naririto na rin ang kabuhayan at lugar nila. #ecm102012

Pamamalimos sa Front Beach, hindi ugali ng Ati sa Boracay

Wala sa kultura ng mga tumandok na Ati sa Boracay ang mamalimos.

Ito ang inihayag ni Delsa Justo, Chieftain ng mga katutubong Ati sa Sitio Tolubhan, Barangay Manoc-manoc bilang paglilinaw, dahil sa madalas na ang grupo nila ang napapagkamalang nag-iikot at namamalimos sa isla ng Boracay.

Sa panayam kay Justo, nilinaw nito na simula noon, kahit isang dalawa o kaya ay isang beses lamang sila makakakain sa isang araw ay nagtitiis sila.

Pero ni hindi aniya nila naisip na mamalimos, dahil ang mga katulad nilang tumandok ay nagtatrabaho, nangingisda at nagtatanim para mabuhay at mataguyod ang kanilang pamilya.

Kung matatandaan, kapag sumapit ang Disyembre ay biglaan na lamang sumusulpot ang mga katutubo sa Front Beach ng Boracay ay doon naglalatag ng mahihigaan at namamalimos pa.

Bagamat hindi matukoy ni Justo kung saan galing ang mga katutubong ito, mariing sinabi nito na hindi tumandok ng Boracay ang gumagawa nito, dahil hindi sila pakalat-kalat kung saan lang.

At ito dapat umano dapat ang makita din ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Magugunita ding maging ng Social Welfare at pulisya sa Boracay ay aminadong hindi nga taga rito sa isla ang mga namamalimos na ito gaya ng mga Badjao. #ecm102012

Tuesday, October 30, 2012

Koreano, naitalang pang-isang milyong turista sa Boracay

Matapos ang halos dalawang taon na pangarap para sa Boracay na maabot ang isang milyong tourist arrival, sa wakas ay naabot na rin ang target na bilang.

Kung saan, isang Korean National ang naitalang pang-isang milyong turista sa Boracay sa binabantayang talaan ng mga ng Municipal Tourism Office (MTO).

Sa record ng MTO, ang Koreanong si Yuki Mau ang nag-swak sa nasabing bilang para makompleto ang 1 million tourist arrival.

Kung matatandaang mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas, ng umasa ang pamahalaang probinsiyal na maaabot na ang target na ito.

At nitong  araw nga ng Biyernes, ika-26 ng Oktubre ng taong kasalukuyan, ay naabot na ang 1 million tourist arrival ng Boracay bandang 2:36 ng hapon.

Samantala, labis na ikinatuwa naman ng Department of Tourism (DoT) Regional Director Atty. Helen Catalbas ang achievement na ito.

Kung saan sa isang milyong turista na ito ay hindi pa aniya kasama ang mahigit dalawang libong pasahero ng Caribbean Cruise na dumaong sa Boracay nitong Sabado.

Dahil dito, pinuri nito ang mga opiyales ng Malay at probinsiya, dahil mahigit dalawang buwan pa aniya bago matapos ang taong naabot na ito. #ecm102012

“Cruising Industry” sa Boracay, mabubuksan na

May apat pang cruise ship na inaasahang dadaong sa Boracay.

Pero ang mga ito ay magmumula sa iba’t ibang kompaniya simula sa susunod na taon ng 2013 hanggang 2014.

Ito ang inihayag ni Atty. Helen Catablas, Regional Director ng Department of Tourism Region VI sa panayam dito.

Anya, sa kasalukuyan ay may apat ng kompaniya umano ang nakapagpa-abot na ng kani-kanilang kumunikasyon sa pamahalaang probinsiyal at posibleng madadagdagan pa aniya ito.

Para sa DoT Regional Director, isang malaking tulong sa market ng Boracay ang pagdaong ng Caribbean Cruise nitong Sabado, ika-27 ng Oktobre.

Ito ay dahil ang dumating na mahigit dalawang libong pasaherong turista na sakay ng barkong ito ay pwede makapag-hikayat pa umano ng kapwa nila turista sa pagbalik sa kanilang mga lugar.

Ito ay kapag nakita ng mga pasahero ng cruise ship ang positibong imahe ng Boracay.

Maliban dito, ang pagdating ng “Legend of the Sea” sa isla ay isang sinyales ayon kay Catalbas na mabubusan na rin ang cruising industry sa Boracay. #ecm102012

Monday, October 29, 2012

Pampasaherong bus papuntang Iloilo, bumangga sa punongkahoy! Drayber, patay!

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Bali na ang dalawang paa, binawian pa ng buhay sa Aklan provincial hospital ang drayber na si Patrick Lopez ng Guimbal, Iloilo.

Ito’y matapos mabangga ang minamaneho nitong Ceres bus sa Calimbajan, Makato, Aklan, dakung alas onse ng umaga noong Sabado, Oktubre a-bente siyete ng taong kasalukuyan.

Ayon kay PO2 Remy Dumalaog ng Makato PNP, nangyari ang insidente nang lumabas sa kanyang linya ang bus, at banggain nito ang isang puno ng Indian Mango doon.

Papunta sana ng Iloilo ang bus nang galing Antique, nang pagdating nito sa kurbadang bahagi sa highway ng nasabing barangay ay nawalan na ito ng kontrol, dahil sa umano’y mabilis nitong pagmamaneho.

Sa lakas umano ng pagkakabangga, ay pumasok ang puno sa halos isang metrong bahagi ng unahan ng nasabing sasakyan.

Kinumpirma din ni PO2 Dumalaog na may mga nasugatan din sa labinlimang pasahero ng bus, subali’t pawang out patient na ang mga ito.

Pansamantala namang nakahimlay sa provincial hospital ang labi ng nasawing Ceres bus driver.

Lupang na turn-over na sa Ati Community sa Boracay, inaangkin parin ng iba

Kung inaakala ng karamihan na wala nang problema ang mga katutubong Ati sa Boracay dahil nagkaroon na ng lupang pagtitirikan ng bahay na ibinigay ng pamahalaang nasyonal, taliwas pa rin ang nangyayari ngayon kaysa sa inaasahan.

Sapagkat hindi pa rin malaya ang mga katutubong gawin ang dapat, gayong may nakabantay naman at pinagbabawalan ang mga ito ng pribadong indibidwal sa paniniwalang ang lupaing ito ay hindi pa pag-aari ng mga Ati.

Kung saan nakakagulat ang sitwasyon doon, dahil sa kabila ng mismong ang National Commission of Indigenous People o NCIP at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ng kapatid ni Pangulong Aquino na si Viel Aquino ang pag-turn-over sa nasabing lupaing ito.

Subalit ngayon ay muli itong inaangkin ng iba.

Sa panayam sa Chieftain ng Ati Community sa Boracay na si Delsa Justo, sinabi nito na hindi pa rin sila makakagalaw ng malaya para magpatayo kahit ng bahay nila sa loob ng compound  na nasasakupan ng lupaing ibinigay sa ng pamahalaan sa kanila dahil may ilang paring indibidwal ang pumipigil sa mga ito.

Kaya nanaisin man umano ng mga ito ngayon na ayusin ang kanilang tirahan doon, hindi nila ito magagawa, kahit pa sa kabila ng pagsunod nila sa alituntunin ng Barangay.

Halos naninimbang na rin maging magsalita di umano ang mga ito kaugnay sa usapin ng lupang ito, dahil halos ang lumalabas na masama ay sila pang mga katutubo, kaya tahimik nalamang silang nagsusumikap para mamuhay ng maayos sa naturang lugar.

Dahil dito, umaasa naman sila na ang pamahalaang nasyonal at ang NCIP ay may magagawa para maging maaayos na ang lahat ng ito, lalo pa at ang pamahalaan naman umano ang may alam pagdating sa legalidad hinggil dito.

Matatandaang, buwan ng Agusto ay pormal nang, ibinigay ng pamahalaang nasyonal ang lupang ito sa Lugutan Area, Sitio Tulubhan Barangay Manoc-manoc dahil sa ideneklara naman itong Forest Land ng DENR na napabilang sa Ancestral Domain kaya pag-aari ito ng estado. #ecm102012