Posted February 16, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Isa parin ngayon sa mga requirements ang magpakita ng ID
o Identification Card upang makatawid sa isla ng Boracay.
Ito ang pangunahing napagkasunduan ng komitiba sa ginanap
na pagpupulong sa Sangguniang Panlalawigan hinggil sa mga reklamong natatanggap
kung ano ang mga patakaran ng Jettyport sa tuwing tatawid papuntang isla.
Sa naturang pagdinig ay iginiit ni Jetty Port Administrator
Niven Maquirang na kailangan pa rin mag-presenta ng ID na magpapatunay kung
Aklanon o manggagawa sa Boracay ang mga dadaan sa pantalan.
Sinabi pa ni Maquirang na kinokonsidera rin nila ang pagpapakita
ng cedula at kung fluent magsalita ng Aklanon.
Suhestyon naman ni Malay Sangguniang Bayan Member
Frolibar Bautista na magkaroon sila ng mga Barangay ID katulad ng ipinapatupad
sa Boracay dahil aniya importante ito at makatutulong rin sa mga kabarangayn sa
probinsya.
Dinaluhan ito ni Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo,
miyembro ng Sangguniang Panlalawigan Aklan, Stakeholders, Jetty Port Administrator
Niven Maquirang, Malay SB Members Frolibar Bautista, Jupiter Gallenero, Dante
Pagsuguiron at marami pang iba.