YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 16, 2016

Boarding house ng Therapist, nilooban ng magnanakaw

Posted July 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNagpasaklolo sa mga pulis ang isang 27-anyos na lalaking Therapist matapos looban ng magnanakaw ang kanyang kwarto sa inuupahang boarding house sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Salaysay ng biktima na si Rodrigo Balauro sa Boracay PNP, laking gulat nalang umano nito sa pagbukas niya ng kanyang kwarto ay naka-kalat na ang kanyang mga gamit kung saan sa pag-check nito dito ay nawawala na ang kanyang cash na P8,000.

Dahil dito, agad na ini-report ng biktima sa mga pulis ang nangyaring insidente at sa pag-imbestiga nga ng Boracay PNP sa lugar, dito nadiskubreng bahagyang may sira na ang gawa sa light materials na pader ng kwarto ng biktima.

Sa ngayon, ay pinayuhan ito ng imbestigador ng Boracay PNP na ayusin ang nasirang pader ng kwarto at mabuting palagyan ng CCTV ang kanilang boarding house.

Unang araw ng registration ng Brgy. at SK election sa Malay, dinagsa

Posted July 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for election in comelec malay“Maayos naman”

Ito ang sinabi ni Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig sa unang araw ng Brgy. at SK registration kahapon kahit na dinagsa ng mga nag-parehistro ang kanilang tanggapan.

Sa kabila nito nilinaw naman ni Cahilig na hindi sila tumatanggap ng mga transfer for registration kung saan prayoridad nila ngayon ang mga bagong botante.

Payo naman nito sa mga residente ng Malay at Boracay na mag-parehistro na habang maaga para hindi na sila mahirapan sa pagpila.

Nabatid na ang registration para sa Brgy. Elections at Katipunan ng mga Kabataan ay sinimulan kahapon at magtatapos sa ika-31 ng buwang ito.

Ang Comelec-Malay ay bukas maging araw ng Sabado at Linggo simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Re-routing scheme sa isla ng Boracay posibleng ipatupad dahil sa BIWC project

Posted July 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Isang planong re-routing ngayon ang pinaplano ng Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa isla ng Boracay partikular sa Ambulong area hanggang sa Manoc-manoc at Balabag boundary.

Ito’y para bigyang daan ang nagpapatuloy na proyekto ng Boracay Island Water Company (BIWC) na Manoc-manoc Sewerline Network Project.

Dahil dito isang meeting ang nakatakdang isagawa ng Office of the Mayor sa pangunguna ni Rowen Aguirre, Executive Assistant IV ng LGU Malay sa darating na Lunes Hulyo 18, 2016 sa Action Center Balabag.

Layun ng pinapalanong Re-routing na maiwasan ang delay at trapik sa isla ng Boracay lalo na tuwing rush hour dahil sa ginagawang proyekto sa kalsada.

Nabatid na minamadali na ng BIWC ang kanilang Sewerline Network Project sa Manoc-manoc para sa mas maayos na serbisyo sa isla ng Boracay na inaasahang matatapos ngayong buwan ng Setyembre.

Barangay at SK eleksyon gagawing mano-mano- Comelec Aklan

Posted July 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for Brgy. and sk electionMagiging mano-mano umano ang gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) eleksyon sa Oktubre 31 ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni COMELEC-Aklan Information Officer Chrispin Raymund Gerardo dahil sa ilang buwan nalang umano kasi at isasagawa na ang nasabing halalan.

Ayon dito, gagawin umano ang eleksyon sa pinakahuling Lunes ng Oktubre base naman sa nakasaad na batas.

Kaugnay nito nagsimula na kahapon ang registration ng mga botante na interesadong bomoto sa mga Municipal Election Offices sa probinsya na magtatapos naman sa katapusan ng buwan.

Pahayag pa nito na ang maaari lamang makapag-rehistro para makaboto sa SK ay nasa edad 15 hanggang 30 anyos.

Ngunit nilinaw naman ni Gerardo na ang kakandidato lamang bilang SK Chairman at Kagawad ay dapat nasa edad 18 hanggang 24-anyos sa mismong araw ng eleksyon base sa Republic Act 10742.

Maliban dito ang mga batang nasa edad 15 hanggang 17-anyos ay dapat magparehistro ngunit hindi puweding tumakbo sa anumang posisyon sa SK.

Samantala, tiniyak naman ni Gerardo na handa ang COMELEC-Aklan sa pagsasagawa ng registration.

Friday, July 15, 2016

Drug surrenderees sa probinsya ng Aklan nasa 594 na, APPO umaasang tataas pa

Posted July 15, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay               

Nasa kabuuang bilang na 594 na ang mga drug surrenderees sa Probinsiya ng Aklan simula ng umarangkada ang Oplan Tokhang noong nakaraang Hulyo 1 na magtatapos naman ngayong araw Hulyo 15, 2016.

Ito ang sinabi ni PO3 Nida Gregas, Public Information Officer (PIO) ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa kanilang nagpapatuloy na pang-hihikayat sa mga drug personalities na sumuko sa mga pulis.

Ayon kay Gregas, maaari pa umano itong madagdagan ngayon hanggang mamayang hating gabi dahil sa marami paring mga police station sa probinsya ang nagsusumite ng mga listahan ng mga sumukong drug personalities sa kanilang lugar.

Samantala, magtatapos naman ang bilangan ng mga drug surrenderees mamayang alas-12 ng hating gabi kung saan ang mga sumuko ay kinabibilangan ng pusher/user.

Ang programang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ay mahigpit itong ipinapatupad para mabigyan ng pagkakataon ang mga gumagamit ng illegal na droga na magbago.

Malay nag-uwi ng ibat-ibang parangal mula sa 4th Regional Competitiveness Summit

Posted July 15, 2016
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang karangalan ang nakuha ng bayan ng Malay matapos ang isinagawang 4th Regional Competitiveness Summit Cities & Municipalities Index Awards nitong Hulyo 14 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Ito’y matapos mapabilang ang nasabing bayan sa 1st-2nd Class Municipalities Category kung saan nakakuha ito ng mga award na ranked 5th sa Economic Dynamism, ranked 13th sa Government Efficiency, 2nd Place sa Infrastructure, at ranked 4th sa Overall 1st - 2nd Class Municipalities Category sa higit kumulang isang libo at tatlong daang munisipalidad sa buong bansa.

Ibinigay naman ang pagkilalang ito ng National Competitiveness Council para sa 2016 cities at municipalities Competitiveness Index (CMCI) sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) at sa tulong ng Estados Unidos Agency para sa International Development.

Sa kabilang banda ang probinsya naman ng Aklan ay nakakuha ng 8th place sa competitive provinces kung saan nangunguna dito ang Rizal sumunod ang Cavite, Cotabato, Laguna, North Cotabato, Sultan Kudarat, Bataan, Batangas at La Union.

Ang naturang parangal ay personal namang tinanggap ni Malay Mayor Ciceron Cawaling kasama ang mga department heads ng nasabing bayan.

Masterplan para sa expansion ng Kalibo International Airport inilatag na

Posted July 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bilang ika-3rd busiest international airport sa bansa na sumunod sa Manila at Cebu nailatag na ngayon ang Masterplan para sa ekspansyon ng Kalibo International Airport (KIA).

Mismong si Aklan Governor Florencio Miraflores ang siyang nagpakita ng naturang Masterplan sa mga taga CAAP at sa mga kinauukulan ng naturang paliparan.

Ngunit sa kabila ng pinaplanong expansion ay marami namang mga magsasaka na nakapaligid sa naturang airport ang tila hindi pabor sa ibinibigay na bayad para sa kanilang mga naapektuhang lupain.

Nabatid kasi na puro palayan ang nakapalibot sa Kalibo Airport na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga residente sa lugar.

Sa kabila nito, umani naman ng ibat-ibang reaksyon sa social media ang inilabas na masterplan kung saan hiling ng mga ito na kung maaari ay ayusin umanong mabuti ang loob at labas ng airport lalo na ang departure area na kulang sa upuan.

Maliban dito hiling din ng ilan na sana ay libre na ang P200 na terminal fee ng mga Aklanon sa tuwing dadaan sila sa nasabing paliparan.

Ang kalibo International Airport ang siyang itinuturing na main gateway sa Region 6 at Western Visayas dahil sa dami ng International flights na tinatanggap nito araw-araw.

Tourguide, sugatan matapos hampasin ng bote ng alak ng kapwa tourguide

Posted July 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Nananakit pa ang ulo ng isang tourguide ng magsumbong sa Boracay PNP matapos umano siyang hampasin ng bote ng alak ng kanyang kapwa tourguide sa isang inuman sa Manoc-manoc, Boracay.

Nakilala ang nagre-reklamo na si Andrian Chiu, 22-anyos habang ang suspek naman ay si Niko Tiaga, 28-anyos na kapwa naninirahan sa isla ng Boracay.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, nag-iinuman umano sila sa nasabing lugar ng nagkaroon ng mainitang diskusyon sa suspek at sa isang kainuman nito dahilan para awatin ito ng biktima.

Subali’t imbes na tumigil ang suspek ay ang biktima ang binalingan nito galit na siya namang dahilan para hampasin niya ito ng bote ng alak.

Agad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima para malapatan ng  agarang medikasyon.
Samanatala, ang kaso ay ini-refer na ng Boracay PNP station sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.

Thursday, July 14, 2016

93 mga drug personalities sumuko sa bayan ng Nabas, bago magtapos ang Oplan Tokhang

Posted July 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Umabot sa 93 ang drug pushers at user na sumuko sa mga otoridad sa bayan ng Nabas kahapon kaugnay sa Oplan Tokhang (Toktok-Hangyo) operation na nag-simula noong Hulyo-1 na magtatapos bukas araw ng Biyernes.

Ganap na alas-8 kagabi ng isagawa ang pagpupulong sa mga drug personality sa Nabas, Elementary School kung saan 16 na Brgy. ang kabilang dito na dinaluhan naman ng kanilang mga Brgy. kapitan.

Sa pangunguna mismo ni Chief Inspector Reynante Matillano ng Nabas, Mayor James Solanoy, Prosecutor Chris Gonzales at Maya Tolentino ipinaliwanag sa mga sumuko ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa pipirmahang affidavit.

Nabatid na kung sino man ang mag-negatibo sa mga sumuko ay sasailalim parin ito sa obserbasyon ng kanilang Brgy. Captain habang sa magiging positibo naman ay isasailalim sila sa rehabilitation.

Napag-alaman na sa 91 sa mga sumuko ay mga lalaki habang dalawa naman ang mga babae kung saan ilan din sa mga sumuko sa nasabing bayan ay hindi kabilang sa kanilang drug watchlist.

Manocmanoc STP ng BIWC nakatakdang inagurahan ngayong Setyembre

Posted July 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BIWC boracayNgayong buwan na ng Setyembre ang nakatakdang inagurasyon ng Manocmanoc 1 Million Liter per-day Sewerage Treatment Plant (STP) ng Boracay Island Water Company (BIWC).

Ito mismo ang inanunsyo ni Joseph Micheal Santos, General Manager ng Boracay Water Company (BIWC) sa pagdalo nito sa 2nd Regular Session ng Malay nitong Martes.

Maliban dito magtatayo din umano sila ng STP sa Brgy. Yapak sa 2019 sa layunin na magkaroon ang lahat ng Brgy. sa isla ng treatment plant.

Ayon pa kay Santos maaari umanong mag-operate ng sarili ang Balabag STP at ang Manocmanoc STP.

Samantala, maaari rin umanong ibato ang exist capacity ng Balabag sa Manocmanoc kung meron umanong pagkakataon na maluwag pa ito na puwedi pang e-divert.

Nabatid na puwedi umanong ilihis ang 1.5 Million per-day ng Balabag sa Manoc-Manoc STP sa sandaling ito ay matapos na.

Chinese national, ini-reklamo matapos takasan ang bill sa hotel

Posted July 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budget moneyInis na nagsumbong sa Boracay PNP ang Manager ng isang hotel sa Station 3 matapos silang takasan at hindi binayaran ng kanilang Chinese national na guest sa hotel sa Manoc-Manoc.

Sumbong ni Mary An Lee, 36-anyos sa mga pulis, nag-checked out na umano kahapon ng alas 12 ng tanghali ang suspek na si Yue Guanghui para sa dalawang araw na pag-stay sa kanilang hotel.

Ngunit, nagulat nalang umano sila na hindi na ito dumaan sa kanilang opisina para magbayad kung saan umalis nalang umano ito dala-dala ang kanyang bagahi.

Nabatid na nagkakahalaga ng P30, 000 ang bill ng suspek sa dalawang araw na pamamalagi nito sa nasabing hotel.

Samantala, agad namang pumunta ang mga pulis sa Jetty port sakaling maabutan pa ang suspek ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila ito inabutan at pinaniniwalaang lumipad na ito pabalik sa kanilang lugar.

9 na mga pulis mula sa Aklan ni-relive dahil sa illegal na droga

Posted July 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pulis \9 na pulis mula sa Aklan Provincial Police Office (APPO) ang na-relieve sa kanilang puwesto matapos masangkot sa illegal na droga.

Ito ay base sa inilabas na rekord ng Police Regional Office sa Western Visayas (PRO-6) na nakabase sa Iloilo City.

Sa report ng tanggapan umaabot sa 49 police officer sa Western Visayas ang na-relive mula sa kani-kanilang mga puwesto kung saan umepekto ang relief order noong Hulyo 8 sa pamamagitan ng anunsyo ni Supt. Gilbert Gorero, spokesperson ng PRO-6.

Nabatid na sa Region 6 ang Iloilo Provincial Police Office (IPPO) at Iloilo City Police Office (ICPO) ang may pinakamataas na numero ng na- relive na pulis na umabot sa 13 bawat isa, walo sa Antique, tatlo sa Guimaras, dalawa sa Capiz, at isa sa PRO-6 Regional Headquarters Command.

Dahil dito nanawagan naman ang APPO sa publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga tiwaling pulis at ang mga nasasangkot sa illegal na gawain.