Posted May 12, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang kampanya ng Boracay Tourists
Assistance Center o (BTAC) sa pagpapalaganap ng kaalaman sa komunidad hinggil
sa iligal na droga.
Sa panayam ng himpilang ito kay SPO2 Christopher Mendoza,
ang community education umano ay itinuturo nila sa mga paaralan, Ati Community,
4P’s maging sa Boracay Photographers Association Inc. at nitong huli ay sa pagtitipon ng Manocmanoc Youth Camp.
Ani Mendoza, layunin nitong ipaabot ang masamang epekto sakaling
malulong sa iligal na droga ang isang tao gayundin ang kaakibat na penalidad at
ang pag-aresto sa mga indibidwal na nasadlak sa ganitong bisyo.
Samantala, hinihikayat naman nito ang publiko na
suportahan ang kampanya kontra iligal na droga at iwasan na ang pagbebenta,
pagbili at paggamit nito dahil ito aniya ang nagiging ugat ng mga problema sa
komunidad lalo na sa kriminalidad.