Posted August 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang matatapos na ngayong buwan ng Agosto ang
tinatayong Wind Turbine Project sa Brgy. Napaan, Malay, Aklan.
Ito ang sinabi ni Petro Wind Power. Inc. Administrative/
Operation Manager Bennedick Vega, Aniya, meron silang hinahabol na deadline
kung saan ang Brgy. Napaan ang siyang pinakahuling pagtatayuan ng Wind Turbine Project
karugtong sa apat na Brgy. sa bayan ng Nabas.
Tinatayang walong wind mill o turbina ang dadagdag sa
enerhiya na kakailanganin ng NGCP para sa Visayas grid sa susunod na taon.
Nabatid na ang malilikhang kuryente ng wind farm ay
direktang mapupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung
saan inaasahang ipapamahagi naman ito sa mga electric cooperative sa Visayas
Region.
Sinabi pa nito na malaki umano itong tulong sa kakulangan
ng kuryente sa Visayas kapag naumpisahan na ang operasyon nito sa taong 2015.
Samantala ang nasabing wind turbine ay makikita sa paanan
ng mga bundok ng Nabas at matatanaw mula sa kalsadang papunta sa bayan ng Malay
na inaasahang makakadagdag atrakasyon sa mga turistang pumupunta sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment