Posted August 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masusing iniimbestigahan ngayon ng Scene of the
Crime Operatives (SOCO) Boracay ang reklamo ng isang Korean guest kagabi
hinggil sa tinutuluyan nitong resort.
Nawawala umano kasi ang pera nitong iniwan sa
safety box na nagkakahalaga ng 420, 000 US Dollars o mahigit 17 milyong piso.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, humingi ng
tulong ang koreanong si Chi Youn Cho, 34 anyos ng Seoul South Korea matapos
matuklasang nawawala ang nasabing pera.
Lumabas lamang umano sila ng kanyang kasama at
naghapunan, subali’t bukas na umano ang safety box nang kanilang madatnan.
Paniwala nito, may ibang pumasok sa kanilang
kuwarto at nagnakaw ng pera.
No comments:
Post a Comment