YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 10, 2012

Dalawang suspek ng rape at pagpatay sa Boracay, masama ang loob

Kinukuwestiyon pa rin ngayon nga dalawang suspek na sina Joseph Orate at Rodel Gelito ang kredibilidad ng umano ay tumatayong saksi sa pagpatay kay Aprilyn Tana.

Dahil malaking palaisipan pa rin umano sa kanila kung ano ang motibo ng hindi na papangalanang saksi sa kaso para gawin ito sa kanila.

Gayong kaibigan umano nila ang witness na ito at nasa Maynila ito ng mangyari ang krimen.

Nagtataka din ang mga ito umano kung bakit matapos ang krimen ay nakikisalamuha pa ito sa kanila kahit alam ng mga ito na siya ang tumatayong testigo sa kaso laban sa kanilang dalawa.

Kaya panawagan nila sa witness, sana ay maisip nito ang epektong dala sa buhay nilang dalawa at sa pamilya.

Masakit din daw sa loob nila na sila ang nakakulong, habang ang tunay na salarin ay malaya.

Ganoon pa man, nakahanda aniya sila at kanilang mga testigo na patunayan na hindi sila ang salarin.

Pero tila masakit ang loob ng mga ito dahil sa sila ang napapagbintangan at humaharap ngayon sa kahihiyan. #ecm112012

Pagpatay sa dalagita sa Boracay, pinabulaan ng dalawang suspek


“Wala kaming kasalanan at hindi kami ang pumatay at nang-gahasa [sa dalagitang si Aprilyn Tana].”

Ito ang paulit-ulit na inihayag ni Joseph Orate at Rodel Gelito, na kapwa itinuturing na suspek sa karumal-dumal na pang-gagahasa at pagpatay sa nasabing dalagita.

Pero dahil sa sila umano ang pinagbibintangan sa ngayon, wala silang magagawa kundi ang harapin ang kasong ibinabato sa kanila.

Katunayan, nang pinadalhan umano sila ng subpoena noong nangyari ang krimen ay ni hindi nila naisip na tumakas sa awtoridad dahil handa naman silang harapin ito para mapatunayan na wala umano silang kinalaman sa krimen.

Naniniwala din ang mga ito na napagbintangan lamang sila, at gawa-gawang lamang ang paratang ng witness laban sa mga ito.

Kaugnay nito, nagpa-abot din ng mensahe ang dalawa sa pamilya ng biktima na umano ay hindi talaga sila ang may gawa sa panghahalay at pagpatay sa kanilang anak.

Si Aprilyn ay ang dalagitang pinatay at tinabunan ng mga bato sa bunganga ng kuweba sa Sitio Lugutan sa Area ng Mt. Luho noong Mayo ng taong 2011. #ecm112012

Mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Boracay, natiklo!

Natiklo at nasa kamay na ngayon ng awtoridad ang dalawang tinuturong suspek sa pagpatay sa dalagitang si Aprilyn Tana.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinababa ni Regional Trial Court Branch 3 Assisting Judge Bienvenido P. Barrios ng Kalibo, Aklan noong ika-24 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.

Nadampot dito mismo sa Boracay ang dalawang suspek na sina Joseph Orate y Paniza, 26-anyos, tubong Iloilo at nagtatrabaho sa isla bilang sea sports commissioner, at si Rodel Gelito y Reyes, 26-anyos ng Sitio Hagdan, Barangay Yapak.

Kapwa rape with homicide ang kaso ng dalawa na wala at hindi pwedeng mapiyansahan.

Mga operative ng Criminal Investigation and Detection Group sa pangunguna ni SPO4 Joseph De Jose kasama ang Military Intelligence Group ang naghain Arrest Warrant sa dalawang suspek.

Dadalhin naman ang dalawa sa bayan ng Kalibo para doon idetine habang nililitis ang kaso.

Matatandaang ang bangkay ng nasabing biktima noong ika-27 ng Mayo taong 2011 ay nakita sa bunga-nga ng kuweba na tinabunan pa ng malalaking bato sa Mt. Luho Area sa Sitio Lugutan, Barangay Balabag.

Ang kaso din na ito ay inaabangan ng mga Boracaynon dahil mahigit isang taon din na naging palaisipan para sa mga taga-Boracay kung sino ang salarin at kung kaylan mabibigyang linaw ang kaso. #ecm112012

Pag-gala ng mga komisyuner sa front beach ng Boracay, balak nang wakasan

image from
http://www.flickr.com/photos/turquoisetravelasia/4138186928/

Aminado ang Department of Tourism sa Boracay na maraming reklamo silang natatanggap hinggil sa mga komisyuner sa front beach.

Bagamat mga berbal na reklamo ito at hindi written, ayon kay DOT Boracay Officer in-Charge Tim Ticar, hindi nila isinasawalang bahala ang bagay gaya nito.

Maraming na umano silang natatanggap na reklamo mula sa mga turista, kabilang dito ang pangha-harass sa mga naglalakad-lakad na mga bisita sa beach at pang-iistorbo sa mga ito.

Ang masaklap pa umano dito, may mga nagrereklamo na rin sa kanila tungkol sa umano ay hindi na nagpapakita ang ilan sa mga komisyuner matapos makuha ang bayad mula sa mga turista makaraang makipagtransaksiyon para sa iba’t ibang water sports activities.

Maliban dito, ang ibang reklamo din ay hindi kinukompleto ang serbisyo sa kabila ng tamang bayad sa ilang komisyuner.

Ganoon pa man, nag-usap na rin umano sila ni Wilson Enriquez ng Tourism Regulatory Enforcement Unit o TREU kaugnay dito at kung paanong mabigyang solusyon ang problema.

Dahil dito, nasa plano na rin ng LGU Malay at kabilang sa pinag-usapan nila na gawing “color coded” at de numero ang uniporme ng mga komisyuner para malaman kung saan at kung anong establishemento ang mga ito nabibilang.

Dagdag pa ni Ticar, balak na umano ngayong ilagay na lamang sa iisang lugar sa tatlong boat station ng Boracay ang mga ito.

Kung saan maglalagay ng kani-kanilang mesa ang bawat sea sport operator para doon na lang makipagtransaksiyon na hindi na kailangan pang pagala-gala ang mga ito sa beach line.

Pero nilinaw ng DOT Office na hindi aalisin ang mga ito sa front beach, dahil bahagi na rin ng turismo ang iba’t ibang aktibidad sa Boracay.

Layunin lamang aniya nito ay upang maging organisado na ang lahat. #ecm112012

Friday, November 09, 2012

BIHA, napagbintangang kulang sa kakayahan?

Tanging ang kakulangan sa tamang pagpapaliwanag at pakikiharap sa mga turista ang naging problema sa Boracay ng dumaong ang unang cruise ship sa isla.

Sapagkat, maituturing na tagumpay umano para sa Boracay ayon kay Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang pagkakatong iyon.

Lalo pa at wala umanong aberiyang naranasan sa isla ang mga turista noon pumunta ang mga ito nito noong ika-27 ng Oktubre.

Sa privilege speech nito sa SB Session nitong Martes, tinukoy ng konsehal na naging maayos ang lahat, mula sa pagkakalatag ng seguridad at naging organisado naman ang lahat sa isla.

Subalit nabatid umano nito mula kay Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na ang sumablay lamang ay dahil mistulang walang sa kakayahan ang mga bangkero at tripulante na animo ay kulang sa pagsasanay sa pagharap sa mga bisita ng Caribbean Cruise.

Kaunay nito nagpahayag ng reaksiyon si Gallenero sa konseho, gayong ang Boracay Island Hopping Association o BIHA umano ang ininguso ni Maquirang.

Ipinagtangol din nito ang BIHA, gayong hindi naman aniya sila ang bangkang ginamit noon ng mga turista.

Sa halip ay napag-alaman umano ng konsehal na ang bangkang ginamit ay nagmula sa Caticlan Boracay Transport Multi Purpose Cooperative o CBTMPC pala.

Bunsod nito, isinatinig ni Gallenero nasana’y maklaro ito, upang hindi naman mapagbintangan ang BIHA.

Mga may-ari ng gasoline station sa Boracay ipapatawag ng LGU Malay


Sa file photo na ito naobserbahan ang
pagdagsa ng mga "oil nuggets" sa dalampasigan
ng Boracay White Beach.
Nakaramdam ngayon ng pagkabahala ang Sangguniang Bayan ng Malay sa oil spill na pwedeng maidulot ng mga truck na nag-dadala ng petrolyo sa Boracay.

Dahil dito, plano ng mga konseho na ipatawag sa paraan ng Committee Hearing ang mga may-ari at operator ng mga gasoline station sa Boracay.

Ito ay upang mapag-usapan kung ano ang mabuting gawin para maiwasan ang oil spill, lalo na sa transportasyon ng petroleum products na pinapasok sa isla.

Ito ay kasunod ng inihayag ni SB Member Jupiter Gallenero na noong ika-26 ng Oktubre habang halos abala ang lahat sa pagdating ng Caribbean Cruise ship  kina-umagahan, isang aksidente ang nangyari ng araw na iyon sa mismong pantalan ng bangka at barge ng cargoes area.

Sapagkat ayon sa konsehal, aksidenteng nahulog ang tanker truck na may kargang petrolyo dahil sa nagkaroon ng aberya sa rampahan ng barge.

Mabuti nalang umano at walang tumagas na krudo o gasolina sa pangyayaring iyon.
Dahil dito naalarma ang mga konsehal.

Kaya ipapatawag nila ang operator at may-ari ng mga gasoline station para mailatag at mapag-usapan ang mga dapat at magkaroon ng sapat na paghahanda sa katulad na pangyayari na pwedeng ikasira ng Boracay, partikular na sa white beach ng isla.

Boracay, napiling venue para sa “World’s Wind Surfing Championship 2012”



Boracay ang napiling magiging venue sa gaganaping world championships ng Wind Surfing.

Kung saan, isang malaking karangalan nanaman para sa Boracay, ang mapili ang islang ito, na siyang kauna-unahan sa Pilipinas na pagdadausan ng karera ng mga nagwi-wind surfing.

Ang limang araw na aktibidad na ito ay gagawin sa darating na ika-10 hanggang ika-15 ng Disyembre ng taong ito.

Sa presentasyong ginawa ni Neneth   Pangulo ng Boracay Island Paddlers Association o BIPA sa Sangguniang Bayan Session nitong Martes, ika-6 ng Nobyembre.

Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, manlalaro man o mga bisita sa isla na naliligo sa front beach, humingi si Grap ng suporta sa paraan ng pang-endurso sa event.

Siguridad at kaligtasan ng lahat ang unang ihiningi ng tulong ng Graf sa mga konsehal maliban sa tulong pinansiyal at suporta sa mga lalahok na darating.

Sapagkat aniya ang karera na ito ay gagawin sa front beach sa Station 2, gayong batid naman umano ng lahat na ang baybayin ay akupado ng mga turistang nagsa-sun bathing at naliligo.

Nabatid na dalawang Boracaynon ang makakasama sa napakalaking event na ito, na lalahukan ng mga wind surfer mula sa iba’t ibang bansa na tutungo dito sa isla.

Nakikila ang Boracay upang pagdausan ng international windsurfing championship na ito, dahil sa ang Bulabog Beach ay sikat na ring lugar para sa windsurfing at kite boarding .

Dahil dito, inaasahang dudumugin ang Boracay ng mga turista sa Disyembre.

Dahil maliban sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko, Bagong taon, at Ati-atihan, magiging rason din ang aktibidad na ito upang sadyain ang Boracay.

Boracay Hospital, hindi kasama sa pupunduhan ng EEDD sa 2013


Kumpirmado na na hindi nga kasama sa mga pupunduhan o bigyan ng budget sa susunod na taon ng 2013 ng Economic Enterprise Development Department (EEDD) ng Aklan ang Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital.

Sapagkat, nilinaw ngayon ni Dr. Michael I. Terencio Head ng EED Department na hindi under ng departamentong ito ang ospital sa Boracay.

Sa panayam kay Dr. Terencio nitong umaga, inihayag niyang bagamat sa ilalim ng Governor’s Office ang EEDD, pero hindi umano nila ito saklaw.

Sapagkat sa ngayon nasa ilalim parin ng panga-ngalaga ng Provincial Health Office/PHO ang pagamutang ito sa isla.

Sinabi rin nito na sa kasalukuyan kasi ay Municipal Hospital parin ang estado ng Boracay Hospital na mas kilala rin sa tawag na Boracay Hospital.

Aniya tanging tatlong district hospital lamang ang under ngayon sa EEDD at iyon ay Ibajay at Altavas District Hospital gayon din ang Provincial Hospital.

Ito ang tugon ng EEDD Manager, kasunod ng mainit na debate ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon, kung saan balak sana nilang magpasa ng resulosyon upang mapasama din at mabigyang pundo ng EEDD ang pagamutan na ito sa isla.

Lalo pa at pangunahing panga-ngailangan aniya ito sa Boracay.

Gayong dati ay ipinangako na rin anila ng mga matataas na opisyales ng probinsya na ang kikitain ng Jetty Port sa Malay ay ibabalik din sa Boracay sa paraan ng maayos na serbisyo at pasilidad.

Pampasaherong Traysikel sa Manoc-manoc, Boracay, Sumemplang; Drayber at mga pasahero, sugatan

Hindi na nakarating sa kani-kanilang paroroonan ang mga pasahero ng isang traysikel, matapos itong maaksidente sa barangay Manoc-manoc, Boracay kaninang umaga.

Base sa report ng Boracay PNP, pumutok ang unahang gulong ng nasabing traysikel, dahilan upang mawalan ng kontrol ang bente tres anyos na drayber nitong si Hernan Irabon.

Sinasabing bumangga pa sa pader ang traysikel bago ito sumemplang, kung kaya’t nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga pasahero nitong sina Raffy Dalida y Abayon, Genaro Raz y Gonzalez, at Lucia Gelito y Semporio.

Nabatid na papunta sana ng Cagban port ang mga ito ng mangyari ang insidente, mag-aalas nuwebe kaninang umaga.

Samantala, dahil sa tinamong pinsala sa ulo at kaliwang braso, ay minarapat namang ilipat sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang drayber na si Hernan at ang pasahero nitong si Genaro.

Nasa kostodiya naman ng Boracay PNP ang nasabing traysikel, na maliban sa nabasag ang mga wind shield ay nagtamo din ng pinsala sa iba’t-ibang parte nito. 

Dahil sa nalalapit na kapaskuhan, mga bakasyunista sa Boracay, dumarami pa

Apatnapu’t anim na araw pa bago dumating ang Kapaskuhan, ngunit kapansin-pansin na ang pagdami ng tao sa isla ng Boracay na halos kinabibilangan ng mga turista.

Kung saan maging ang mga pangunahing kalsada sa isla ay nagsisikip na rin ang daloy ng trapiko.

Bukod pa sa dinadayo na rin ng mga turista ang ilang mga pasyalan sa Boracay, agaw-pansin din ang ilang mga tindahan na may kaniya-kaniya nang istilo sa pagtitinda ng mga Christmas decorations at marami pang iba na may kinalaman sa kapaskuhan.

Kaugnay nito, todo-higpit naman ngayon ang siguridad na ipinapatupad ng isla kung saan makikita ang mga miyembro ng Malay Auxiliary Police o MAP at Boracay Tourist Assistance Center o BTAC na kaniya-kaniyang pagbabantay ng kanilang teritoryo lalo na sa pagpapatupad ng mga traffic rules.

Mapapansin na sa bawat istasyon at sa mga kalsada ay naririyan ang kanilang presensya upang bigyang gabay ang mga pasahero at mga driver na maging maayos at hindi maipit sa gitgitan ng trapiko.

Sa mga susunod na araw ay aasahan pang mas hahaba ang daloy ng trapiko sa mga kalsada at dadami pa ang mga bakasyunita sa isla, lalo pa’t ramdam na ang pagsapit ng araw ng kapaskuhan.

Ang isla ng Boracay ay isa sa mga sikat na tourist destination na dinadayo ng mga turista tuwing kapaskuhan.

Dalawang Aklanon swimmer, wagi sa Malaysia

Dalawa sa labindalawang Aklanong atletang swimmer na ipinadala sa Malaysia ng Pilipinas ang nag-uwi ng silver medal.

Hindi nagpahuli ang mga atletang ito sa isinagawang Youth Swimming Competition na “Trick or Treat” sa Kuala Lumpur, nitong ika-26 hanggang ika-29 ng Oktubre.

Ang 12 na manlalangoy na ipinadala ng Pilipinas ay pawang mga Aklanon na siyang naging pambato ng bansa.

Karamihan sa mga ito ay nagmula sa bayan ng Malinao, kung saan tatlo dito ay anak ni Aklan Board Member Selwyn Ibarreta.

Suportado naman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Aquatic Sports Association (PASA) ang pagtungo ng mga manlalaro na ito sa Malaysia.

Nasungkit ni Miguel Ricardo Dagandan ang unang medal sa 100-meter breaststroke at ribbon bilang heat winner sa 100-meter freestyle.

Nagpakitang gilas din Selwyn Amiel Ibarreta, na nakapagbulsa ng isang silver na medalya matapos makuha ang ikalawang pwesto sa 50-meter butterfly at ribbons bilang heat winner din sa 50m freestyle and 50-meter backstroke.

Samantala, si Ada Beatriz Ortega ay tumanggap  naman ng award sa event na 100-meter freestyle, habang si Samantha Evette Ibarreta ay nag-uwi din ng award sa 200-meter individual medley.

Walo pang Aklanong manlalangoy ang kasama sa kompetisyon at ito ay sina Elijohn Andre Equina, Adrian Colin Hilario, Kyle Medrano, Eleni Angeli Debuque, Isabella Selyn Ibarreta, Krisette Hart Ezpeleta, Eva Marie Sazon at Rachelle Ann Lorisse Respicio.

Kaarawan ng Ama it Aklan, hindi ipinagdiwang sa Boracay Airport


Ordinaryong araw lamang para sa mga taga Boracay Airport ang “Godofredo P. Ramos Day” na ipinagdiriwang ngayong araw.

Bagamat simpleng idinadaos ang ika- isang daan at isa taon ng “Godofredo P Ramos Day” at naghanda ng ilang aktibidad ang pamahalaang probinsiya ng Aklan para sa pag-gunita sa makasaysayang araw na ito sa mga Aklanon.

Maituturing naman na naging malamig ang araw na ito sa tinubuang lugar ng tinaguriang “Ama ng probinsiya”.
Sapagkat sa dating Caticlan Airport, na naging Godofredo Ramos Airport  at nitong huli ay naging Boracay Airport na.

Nabatid mula sa Trans Air, ang bagong namumuno sa paliparang ito ng naging Boracay Airport na, na walang ano mang aktibidad na inihanda dito para sa selebrasyong ito kaya simpleng araw lamang ito sa mga naroroon.

Ito ay sa kabila ng malaking pangalan na nakalagay sa labas ng gusali ng paliparan, ang pangalang Godofredo Ramos.

Kung matatandaan, ang Airport na ito ay ipinangalan kay Ramos, bilang pagkilala sa kaniyang serbisyo sa bayan ng Malay na siyang home town nito.

Ngunit pinalitan na ito ngayon na naging kontrobersiyal pa. 

Aklan, nagpista opisyal kahapon dahil sa pag-diriwang ng Godofredo Ramos Day


Pesta opisyal kahapon sa buong probinsiya ng Aklan kasama ang isla ng Boracay.

Ito ay dahil sa ipinagdiriwang ang ika- isang daan at isa taon ng “Godofredo P. Ramos Day”.

Kaunay nito walang klase ang mga estudyante at walang ding bukas ang mga tanggapan ng pamahalaan ngayon araw.

Ang lokal Holiday na ito ay kasunod ng ipinagdiriwang na pag-alala sa kaarawan ni Godofredo Ramos, ang kauna-unahang Kongresista ng Aklan nang mahiwalay ang probinsiya ito mula sa Capiz.

Kaya si Ramos ang tinaguriang "Amang it Akean".

Kaugnay dito, ideniklarang local Holiday ang ika-8 ng Nobyembre bawat taon sa buong probinsiya.
Ito ay sa bisa ng Proclamation No. 194 ni dating Pangulong Gloria Arroyo, para sa pag-alala sa kapanganakan ng ama ng probinsiya.

Dahil dito, nitong umaga, pinagunahan ni Aklan Governor Carlito Marquez ang tradisyunal na gawain, ang pag-alalay ng bulaklak sa bronseng monumeto ng Ama ng probinsiya sa Godofredo Ramos Park sa harap ng provincial Capitol.

Legislative Body ng Malay, hindi na nagustuhan ang sitwasyon ng front beach ngayon


Tila naiinis na ang legislative body ng lokal na pamahalaan ng Malay sa sitwasyon ng front beach sa ngayon.
Sapagkat sa dami umano ng batas na naipasa nila sa Sangguniang Bayan para i-regualate ang mga sagabal sa mga turista doon.

Mistulang wala naman halos nangyayari dahil sa hindi naman naipapatupad ng maaayos.

Unang pinuna ng mga konsehal ang hindi parin pagtanggal sa mga tent sa vegetation area, na araw at gabi ay naririyan.

Kung saan ayon kay Vice Mayor Ceceron Cawaling, hinahayaan din ng mga resort owner na siraiin ang view nila.

Dahil may mga naglatag ng kung anong paninda, pwesto na may mga mesa at bangko sa dampa nila ngunit pinapayagan pa kahit pangit di umano sa mata ng mga turista.

Dagdag pa ng Bise Alkalde, dapat ay mga puno ng niyog lamang ang makikita sa beach line lalo na kung araw, upang walang sagabal.

Naniniwala naman si SB Member Rowen Agguire na kapag walang nagto-tolerate at seryusong ipinapatupad ang ordinansa na ipagbawal ang mga illegal sa front beach, ay tatalima ang lahat ng establishsmento sa kung ano ang laman ng ordinansa.

Maging si SB Member Jupiter Gallenero at Jonathan Cabrera ay nagkainitan na kung sino ang dapat maging responsible sa implementasyon, gayong paulit-ulit nalang umanong tinalakay ito sa sesyon pero walang nangyayari.

Bunsod nito, pumagitna at pinawi ni SB Member Essel Flores ang mainit na argumento at bulontaryong nag-alok ng tulong na siya na lamang ang kakausap kay Mayor John Yap.

Ito ay para matutukan na ang problema at sitwasyon sa mga illegal na straktura, at kung ano pang sagabal sa front beach.

Ipinunto kasi ng mga konsehal nitong umaga sa sisyon, na kung bakit ganito na lamang, gayong madalas nilang ipinapaabot ang problemang ito noon pa, pero wala paring aksiyon at paulit-ulit lang.

Sa panig kasi ng legislative body, lahat ng pwede nilang gawing batas upang maging maaayos at kanais-nais ang lugar na ito sa mga turista ay nagawa na umano nila, pero kulang parin sa implementasyon.

Kumunidad ng mga Ati sa sitio Tulubhan, Manoc-manoc, Binalot na naman ng tensyon


Binalot na naman ng tensyon ang kumunidad ng mga Ati sa sitio Tulubhan, Manoc-maonc, Boracay nitong nagdaang Linggo ng gabi.

Ito ang impormasyong natanggap ng Yes FM 911 Boracay, mula sa mga taga Ati community, makaraang umano’y ipatanggal ng isang nagngangalang Teddy Jimenez ang mga kawayang bakod na itinayo nila doon.

Sa mismong gabing iyon ay naabutan naman ng Yes Fm News Team ang mga nasabing katutubo, na nagro-rosaryo doon, kasama si father Arnold “Nonoy”Crisostomo, ang tumatayong mediator sa team ministry ng Holy Rosary Parish sa isla.

Sa pakikipag-usap ng himpilang ito kay father Nonoy, ay kinumpirma nito ang nasabing insidente.

Nagsimula umano ang lahat, nang binakuran ng mga Ati ang ilang bahagi ng lupang ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno sa sitio Tulubhan.

Nagmatyag pa umano sila, Linggo ng hapong iyon, kung may sisita sa kanila, subali’t nang mapansing wala naman ay ipinagpatuloy nila ang kanilang pagbabakod.

Mag-aalas sais umano ng gabi ding iyon ay dalawang beses na pumunta doon ang nasabing Mr. Jimenez.
Nang bumalik umano ito ay kasama na niya ang ilang mga kalalakihang may mga dalang armas.

Ikinagulat na lamang umano ng mga katutubo nang gibain na ng mga kasama ni Jimenez ang inilagay nilang bakod.

Samantala, nang makapanayam naman ng himpilang ito si Dexter Condez, isa ring katutubong Ati at tumatayong tagapagsalita ng nasabing kumunidad.

Sinabi nitong ang mga dumating na kalalakihan ay pawang mga security ng Crown Regency na pinagmamay-ari naman ni Richard King.

Kaagad naman umanong ipina-blotter nina Dexter sa estasyon ng pulis ang nasabing insidente.

Pagsulputan ng mga gusali sa Boracay kahit may Moratorium, ipinaliwanag

File photo

Ngayong umiiral parin ang Task Force Moratorium sa Boracay para sa konstraksiyon ng mga gusali, ay kapansin-pansin naman ang pagsulputan ng mga gusali sa isla.

Pero nilinaw ni Engr. Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay na hindi naman ibig sabihin nito ay ban o bawal na talaga ang magtayo ng gusali sa Boracay.

Ito ang sagot ng enginero, sa kapansin-pansing pagdami ng mga ginagawang gusali sa kabila ng Moratorium na ipinapatupad.

Paliwanag nito, ang iba sa mga building na ito ay noon pa nagkaroon ng premiso bago ipatupad ang Moratorium kaya may mga building permit na, habang ang iba naman umano ay renovation at expansion lamang.

Sapagkat sa Task Force na ito, ay nag-set ng alituntunin ang lokal na pamahalaan ng Malay sa pagtatayo ng gusali sa isla upang maging maayos lahat.

Kung saan kabilang umano sa guidelines ay dapat mahigit dalawangpung milyong piso ang halaga ng itatayong gusali para payagan at daan sa proseso muna.

Samantala, mahigpit na ipinatutupad naman ngayon ayon kay Casisid ang Task Force Moratorium na ito.

Kabilang dito ang pagbabantay na rin nila sa mga lumalabag sa Building Code na sa Boracay, gaya ng implementasyon ng 14 feet na taas ng gusali, illegal na konstraksiyon at iba pa.

Violation ticket naman umano ang tinutugon nila sa mga nahuhuli nilang lumabag. 

Wednesday, November 07, 2012

Municipal Engineers Office at TIEZA naghihintayan

File photo

Ininguso ngayon ng Municipal Engineers Office sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority/TIEZA ang hindi parin nasusulusyunang problema sa drainage at ang umaapaw na laman ng sewerage sa manhole.

Ayon kay Engineer Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay ang problema sa main road ng Manoc-manoc sa kanto ng Lugutan Area sa Sitio Tulubhan ay nasulosyunan na nila ang pagbaha doon.

Kung saan nasa plano na na sila ng pag-kongkreto sa kalsadang ito na kapag umulan ay na-iipunan ng tubig lalo na kapag napuno na ang Drainage.

Nilinaw din nito na hinihintay na lamang nilang malinis ng TIEZA ang drainage dito upang diretso na rin ang pagsasaayos nila ng kalsada.

Sapagkat sa kasalukyan, problema parin ang drainage sa lugar na ito.

Inihayag din ni Casidsid na hindi na saklaw ng tanggapan nila ang problema sa sewer at drainage, gayong hindi naman sila ang nagmimentina sa operasyon ng dalawang ito.

Katunayan ay ilang beses na rin umanong nangako sa kanila ang TIEZA na aayusin ito at hinihintay na rin nila.

Kaya tila naghihintayan lamang ang dalawang tanggapan na ito.

Pero wala paring nagyayari, kaya maging sila ay nahihiya na rin sa sitwasyong ito ng isla. 

Tuesday, November 06, 2012

Caroling sa Boracay, mahigpit na ipagbabawal


“Bawal mag-caroling sa Boracay”.

Ngayon buwan palang ng Nobyembre, klinaro na ng Island Administrator ng islang ito na bawal ang mag-caroling ngayong nalalapit na ang Pasko at kahit sa araw pa mismo ng Pasko.

Aniya, nangangamba sila na sa dami taon-taon ng nagka-caroling sa Boracay ay hindi na nila masiguro lalo na ng mga residente, kung ano ang tunay na pakay ng paglilibot na ito sa mga bahay-bahay.

Kaya ganon na lamang aniya ang ginagawa nilang paghihigpit sa mga nais mag-caroling sa isla.
Aniya mapa bata man ito o matanda, ay ipinagbabawal na dito.

Dahil dito, payo ni Island Administrator Glenn Sacapaño sa mga residente, kapag may nag-caroling o kaya ay naghahararana at nag-iikot para manghingi ng donasyon o pera.

Agad umanong ipagbigay alam sa mga Barangay Officials at Tanod o kaya ay sa Municipal Social Worker para masiyasat ang mga dukomento nila at ma-aksiyunan agad. 

Mga motorsiklong nahuli na walang permit to transport, ipinatapon na sa mainland


Umabot na sa mahigit tatlongpung motorsiklo sa Boracay ang ipinatapon sa main land Malay dahil sa walang Permit to Transport.

Nabatid mula kay Rommel Salsona, Hepe ng Malay Auxiliary Police/MAP na ang nabanggit na bilang na ito ay walang mga Permit to transport at illegal na na-ipasok sa Boracay.

Aniya dalawa beses na umano silang nakapag-transport ng mga nahuling motorsiklo at dinadala sa mainland.

Sa kasalukuyan ay may walo pang na-impound ngayon at ini-ipon pa nila hanggang sa umabot sa labin lima o dalawangpu para sabay nang madala palabas ng isla.

Maliban dito, marami na rin umano silang nahuling, pumapasada gamit ang single na motorsiklo, walang sticker ang motor at hindi nagsusuot ng helmet ang driver.

Kung matatandaang, nitong ikalawang bahagi ng taon ay nagpatupad ang LGU Malay ng Moratorium o pagpapatigil sa pag-isyu ng Permit to transport sa mga motorsiklong ipapasok sa Boracay.

Gayong sa Boracay ay subrang dami na rin ang motorsiklo kaya ikinasa ang Moratorium, kaya aasahang ang mga nahuling ito ay hindi na mabibigyan pa ng permit para maibalik pa sa Boracay ngayon taon. 

Monday, November 05, 2012

Menor de edad na pagala-gala sa Boracay, problema parin ng LGU


Aminado ang lokal na pamahalaan ng Malay sa Boracay na mahirap parin nilang masawata ang mga batang pagala-gala sa front beach hanggang sa ngayon.

Ito ay kahit na mahigpit na ipinatutupad ang Curfew hour, na dapat pagsapit ng alas diyes ng gabi ay wala ng mga menor de edad na gumagala pa sa isla. 

Ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño, problema talaga nila ngayon ang mga kabataang ito, kung saan ang iba umano ay tino-tolerate pa ng kanilang magulang.

Katunayan ay nakikita pa ang mga ito na nagbibinta ng kung anu-ano pailaw o laruan sa front beach.
Aminado si Sacapaño na nahihirapan silang hulihin ang mga menor de edad na ito dahil baka ma disgrasya pa kapag hinabol ng mga Municipal Auxiliary Police/MAP.

Pero minsan ay mismong ang mga magulang pa aniya ang nagdadala para maghanap buhay sa gabi.

Bunsod nito, siya na rin umano ang nagpanukala sa Municipal Social Welfare na dapat ay kasuhan na ang mga magulang ng batang nahuhuli ng paulit-ulit na lumalabag sa curfew.

Ito ay upang malaman umano ng mga magulang ang obligasyon sa kanilang mga anak.

Subalit ayon sa Administrador, naging laman na rin ng pulong nila kung papaano mabibigyang sulosyon ang problemang katulad nito.

Pasahero ng RORO dumagsa sa Caticlan Jetty Port

File photo

Bagamat bumaha ang mga pasahero ng Roll-On-Roll Off/RORO sa Caticlan Jetty Port gabi, araw ng Linggo.

Naisakay naman lahat ng maaayos sa barko, para maka-uwi na Maynila, gayong tapos na rin ang long week-end o araw ng bakasyon sa eskwelahan man at trabaho, kasabay ng pagdiriwang ng Undas.

Ito ang nabatid kay PO 2nd Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Caticlan sa panayam dito nitong umaga.

Aniya, sa dami ng pasaherong dumagsa sa pantalan simula pa kahapon hanggang alas diyes ng gabi kagabi.
Wala namang na sa stranded sa mga ito dahil naisakay lahat sa last trip.

Kung saan naging maayos din at hindi nagka-problema ang pagdaan ng mga pasahero sa Jetty Port kahit pa dagsa, dahil organisado na rin aniya ang sistemeng ipinatupad doon.

Ganon paman, sa kabila ng pagbaha ng mga pasaherong pabalik sa Maynila kagabi, inaasahan parin umano ng PCG Caticlan na, simula ngayong tanghali ay kakapal parin ang bilang ng mga pasahero sapagkat ngayon pa lamang babalik ang iba.