Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Sinuspendi ngayon ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) ang lahat ng Environmental Compliance Certificate
(ECC) ng mga may-ari ng establisyemento sa isla ng Boracay.
Sa panayam kay Atty. Richard Fabilla, OIC ng
CENRO-Boracay, ito ang nakapaloob sa ibinabang Memorandum Circular No. 2018-08
ni DENR Sec. Roy Cimatu na inaatasan ang EMB at MBG para masuri kung compliant
ang mga nabigyan nito.
Layunin din kautusan na alamin ang dahilan kung may mga
nalabag na batas pangkalikasan ang mga nabigyan nito na nagdulot ng pagkasira
ng Boracay.
Dagdag pa ni Fabila, ilan sa mga bubusisiin ay ang - Land
Title Tenurial Instrument, Certificate mula sa PENRO Aklan sa status ng project
area, certificate of compliance sa 25+5 meters shoreline at road easement,
Zoning Certificate, survey plan, site development plan, vicinity map or
topographic map, certificate of connection mula sa BIWC, Department of Tourism
endorsement para sa bagong project at Geo Hazard Identification Report para sa
mga building na apat o higit pa na palapag.
Ang hakbang na ito ay upang masiguro muna nila na lahat
ng mga establisyemento ay complaint sa ECC ng DENR bago ang pagbubukas nito sa
October 26.
“Book at their own risks! ”, ito ang dagdag na babala ni
Fabila sa balitang tumatanggap na umano ng bookings ang mga hotel/resort owners
sa isla na hindi pa nakapag-comply at kulang ang mga permits.
Aniya, ang mga may-ari ng hotel ang nakaka-alam kung ano
ang estado ng kanilang ECC kung sila ba ay compliant dahil maliban sa ECC
kailangan din ng mga ito ng certification mula sa DENR bago mag-operate sa
re-opening Boracay.
Kapag matapos na ang gagawing review sa mga ECCs, pwedeng
itong ibalik o kanselahin depende sa lumabas na resulta ng inspeksyon sa isang
establisyemento.
#YesTheBestBoracay
#DENR