Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Magandang balita, dalawang araw na Job Fair ang ikinasa
ng PESO o Malay Public Employment Service Office na gaganapin sa Malay Covered
Court sa darating na Setyembre 28 at 29.
Sa panayam kay Jona Solano Administrative Officer IV ng
PESO Malay, isasagawa ang Job Fair sa kahilingan ng mga establisyemento at mga
hotel na nangangailangan ng empleyado bago ang muling pagbukas ng Boracay.
Aniya, nasa dalampung establishments ang tatanggap ng mga
aplikante sa iba’t-ibang posisyon kung saan prayoridad nilang makakuha ng mga
Malaynon workers.
Ipinunto ni Solano na mas madali ang paghahanap ng
workers sa Malay lalo at may bagong regulasyon ngayon na ipagbawal na ang paupahang-bahay
o boarding house at staff house sa Boracay.
Samantala, paglilinaw ni Solano i-co-comply muna ng mga
trabahante ang kanilang requirements sa bayan ng Malay bago sila makapasok sa
isla para sa kanilang papasukang trabaho.
Ibig sabihin, bawal ang pumasok sa isla para lang
mag-apply ng trabaho.
Payo nito sa mga mag-aaply na magdala ng maraming resume
para magkaroon ng malaking tyansa na ma-hire kapag marami ang pinasahang
establisyemento.