YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 14, 2019

Malay PNP, nilalambat na ang mga trike driver na hindi nagpapasakay ng pasahero

Posted March 14, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
Photo Credits : Malay PNP and MTO
Dahil sa matigas ang ulo at hindi parin nagpapasakay ng pasahero, isang stratehiya ngayon ang ginawa ng Malay PNP upang malambat at makilala ang mga pasaway na driver sa Boracay.

Sa panayam kay PSI Dexter Brigido ng Malay PNP Sub-Station 2, pinaghuhuli nila simula kahapon ang mga tricycle at e-trike na tumatangging magpasakay o kaya hindi namamansin kapag may pumapara.

Ang hindi alam ng mga driver, mga naka-sibilyan na pulis na pala ang pumapara at kapag hindi nagpasakay ay agad tini-timbre sa mga pulis na naka-abang hindi kalayuan para hulihin ang mga ito.

Image may contain: one or more people and people standing

Ang hulihan ay ginawa sa area ng Budgetmart sa D’mall, 24/7 at Balabag Plaza kung saan labing apat na driver’s ang agad ang kanilang nahuli dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance 342-2015 at 383-2018.

Ani Brigido, sinilbihan ang mga ito ng citation ticket na pagbabayarin ng penalidad na P 2, 500, pagkumpiska ng drivers license at labing limang araw na suspension.

Ipinasiguro nito na hindi sila titigil na hulihin ang mga pasaway na drivers hanggat hindi ito tumitino.
Dagdag pa nito, iri-refer nila ang mga nadakip na mga driver sa opisina ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC.

Layun ng hakbang na ito ay upang masawata ang samut-sari at paulit-ulit na reklamo ng publiko kaugnay sa ilang mga tricycle driver na namimili ng pasahero.

Wednesday, March 13, 2019

Bus sumalpok sa puno, siyam na pasahero sugatan

Posted March 13, 2019
Teresa A. Iguid YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
Photo Credit: Donnie Rey Supe
Isinugod sa Ibajay District Hospital ang nasa siyam na pasahero matapos sumalpok sa puno ang isang pampasaherong bus kaninang umaga sa Brgy. Colong-Colong Ibajay.

Sa panayam sa naturang pagamutan, siyam na pasyente ang dinala doon bandang alas nuebe ng umaga kung saan dalawa dito ang ini-refer sa isang ospital sa bayan ng Kalibo dahil sa natamong sugat sa ulo.

Ang mga isinugod sa Kalibo ay sina Paterna Runes, 62-anyos at Devine Elizabeth Runes 15-anyos , kapwa residente ng Agbago, Ibajay.

Sa ngayon ang pitong pasyente ay patuloy pa ring ginagamot dahil sa mga natamong sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan na sina Felesporo Gina, 37-anyos, Adelaida Magalona 59-anyos, Zoren Suan 28-anyos, Jovelyn Solomon 24-anyos, Oliver Bogoy 26-anyos, Joseph Paterno 51-anyos, Mark Nel Villar 25-anyos at pawang mga residente ng Antique.

Batay sa report ang RM Bus Liner ay mula sa Antique at papunta sana sa bayan ng Kalibo nang mawalan ng kontrol ang driver bago sumalpok sa puno ng Mahogany.

Samantala ayon naman kay PO1 George Regalado ng Ibajay PNP, pinaghahanap parin ang tumakas na driver kasama ang konduktor ng naturang bus habang patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Panukalang gawing holiday ang April 26, isinusulong ni SB Maming

Posted March 13, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: outdoorIsang buwan bago gunitain ang unang taong anibersaryo ng pagpapasara ng isla ng Boracay, ipinanukala ngayon ni Sangguniang Bayan Member Lloyd Maming na gawing holiday ang April 26.

Sa kanyang mensaheng ipina-abot sa 9th regular session ng Malay, iminungkahi niya sa plenaryo na gawing holiday ang April 26 sa bayan ng Malay bilang pag-alala ng simulang ipinasara ito at tawaging “Cesspool” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Maming tatawagin itong Environmental Awareness Day sakaling maaprubahang gawing holiday ang naturang petsa.

Suhestyon naman ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron, i-refer muna ito sa Committee on Appropriations upang pag-usapan ng mabuti ang kahilingan ni SB Maming.

Dagdag pa ni Pagsuguiron dapat itong pag-usapan sa komite dahil magiging kumplikado ito sa local holiday ng Malay ngayong March 18 kung saan na ginugunita ang seperasyon ng Romblon sa Panay.

Kaugnay naman nito, iginiit ni SB Frolibar Bautista, na huwag na itong gawing holiday dahil isa lang itong dahilan upang ala-alahanin ang malungkot na nangyari sa isla.

Samantala, kailangan pa ng masusing pag-uusap ng miyembro ng SB Malay kung ito bang panukala ni SB Maming ay ikonsidera.

Estonian Kite boarding Instructor, natagpuang wala ng buhay

Posted March 12, 2019

Image may contain: one or more people, people standing and indoorIsang Estonian national ang nagtagpuang wala ng buhay sa Sitio Diniwid isla ng Boracay kaninang umaga.

Nadiskubre ito bandang alas-diyes ng umaga ng sinubukan itong gisingin ng kaibigan at kapwa kiteboarder sa silid na kaniyang tinutuluyan.

Kinilala ang biktima na si Toomas Teder, 54-anyos at isang kiteboarding instructor.

Sa pagtantiya ng doktor na sumuri, posibleng namatay ito ng madaling-araw.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Malay PNP at SOCO sa totoong sanhi ng pagkamatay ni Teder.

Bagamat posibleng natural death ito, pinayuhan ng SOCO ang mga kaibigan na isailalim sa autopsy ang bangkay.

Tuesday, March 12, 2019

Kiteboarders, tutol sa dagdag na development sa Bolabog Area

Posted March 11, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, sky, ocean, tree, basketball court, cloud, outdoor and natureTutol ang Philippine Kiteboarding Association na lagyan pa ng karagdagang kalsada o anumang development ang area ng Bolabog Beach matapos ang Phase I ng Boracay Rehab.

Sa panayam kay  Ken Nacor, Vice President ng Philippine Kiteborading Association, hindi na umano kailangan na karagdagang development sa lugar dahil maliban sa maliit lang ang kumunidad ng Bolabog ay baka mabago ang imahe nito bilang kitesurfing at windsurfing destination.

Ani Nacor, kilala ngayon ang Bolabog Beach bilang top Kite Surfing destination sa Asya at pang-lima sa Europa.

Dahil hindi naman ito madalas paliguan ng mga turista dahil sa malakas na hangin tuwing amihan, sa paniniwala ni Nacor, ang Bolabog Beach ay para lang sa watersports kaya ang rekomendasyon nila ay i-preserve na lang ito.

Mas delikado rin daw sa mga kite boarders at wind surfers kung maglalagay pa doon ng bagong kalsada mula Bolabog Boulevard tagos sa Ati Village area.

Nabatid na nakipagpulong ang Kiteboarding Association at iba pang watersports operators sa Boracay Inter- Agency Management Group para sa kahilingang ito.

Samantala, ayon kay DENR Usec. Sherwin Rigor ay ipi-presenta nila ito at pag-aaralan bago simulan ang road extension sa lugar.

May sampung establisyementong nabigyan ng Certificate of Compliance na hindi compliant - DENR Usec. Rigor

Posted March 11, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person, sitting and tableIpapasara at ipawalang-bisa ang nasa sampung resort at establisyemento sa Boracay na naunana ng nabigyan ng Certificate of Compliance dahil sa mga irregularidad sa pag-proseso ng compliance ng mga ito.

Ito ang pagbubulgar ni Undersecretary Sherwin Rigor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginawang press noong Sabado.

Ang mga establisyementong ito umano ay inisyuhan na compliance certificate kahit hindi pa nakapag-comply o nakumpleto  mga requirements na hinihiling ng LGU Malay at ng DENR tulad ng easement, STP, at accreditation.

Nabisto ito ng DENR matapos ang isinagawa nilang pangalawang review at monitoring sa lahat ng nabigyan ng Compliance Certificate sa isla.

Kaugnay nito, sisilbihan nila ng notice ang sampung establishments na isara muna ang kanilang negosyo at i-comply lahat ng requirements bago muling mag-operate.

“Bago pa sila binigyan ng permit to operate alam naman nilang hindi sila compliant”, ani Rigor.

Anumang oras ngayon ay isasapubliko ng DENR ang pangalan ng sampung establisyemento.

Kung matatandaan, inatasan noon ni DENR Sec. Roy Cimatu ang EMB (Environmental Management Bureau) at MBG (Mines and Geosciences Bureau) na suriing muli kung compliant ang mga hotel establishments na nabigyan ng Environmental Compliance Certificate (ECC).

Samantala, ang sampung establesyimento na ito ay hiwalay sa naunang mga resort at establisyementong sinilbihan ng notice of demolition noong nakalipas na linggo.