YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 07, 2012

Malay, kinulang sa P305-M na pondo para sa 2013


Kinulang ang lokal na pamahalaan ng Malay sa pondong P305 milyon para sa taong 2013, kaya ginawa ito ngayong P310 milyon.

Sapagkat sa kalagitnaan ng Budget Hearing ay nakitang kulang pa rin ang halagang ito dahil may mga gastusan pa ang LGU sa para sa mga programang pangkapaligiran at sa  Municipal Economic Enterprise Development o MEED.

Kung maaalala ang dalawang ito ay  malaki din ang kontribusyon sa koleksiyon ng LGU dahil ang ilang pasilidad ng LGU sa ilalim ng MEED ay kumikita din mas lalo na ang sa paniningil ng environmental fee sa Cagban at Caticlan Port sa mga turista.

Ito ay kasunod sa ginagawang pagrebyu ng konseho bago aprobahan at ipasa ang pundo at alokasyon ng Malay para sa buong taong ng 2013 ng Sangguniang Bayan.

Kaya kanilang itong binusisi para masigurong tama ang alokasyon sa bawat proyekto na naka-programa para sa susunod na taon.

Katunayan, mismong ang mga Department Head ng bawat departemento ay personal pinatawag sa ginawang Budget hearing ng sa ganon ay sila na ang magpaliwanag kung ano ang nilalaman ng kanilang mga programa.

Kung saan, nitong nakalipas na lingo ay napresenta na sa SB ang pondo para sa 2013 ng bayang ito na 305 milyon.

Ngunit nakita napansing bitin ang halagang ito kaya dinagdagan ngayong ng limang milyong piso pa, upang maging P310 milyon na. #ecm122012

Thursday, December 06, 2012

2012 Tourist Arrival ng Boracay, aasahang aabot ng 1.2 milyon


Malaki ang posibilidad na maabot ang 1.2 milyong tourist arrival sa Boracay ngayong taon.

Sapagkat kulang-kulang 89,000 na lamang o katumabas na isang buwan record ng tourist arrival ay maabot na ang target na ito, gayong may isang buwan pa bago matapos ang taon.

Kung saan sobra na ito para sa taong 2012 target na isang milyong tourist arrival.

Nabatid na buwang ng Oktubre ay naabot ang isang milyong target, at nadagdagan pa ito ngayong nakaraang buwan ng Nobyembre na umabot din sa mahigit 86,000 na libong turista.

Bagamat bumaba ang bilang nitong nagdaang buwan ng Nobyembre kumpara noong buwan ng Oktubre, inaasahan namang tataas ang bilang ng tourist arrival ngayong Disyembre, dahil sa dadagsa ang bisita sa isla sapagkat ang karamihan ay dito na magpa-Pasko at Bagong Taon. 

Paliwanag naman ng Municipal Tourism Office o MTO, bahagyang bumaba ang bilang nitong Nobyembre dahil sa balik eskwelahan at trabaho na ang mga nagbaskyon noong katapusan ng Oktubre kasabay ng pagtatapos ng long week end bago ang Undas.

Samantala, sa kasalukuyan nasa isang milyong at mahigit isang daan at siyam na libo na ang kabuo-ang naitala ng MTO simula noong Enero hanggang Nobyembre. #ecm122012

Boracay, handa na para sa “RS: One Wind Surfing World Championship”


Halos patapos na ang ginagawang paghahanda ngayon para sa gagawing “RS: One Wind Surfing World Championship” na gaganapin dito sa Boracay.

Bagamat may mga kulang pa umano ayon kay Nenette Graf, event coordinator at isang Boracaynon din na international windsurfing champion, tiwala ito na magiging maaayos ang lahat sa gagawing aktibidad sa darating na Disyembre a-10 hanggang a-15 ng taong kasalukuyan.

Sa tulong umano ng lokal na pamahalaan ng Malay at ilang pang sponsor, kampante ito na magiging okay ang siguridad at lugar na pagdadausan ng karera ng mga wind surfer mula sa 15 bansa na tutungo dito sa Boracay.

Dahil sa ang Philippine Coast Guard at ilang awtoridad sa isla ay magbabantay sa gagawing karera, lalo pa at aakupahin sa aktibidad na ito ilang metrong swimming area sa Station 2.

Nabatid mula kay Graf na aasahang 60 malalaro mula sa iba’t ibang bansa ang darating sa Boracay, maliban sa iba pang bisita na mayroong nang mga titulo na pinakamabilis sa larangan ng wind surfing sa buong mundo.

Ayon pa sa Boracaynon Champion, dito masusubok ang diskarte ng bawat manlalaro kung paano nila mapabilis na matapos at maabot ng finish line gamit ang wind surf na pare-pareho ang laki.

Nasa edad na 16 hanggang 21 ang karamihan sa mga sasali sa kompitisyon na kapwa nangangarap na makatungtong sa Olympics kung saan dalawa ang kalahok mula dito sa Boracay sa pagkatao ni Gloria Flores at Sonny Gelito.

Isasagawa umano ang “RS: One Wind Surfing World Championship” dito sa isla dahil sa tinanggap ng Philippine Sports Commission o POC ang hamon na maging venue ang Pilipinas ng event na ito at ang Boracay ang napili nila.

At kapag maganda umano ang kinalabasan ng event ay magiging magandang din ang dulot nito sa turismo ng Boracay. #ecm122012

Pag-angkla sa swimming area sa Station 1, ipinagbabawal na


Ang mga red flags na makikita ilang metro mula sa beach line ng Station 1 sa Boracay ay hindi nanganaghulugang pa-abiso ito na ipinagbabawal ang paliligo.

Sa halip ay inilagay umano ito doon na palatandaang ang nasabing lugar ay “swimming area”, ito ay para masigurong ligtas ang naliligong publiko doon.

Inilagay umano ito doon, hindi gaya sa nakasanayan na dito sa Boracay na kapag itinaas ang red flag ay hudyat na bawal munang maligo.

Paliwanag ni Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao, ang mga pulang flag na ito ay malatandaang hindi na pwedeng pumasok o lumapit sa area na ito ang mga bangka o speed boat, dahil para na sa mga naliligo ang lugar na ito.

Kung maalala, ilang insidente na rin ang nai-ulat na may naliligo sa area na ito ang nahagip ng bangka o kaya ay nai-istorbo sa maya’t-mayang pag-angkla sa lugar na ito.

Dagdag pa Labatiao, iba naman dito ang red flag na tinataas nila kapag delikado ang maligo sa dagat dahil doon naman ito makikita sa station 2.

Inihayag pa ng Supervisor na hindi lang red flag ang ginagamit nila sa ngayon sa pagbigay babala sa mga naliligo sa beach kapag masama ang panahon.

Sapagkat mayroon na rin silang mga signage o karatula na ililalagay sa mga kritikal o lugar na madalas na pinangyayarihan ang pagkalunod. #ecm122012

Dahil sa hindi naisauling iPhone, mag live in partner sa Boracay, timbog sa entrapment operation


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

May  napulot ka bang bagay na hindi sa’yo?

Kung ganoon, mas makabubuting isauli mo ito ng maluwag sa puso.

Kung hindi, baka karmahin ka at ika’y makalaboso.

Ito ang sinapit ng diyes y otso at bente uno anyos na maglive in partner, matapos matimbog ng mga pulis Boracay sa isang entrapment operation kahapon ng hapon.

Ang siste, humingi umano ng trenta mil pisos ang lalaking suspek sa biktima, na isang general manager ng isang resort sa isla, kapalit ng kanyang iPhone.

Nabatid na bandang alas dos din kahapon ng hapon ay nagparekord sa Boracay PNP ang biktima tungkol sa kanyang nawawalang gadget.

Nawala umano ang kanyang iPhone nitong nagdaang Linggo ng madaling araw, nang pumasok ito sa isang disco bar.

Mabilis namang nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad, nang bumalik at muling magsumbong ang biktima sa himpilan ng pulis.

Sa nasabing pagkakataon, itinimbre ng biktima na may lumapit umano sa kanyang lalaki at humingi ng naturang halaga ng pera.

Sa nasabing operasyon ay tinanggap ng maglive in partner ang pera sa mismong opisina ng pinagtatrabahuang resort ng biktima.

Kaagad namang inaresto ang mga suspek at kasalukuyang nasa kostodiya ng Boracay PNP, para sa karampatang disposisyon.

Sa tinutuluyang boarding house naman ng mga suspek narekober ang Iphone ng nasabing manager. 

TIEZA Public Consultation sa Lunes, magiging madugo!


Walang sinumang customer ang may nais na magbayad ng mataas na singil sa mga utilities.

Kaya inaasahan na ni Malay Vice Mayor Ceceron Cawaling na magiging madugo ang Public Consultation na ikinasa ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Ito ay para sa balak nilang pagtaas sa taripa ng paniningil sa serbisyo ng tubig at management ng waste water ng Boracay Island Water Company o BIWC.

Ayon kay Cawaling, nakikinita nito na marami talaga sa mga konsyumer ng BIWC ang magpapa-abot ng kanilang reaksiyon o reklamo dahil sa napakalaking halaga ang idadagdag sa kasalukuyang taripa na ipinapatupad ng BIWC.

Aniya ang 35% hanggang 50% na dagdag sa taripa ay napakabigat sa bulsa at maging siya umano ay hindi nagustuhan ang ganitong increase sa bayarin sa tubig dahil maliban aniya sa residente sa Boracay, malaki din ang epekto nito sa negosyo ng mga investor sa isla.

Dahil dito, inatasaan nito ang kalihim ng Sanggunaiang Bayan na madaliin na ang pag-gawa sa posisyon letter na naglalaman ng pagtutol ng konseho sa balak na dagdag singgil sa tubig ngayong unang araw ng 2013.

Plano kasi ngayon ng konseho na ipakita sa TIEZA na hindi sila sang-ayon dito, kaya sa Public Consultation sana nila ipapaabot ang nilalaman ng kanilang position letter.

Subalit purnada pa ito dahil ni-reschedule ang petsa ng consultation sa darating na Lunes.

Samantala, dahil sa napipintong pagtaas sa singgil ng tubig ng BIWC, nagpanukala naman si SB Member Wilbec Gelito na dapat na ring silipin ng konseho ang nilalaman ng kasunduan ng TIEZA at BIWC.

Ang pahayag ni Cawaling at Gelito ay isinatinig ng dalawa sa gitna ng SB Regular Session noong ika-4 ng Disyembre. #ecm122012

Wednesday, December 05, 2012

Beach sa Boracay ngayon araw, ligtas para sa mga naliligo


Ligtas pa rin ang paliligo sa White Beach ng Boracay ngayong araw kahit nasa Storm Signal # 1 pa rin ang Aklan dahil sa bagyong “Pablo”.

Ito ang inihayag ni Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao sa panayam dito nitong umaga.

Aniya, maliliit lamang ngayon ang alon sa Front beach kaya ligtas ang maligo.

Pero nakaantabay parin aniya ang mga life guard sa beach line para bantayan ang sitwasyon at mabigyan ng babala ang mga turistang naliligo gayong hindi naman umano pwedeng ipagbawal ang paliligo sa Front Beach.

Ngunit sinabi nitong sa ngayon ay hindi muna nila hinahayaang pumunta sa malalim na area ang naliligo o lumayo sa beach line ng may dalawangpu hanggang limangpung metro para sa kaligtasan ng mga ito.

Samantala, mga barangay opisyal, tanod at  Malay Auxiliary Police o MAP naman umano ang binigyan ng responsibilidad para nagbabantay at masigurong ligtas ang mga naliligo sa Puka Beach sa Yapak. #ecm122012

Publiko, pinayuhang huwag mag-panic sa kumakalat na text message; RE: gumagalang killer at rapist sa Boracay


Naaalarma na ngayon ang publiko sa bayan ng Ibajay, Nabas, Malay at maging dito sa Boracay dahil sa kumakalat na text message na may kaugnayan sa napapabalitang rapist na gumagala ngayon.

Kung saan, ang suspek na ito ay pinaghahanap na umano talaga ng pulisya ayon sa hepe ng Ibajay Pulis na si P/S Insp. Frenzy Andrade.

Aniya, may kasong attempted rape at homicide ang suspek dahil sa pagpatay nito sa isang batang babae sa paraan ng pag-sakal dito sa Aquino, Ibajay nitong nakalipas na Nobyembre a-kwatro.

Pero wala umanong dapat na ikatakot at ipag-panic ang publiko kaugnay sa mga nakasaad sa text message na di umano ay kumakatok ang suspek sa mga pamamahay.

Bagamat may mga impormasyon na nakarating sa kanila kaugnay dito, ngunit sa pangu-ngusisa naman umano nila ay negatibo, subalit may mga lugar umano na tinuturo kung saan nakikita ang suspek.

Pinabulaan naman ni P/S Insp. Reynante Matillano, hepe ng Nabas, ang laman ng text message na kumakalat na umano ay may panibagong biktima ang suspek na kinilalang si alyas “Ambay” sa bayan ng Nabas.

Ayon kay Matillano hindi iyon totoo, pero may mga nagsasabi na nakita umano ang suspek sa nasabing bayan.

Dahil dito, pinayuhan ni Matillano ang publiko na huwag paniwalaan ang mga nakakatakot na mensahe gaya ng kumakalat ngayon sa cell phone.

Samantala, dito naman sa Boracay, nitong umaga sa panayam kay P/S Insp. Joeffer Cabural ay pinasiguro nito na walang dapat ikabahala ang publiko dahil, sa imbestigasyon nila ay nakitang wala naman sa isla ang suspek sa ngayon. #ecm122012

Bangka, pinayagan nang lumayag ngayong araw


Balik biyahe na ulit ang mga bangka na may rutang Caticlan-Boracay, pampasahero, pang-cargoes at fast craft man ito.

Ito ang nilinaw ni Lt. Cmdr. Terrence Alsosa, Station Commander ng Philippine Coast Guard Caticlan, dahil sa ipinatupad nila ang “sunrise-to-sunset” na biyahe ng bangka, lalo na at balik na sa storm signal number 1 ang buong probinsiya ng Aklan.

Aniya, nitong umaga ng lumiwanag na ay inabisuhan na nila ang mga bangka na bumiyahe, sapagkat nakita nila na ligtas na rin ang paglalayag para sa mga pasahero.

Ngunit sakaling lumaki umano ang alon at lumakas ang hangin ay pwede uli kanselahin ng PCG ang biyahe.

Inihayag din nito na hangang sa ngayon ay ipinagbabawal muna ang anumang uri ng sea sports activities sa Boracay dala ng masamang panahon dahil sa bagyong “Pablo”.

Samantala, nabatid mula sa Station Commander na mayroon pa ring stranded na pasahero kagabi sa Caticlan Jetty Port papuntang Boracay na umabot sa mahigit 50 pasahero at 40 pasahero ng RORO papuntang Roxas, Oriental Mindoro. #ecm122012

Publiko, walang dapat ikabahala sa mga kumakalat na text message --- P/Insp. Cabural; RE: gumagalang killer at rapist sa Boracay


Pinasiguro ng pulisya sa Boracay na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa mga kumakalat na text message ng di umano’y bagong modus ng masamang elemento.

Sa mga kumakalat na text message, sinasabing may bata diumano na umiikot ngayon sa Boracay na pakawala ng mga masasamang elemento, umiiyak at nagpapahatid pauwi sa kanila, pero sa oras na maihatid umano ito, patibong pala iyon dahil may naghihintay na grupo ng mga taong may masasama ang balak.

Ayon kay Boracay PNP Chief P/Insp. Joeffer Cabural, tila malayong mangyari ang gaya sa kumakalat na text messages dahil napakaliit lamang ng Boracay para sa ganitong gawain o modus.

Maliban dito, wala din anya silang naitala kaugnay o katulad sa nakasaad sa kumakalat na balita sa cellphone sapagkat naririyan lamang din umano ang mga pulis sa paligid na anumang oras ay maaaring lapitan kapag kailangan ng tulong.

Pero ang bagay na ito ay hindi minaliit ni Cabural at wala umanong dapat na ikatakot ang publiko.

Maliban dito, isa pang nakaka-alarmang mensahe ang kumakalat ngayon sa text na mayroong isang rapist diumano ang gumagala din dito sa Boracay at may nabiktima na ito sa bayan ng Ibajay, Nabas at maging sa Caticlan. #ecm122012

Tuesday, December 04, 2012

WEATHER UPDATE: Boracay, pasok na sa storm signal number 2; RE: Bagyong Pablo


Bandang alas-singko y media ng hapon ay nagpahayag na ang Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan na nasa storm signal number 2 na ang Aklan kasama na ang isla ng Boracay.

Dahil dito, ipinababatid ng PCG Caticlan sa publiko na hindi na pinapayagan ang paglalayag ng anumang motorized water vehicle, lalo na ang mga bangka, na pumalaot upang makaiwas sa sakuna.

Nangangahulugan na kanselado pa rin ang biyahe ng mga bangka at cargo vessels hanggang sa muling advisory ng PCG Caticlan.

Biyahe ng bangka bukas, posibleng ibalik depende sa panahon


Dahil nasa storm warning signal # 1 pa rin ang Aklan, ipapatupad parin ng Philippine Coast Guard o PCG Caticlan ang “sun rise to sunset” sa biyahe ng bangka.

Kung kaya’t nitong hapon ay kinansela ulit ang biyahe ng lahat ng pampasahero at pang cargoes na bangka naging ang fast craft na may rutang Caticlan-Boracay.

Subalit nabatid mula sa PCG Caticlan na bukas ng umaga kapag maayos parin ang lagay ng panahon kahit nasa signal number parin ang buong probinsiya, may posibilidad na ibabalik nanaman ang biyahe ng bangka.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay kanselado parin ang biyahe ng barkong pan-RORO papuntang Roxas, Oriental Mindoro.

Matatandaang nitong alas singko ng hapon, sa kalatas na ipinalabas ng pamunuan Caticlan Jetty Port muling sinuspende  ang biyahe ng bangka. #ecm122012

MDRRMC ng Malay, naka-alerto na; RE: bagyong Pablo


Inako ni Vice Mayor Ceceron Cawaling ang responsibilidad bilang Chairman ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC kapalit ni Malay Mayor John Yap.

Sapagkat ngayong naghahanda ang buong bayan sa posibleng pananalasa ng bagyong Pablo, nagkataon din na nake-leave si Yap.

Kaya bilang Bise Alkalde ay si Cawaling na muna ang umakto sa posisyon ni Yap na Chairman ng MDRRMC gayong si Cawaling ang acting mayor sa ngayon ng bayan hanggang sa makabalik mula sa biyahe si Yap.

Dahil dito, bukas ay nakatakda na kausapin umano ni Cawaling ang miyembro ng council upang mapag-usapan at ma-plano ang mga dapat gawing paghahanda para sa pananalasa ng bagyo.

Samantala, inihayag naman ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero Chairman ng Committee on Public Safety na sa kasalukuyan ay nakapag-simula na ring gumalaw o naka alerto na rin ang MDRRMC ng Malay. #ecm122012

Mga paaralan sa Malay at Boracay, nakaantabay sa takbo ng panahon


Nagmamatyag na ngayon sa panahon ang mga paaralan sa Malay at Boracay para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral ngayong nasa storm signal number 1 na ang Aklan dahil kay Bagyong Pablo.

Nabatid mula sa tanggapan ng DepEd Malay na kapag tumuntong na sa signal number 2 ang storm signal, ipapatupad na rin nila ang DepEd order sa pagkakansela ng klase na otomatik ay wala nang pasok kapag umabot na ito sa signal number 2.

Isa din umano sa tinitignan ng mga guro ngayon ay ang sitwasyon ng lugar nila kung delikado sa mga estudyante, at siyang rason din para i-kansela ang klase maliban sa masamang panahon.

Samantala, nilinaw naman ng DepEd Malay na mayroon pa ring klase ang mga estudyante sa buong bayan kasama na ang isla ng Boracay.

Napag-alaman din na sa kasalukuyan, ang pamunuan ng Balabag Elementary School ay nagpahayag na sakaling sumama ang panahon, anumang oras ay posibleng kanselahin din nila ang mga klase.

Sa ngayon ay naka-monitor umano ang mga guro sa radyo at telebisyon para malaman ang sitwasyon o estado ng panahon na siyang basehan sa pag-kansela ng klase. #ecm122012

Oryentasyon para sa mga front desk officers sa Boracay, ikinasa ng Malay Tourism Office


Inimbitahan ng MTO o Malay Tourism Office ang mga kawani ng mga Hotel at Resort sa Boracay lalo na ang mga FO o Front Desk Officers para ipresenta ang mga programa at estadong turismo sa Boracay.

Inilatag ni Felix Delos Santos, Chief Tourism Officer ng LGU-Malay ang ilan sa mga nakalinyadang hakbangin ng kanyang opisina para sa pagpapalakas lalo ng turismo sa isla.

Ilan dito ang mga seminars sa iba’t-ibang sector na may direktang pakikisalamuha sa mga turista .

Kung saan ang mga front desk officers na mga dumalo ay may mahalagang tungkulin at partisipasyon para sa matatag na turismo.

Dinaluhan din ang aktibidad ni Boracay Administrator Glenn Sacapano at ilang opisyal ng LGU-Malay kasama ang mga stakeholders ng BFI at Boracay Chamber of Commerce.

Ang oryentasyon ay sinimulan nitong umaga na may dalawang batch na kung saan ang susunod na batch ay mamayang hapon isasalang. #apsr122012

BTAC Police, nadagdagan na


Dagdag seguridad ang sinisiguro ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.

Dahil apatnapung Pulis ang nadagdag ngayon sa Boracay Pulis mula sa Regional Public Safety Company ayon kay P/S Inspector Joeffer Cabural, Hepe ng BTAC.

Nabatid din mula dito na ang dagdag na bilang ng pulis na ito ay hindi lamang augmentation, kundi aasahang tatagal na umano ang mga ito dito dahil gagawin nang organic police ng isla. 

Dahil dito, aabot na aniya sa isang daang at dalawampu’t anim ang lahat ng Pulis sa Boracay.

Matatandaang, ang karagdagang personnel na ito sa BTAC ay matagal na ring hiniling, para mapunuan ang kakulangan ng otoridad sa Boracay. #ecm122012

Mahigit isang daang pasahero, na-stranded pa rin sa Caticlan Jetty Port


Sa kabila ng maagang advisory na ipinalabas ng PAGASA at pa-abiso ng Caticlan Jetty Port ng itigil ang biyahe ng bangka kahapon dahil sa bagyong Pablo, hindi pa rin naiwasang mayroong mga na-stranded sa Jetty Port kagabi at doon na inumaga sa holding area.

Nabatid mula kay Lt. Comdr Terence Alsosa, Station Commander ng Philippine Coast Guard Caticlan, na nakapagtala parin ng isang daan at anim na put anim na pasahero ang na-stranded papuntang Boracay.

Pero nitong umaga ay naisakay na rin lahat sa bangka patawid ng isla.

Samantala, 18 naman ang pasahero na hindi nakatawid papuntang Roxas Oriental Mindoro dahil simula kahapon hanggang ngayon araw ay kanselado parin ang biyahe ng RORO.

Naniniwala si Alsosa na ang 18 na ito ay possible umanong kinulang sa impormasyon kaugnay sa bagyo kaya dumiritso parin sa Jetty Port.

Samantala, maliit lamang ang bilang ng na stranded na pasahero ng RORO, dahil kahapon palang umano ng hapon ay pinabalik na ang mga RORO bus kung saan lulan ang mga pasahero papuntang Roxas Mindoro. #ecm122012

Biyahe ng bangka, balik na, pero maaaring makansela anumang oras --- Coast Guard


Balik biyahe na ang mga pampasaherong bangka na may rutang Caticlan-Boracay epektibo ngayong 5:45 ng umaga.

Ito ay makaraang kanselahin ang biyahe ng bangka bandang alas-5:30 ng hapon kahapon, matapos sa isinailalim sa Storm Signal #1 ang probinsiya ng Aklan kasama na ang isla ng Boracay.

Dahil dito, sunrise to sunset na biyahe ng bangka ang ipinatupad sa Boracay alinsunod sa kautusan ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Lt. Cmdr. Terence Alsosa, Station Commander ng PCG Caticlan, ibinalik ang biyahe ng bangla ngayong araw sa kabila ng storm signal number 1.

Ito ay dahil nakita nilang maayos pa naman ang panahon dito at hindi pa ganoon kalakas ang galaw ng dagat.

Subalit kapag tumaas na umano sa signal number 2 kahit ganito parin ang panahon ay awtomatikong ikakansela nanaman nila ang beyahe sa lahat na sasakyang pandagat na ito.

Dagdag pa nito, ano mang oras ngayon araw ay pwede nilang makansela ulit ang biyahe depende sa takbo ng panahon.

Nabatid din mula kay Alsosa na hanggang sa ngayon ay kanselado parin ang operasyon ng Sea Sports activity sa Boracay, dahil hindi muna nila ito pinayagan ng Coast Guard dala ng bagyong Pablo, at para sa kaligtasan umano ng lahat.

Samantala, nilinaw nito na hindi naman ipinagbabawal ang paliligo sa beach ngayong araw dahil tiwala ito na may mga nakabantay naman life guard, na kapag sumama umano ang panahon ay maaaring paalalahanan nalang ang mga naliligo sa beach.

Paliwanag ng opisyal, wala kasing lokal na ordinansa na nagbabawal maligo sa beach kapag may parating na bagyo. #ecm122012

Biyahe sa KIA, tuloy pa rin


Naabisuhan na umano ng Kalibo International Airport o KIA ang mga airline company.

Ayon kay Engr. Percy Malonesio, KIA manager, sinabihan na nila ang kumpaniya ng mga eroplanong lumalapag doon kaugnay sa pagkasansela ng biyahe ng mga bangka patawid sa Boracay simula kahapon ng alas-5:30 ng hapon.

Layunin umano nila na ipaalam din ng mga airline company na ito sa kanilang mga pasahero ang sitwasyon kung bakit ikinansela ang biyahe dito.

Ito ay upang hindi na tumuloy pa sa pagtungo sa Caticlan at mapaghandaan ng hindi na ma-stranded pa ang mga ito sa Jetty Port.

Ganoon pa man, nilinaw ni Malonesio na tuloy parin ang biyahe ng mga eroplano doon hangga’t maganda pa ang panahon at kaya pa ng paliparan na tumanggap ng mga lumalapag at umaalis na eroplano.

Paliwanag ng Manager, bahala na di umano ang mga airline company kung paano nila isasakay ang kanilang mga pasahero papuntang Boracay dahil hindi na saklaw ito ng KIA. #ecm122012

BTAC, nakatanggap ng “Medalya ng Kasanayan”


Ginawaran ng award kahapon ika-3 ng Disyembre ang Boracay Tourist Assistance Center ng “Medalya ng Kasanayan”.

Personal itong tinanggap ni P/S Inspector Joeffer Cabural, Hepe ng BTAC na inabot sa kanila mismo ni Western Visayas Regional Police Director Agrimero Cruz.

Kasama ang ilang pang opisyal ng BTAC at Aklan Provincial Intelligence Branch Operatives o PIBO, iginawad sa mga ito ang medalya, na kumikilala sa kanilang magandang ipinakita sa larangan ng serbisyo.

Partikular ang pagsanib puwersa ng BTAC at PIBO na mahuli kamakailan lamang ang grupo ni Jovie Chris Deloquines ng Villa Arevalo, Iloilo sa Tambisaan Manoc-manoc at makuha sa posisyon ng mga ito ang mahigit anminapung sachet ng shabu at isang baril.

Isinagawa ang awarding sa Regional Office kahapon ng umaga. #ecm122012

Monday, December 03, 2012

Naliligong Chinese National sa Boracay, nalunod matapos atakihin ng sakit sa puso, patay


Ni Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Alas-9 ng umaga, iniwan ng biktima at ng kanyang asawa ang tinutuluyang resort.

Alas-9:30, dumating sila sa station 2 upang maligo sa beach.

Alas-10:30, isinugod na ang biktima sa isang klinika, kung saan din ito idineklarang dead on arrival.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang 27 anyos na biktimang si Ming Xiu ng Shanghai, China.

Nalunod umano kasi ito, habang naliligo doon.

Sinasabing buntis umano ang babae, dahilan upang mag-isa na lamang na naligo at nag-snorkling ang kanyang mister.

Nabahala umano ang asawa nito, nang kanyang mapansing hindi kumikilos ang lalaki doon sa tubig, matapos niya itong tawagin ng ilang beses.

Nagkataon namang may mga lifeguard na naroon, kung kaya’t kaagad nagpasaklolo ang asawa ng biktima.

Ayon naman sa lifeguard na si Jeffrey Tapel, kaagad nilang kinuha mula sa mahigit kumulang pitong metrong layo sa dalampasigan ang lalaki, binigyan ng pangunang lunas, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Labis na pagdadalamhati naman ang naramdaman ng babae, makaraang idineklarang dead on arrival ni Dra. Larissa Yadao ang kanyang asawa.

Napag-alamang cardio respiratory arrest secondary to massive pulmonary congestion, secondary to drowning o atake sa puso ang ikinasawi ng nasabing Chinese national.

Sea sports at biyahe ng bangka sa Boracay, itinigil na dahil kay “Pablo”


Epektibo ngayong alas 5:30 ng hapon, ika-3 ng Disyembre, kanselado na ang biyahe ng mga bangka na may rutang Caticlan-Boracay.

Ito ay sa kabila ng maaliwalas na panahon na nararanasan dito, pero isinailim na Storm signal # 1 ng PAGASA ang Aklan kasama na ang Boracay dahil sa papalapit na bagyong “Pablo”.

Kasunod nito, nagkasundo na ang lokal na pamahalaan ng Malay, probinsiya at maging ang Philippine Coast Guard sa Caticlan na itigil muna pansamatala ang biyahe ng bangka para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Sa opisyal na kalatas na ipinalabas ng Caticlan Jetty Port Public Information Officer Marce Bernabe, simula alas singko y medya ngayon hapaon ay wala ng biyehe ang lahat ng bangka at maging ang fast craft.

Nilinaw din nitong wala na ring biyahe mga barkong pang-RORO simula nitong hapon.

Samantala, sa bahagi naman ng Coast Guard, ipinatigil na rin ang kawaning ito ang iba’t ibang sea sports sa Boracay para maiwasan ang sakuna. #ecm122012

Mutya at Lakan ng Kalibo Ati-atihan, lulusubin ang Boracay


Hindi man sa Boracay gagawin ang mery making ng Kalibo Ati-atihan Festival, pero magiging bahagi naman ang Boracay Festival ngayon taon ng 2013.

Sapagkat maliban sa inaasahang dito sa isla magmumula ang karamihan sa mga turistang dayuhan na pupunta doon.

Ang Boracay naman ang napili ng KASAFI o Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. na venue kung saan gagawin ang pictorial para Mutya ag Lakan it Kalibo Ati-atihan sa darating na ika-16 ng Disyembre na isa sa mga highlight sa selebrasyon.  

Dahil dito, aasahang masisilayan at ipaparada sa Boracay ang mga kandidato at kandidata ng Beauty Pageant na kokoronahan sa darating na ika-11 ng Enero taong 2013.

Ito ang nabatid mula kay KASAFI Chairman Albert Meñez, kasabay ng pang-iimbita nito sa lahat na maki-bahagi sa taunang selibrasyo ng Kapiyestahan ni Sr. Sto. Niño.

Ang Ati-atihan ay sa Kalibo ay magsisimula sa ika-11 hanggang ika- 20 ng Enero ng taong 2013.  #ecm122012

Taripa sa tatlong pasilidad ng LGU Malay, niluluto na


Tatlong ordinansa ngayon ang niluluto ng Sanggauniang Bayan ng Malay at itinakda para sa pagkakaroon ng Public Hearing.

Dahil sa mayroong koleksiyon na mangyayari partikular sa bawat serbisyong ibibigay ng tatlong bagong pasilidad na ito ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Una dito, isinalang na sa Committee Report sa SB ang ordinansa kung saan nakalatag  ang taripa sa paniningil ng lokal na pamahalaan bawat gamit ng palisidad sa Water Laboratory sa Boracay, Birthing Clinic o klinikang panganakan sa main land Malay, Boracay at isa pa sa Caticlan na balak palang idagdag, gayon din sa Municipal Slaughter House.

Sakaling matapos na ang Public Hearing at maaprobahan na ang ordinansang ito, obligado na rin ang mga tumatangkilik sa serbisyon ng tatlong pasilidad na ito na bayaran ang halaga  na nakasaad sa taripa na naaayon sa ordinansa, kapalit ng serbisyo at paggamit sa pasilidad na ito.

Matatandaang ang Water Laboratory sa Boracay, Birthing Clinic at Municipal Slaughter House sa bayan ng Malay  ay ang LGU ang nagbibigay ng pondo para sa operasyon at maintenance ng pasilidad. #ecm122012

Sitwasyon ng Kalibo International Airport, ikinahihiya na


Mismong ang mga opisyales na ng probinsiya ng Aklan ang nahihiya para sa kalagayan ng Kalibo International Airport o KIA.

Sapagkat umalma na ang ito sa kasalukuyang kondisyon ng paliparan, kung saan di umano ang pasilidad ay hindi na kagandahan para sa mata ng mga turista na tumutungo sa Boracay.

Mismong si  KIA Manager Percy Malonesio na rin ang nagsabi na ang lokal na opisyal ng probinsiya ay nagpaabot na rin ng reklamo sa nakakahiyang kalagayan at kaayusan, lalo na sa sitwasyon ng palikuran, at passenger terminal na mala sardinas sa sikip.

Dahil dito, para sa pansamantalang solusyon ay magbabawas nalang muna umano sila ng flights para maiwasan din ang traffic sa terminal.

Una dito, isang Linggo pa lamang ang nakakalipas ng ihayag ni Malonesio na nitong mga nagdaang linggo ay dagsa na talaga ang pasahero dahil halos sabay-sabay magsidatingan ang eroplanong pangdomestic at international gayon din ang pag-alis ng mga ito kaya nabubulunan ang passenger terminal.

Kung saan, itinuro naman ng Manager ang hindi pa tapos sa renobasyon na ginagawa ng Department of Transportation and Communication o DOTC sa gusali ng KIA sa kasalukuyan. #ecm122012

Mas mataas na taripa para sa Waste Water na di konektado sa BIWC, ipinaliwanag


Mas mataas na taripa ang babayaran sa Waste Water management ng isang establishemento sa Boracay Island Water Company o BIWC na konektado sa ibang water company.

Ito ang nilinaw ni Acs Aldaba, Customer Service Officer ng BIWC, sa panayam dito kaugnay sa taripang nakasaad sa Notice to the Public ng TIEZA kasunod ng ikakasa nilang Public Consultation sa darating na ika-lima ng Disyembre.

Ayon kay Aldaba, ang times 5 na rate na ito ay nasa pulisiya talaga ng Boracay Water Sewerage System o BWSS kapag ang isang establishemento ay konektado sa ibang kumpaniya ng tubig.

Dahil dito, hinikayat ni Aldaba ang mga kunsumidor o publiko sa Boracay na dumalo sa kunsultasyon sa ika-5 ng buwang ito para lubos na maunawan ang kaugnay dito.

Aniya ang Public Consultation ay ipinatawag ng TIEZA Regulatory sa Boracay, na siyang inatasan para magbantay sa operasyon at serbisyo ng BIWC. #ecm122012

Kasangga Partylist ni Rep. Teodorico Haresco, nasa final list na ng Comelec


Pasok na sa listahan ng Comelec ng mga kwalipikadong Partylist para sa 2013 election ang Partylist na katuwang ng pamahalaan ng Aklan, ang “Kasangga sa Kaunlaran” na pinamumunuan ng isang Aklanon na si Rep. Teodorico Haresco.

Ito ay makaraang ipalabas na ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes ang opisyal na listahan ng mga Partylist na kasali sa pagpipilian sa darating na Mayo 2013 elections.

Kung saan, maging ang agam-agam ng Aklanon at ni Aklan Governor Carlito Marquez ay na sagot na rin, makaraang dumaan sa kontrobersiya at pinaimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee ang Partylist na ito.

Maaalala na inireklamo ni Kontra Daya Fr. Jo Dizon ang Kasangga at hiniling nito sa kaniyang petisyon na tanggalin na sa listahan ng marginalized sector ang grupo na ito, kung saan di umano ang pinuno na si Haresco ay iniuugnay sa kontroberisya ng dating adminstrasyon.

Dagdagan pa na di umano ay hindi pwede ang Aklanong kongresista na ito sa pwesto gayong mayaman o bilyonaryo ito, taliwas sa alituntunin na ipinapatupad para sa kwalipikasyon ng isang Representante ng Partylist.

Si Haresco ay isa sa tatakbo bilang Kongresista ng Aklan, samantala 1st nominee si Governor Marquez para pamunuan ang Kasangga sa Kaunlaran partylist. #ecm122012

KASAFI, balak kausapin ang mga stakeholders sa Boracay


Aminado ang organizer ng Kalibo Ati-atihan na paunti-unti nang naglalaho ang mga turistang dayuhan sa selibrasyon ng Kalibo Ati-atihan Festival.

Kaya balak ngayon ni Sto. Nino Ati-Atihan Foundation, Inc. o KASAFI Chairman Albert Meñez na makumbinsi ang mga turista sa Boracay na maki-bahagi din sa pagdiriwang nga Kalibo Ati-atihan.

Dahil dito nasa plano na rin umano ni Meñez na kausapin ang mga stakeholder sa isla sa pamamagitan ng kanilang grupo na Boracay Foundation Incorporated o BFI at maging ang Boracay Chamber of Commerce and Industry o BCCI.

Ganoon pa man kung tutuusin aniya ay hindi na kailangan sana ng promosyon para sa selibrasyong ito sa isla, dahil naririto na sa Boracay, Aklan ang mga dayuhan, maliban sa bahagi din ng probinsiya ang Kalibo at doon din ang mga turistang ito dumadaan sa Kalibo International Airport.

Samantala, dahil sa Enero na gaganapin ang Ati-atihan at kasama sa inaabangan ang Ms. at Mr. Ati-atihan sa darating namang ika-16 ng Disyembre ay dito sa Boracay gaganapin ang pictorial para sa swim suit competition. #ecm122012

Buhangin ng Boracay, napalitan ng plaque ng pasasalamat


Buhangin ng kunin, pero ng ibalik may kasama nang Plaque para sa Boracay.

Ito ay dahil kasabay ng turn over ceremony sa pagbabalik ng buhanging ginamit ng Department of Tourism o DoT sa International Expo 2012 sa South Korea, bitbit din ng DoT partikular ni Philippine Pavilion Director Gwendolyn Batoon ang Plaque para kay Malay Mayor John Yap na tinangap naman ni Municipal Tourism Chief Operation Officer Felix delos Santos.

Kasabay nito ipinagmalaki ni Batoon ang naitulong ng buhangin ng isla sa isinagawang tatlong buwang Expo na nagsimula noong ika-12 ng Mayo at nagtapos nitong ika-12 ng Agusto taong 2012.

Kung saan sa Expo ang titulo ng Pilipinas  ay “Island of Diversity – Seas of Connectivity” at milyong tao umano ang napahangga doon, maging sa buhangin ng Boracay kung saan dinisplay dahil sa pino at taglay na kaputian.

Hindi rin umano maitatanggi na kilala talaga ang Boracay pagdating sa Korea.

Ang plake ng pasasalamat na ibinigay ng DoT kay Mayor Yap ay dahil na rin sa nakakuha ng dalawang award na kinabibilanagn ng “creative display at theme development” ang Pilipinas mula sa 11 na bansang nakilahok doon. #ecm122012

Buhangin ng Boracay na ginamit sa Expo 2012 sa South Korea, ibinalik na


Hiram lamang ang mga buhangin, kaya ibinalik ito sa Boracay kung saan kinuha.

Kaya saku-sakong mapuputing buhangin ang ibihuhos sa dalampasigan noong ika-29 ng Nobyembre sa isinagawang seremonya kung saan pormal nang ibinalik sa isla ang  ginamit na buhangin sa International Expo 2012 na isinagawa sa Yeosu, South Korea.

Bagamat naging issue sa bahagi ni dating Department of Tourism o DoT Boracay Officer Judith Icutanim ang pagkuha ng mga nasabing buhangin sa isla, napalitan naman ito nang marami at positibong papuri mula sa iba’t ibang lahi na dumalo sa Expo.

Kung saan ang mga buhanging ito ay isa umano sa naging sentro ng mga mata ng dayuhan, dahil sa batid nila na nagmula ito sa Boracay na siyang kinikilalang “Best Beach in the World”.

Nahikayat umano ng buhanging ito ang milyong-milyong tao sa Expo, dahil sa maputi at pino nitong katangian, kaya halos ay pinaglalaruan nila ito doon.

Ganoon pa man, dahil sa mahalaga umano ang buhanging ito sa Boracay at kailangang protektahan, ano man kalayo ang pinagdalhan dito ay hinanapan talaga ng paraan para maisakay sa barko at maibalik lamang ito sa Boracay.

Sa presensiya ni Municipal Tourism Chief Operation Officer Felix delos Santos, mga miyembro ng Malay Auxiliary Police o MAP, at ilang pang sumaksi doon ay ibinalik sa front beach sa Station 1 ang buhangin sa pangunguna ni Philippine Pavilion Director Gwendolyn Batoon ng DoT, kasama si Icutanim at DoT-Boracay OIC  Tim Ticar.

Matatandaang una nang binatikos si Icutanim bago paman ang Expo dahil sa hinuli ito ng MAP nang ma-aktuhang pinapala at nilalagay sa sako ang buhangin.

Pero nitong hapon nilinaw ng dating DoT Officer sa Boracay na may sapat naman silang dokumeto bago nila ito ginawa, at sa paniniwala ni Batoon ay may miscommunication lamang na nangyari noon. #ecm122012