Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Photo (C) Malay Transportation Office / Cesar Oczon |
Nag-implemeta na
ng pag phase-out ng mga tradisyonal na traysikel ang Transportation Office ng Malay
nitong katapusan ng Mayo.
Ito ang unang batch ng mga traysikel na hindi na
papayagang mamasada pagkatapos na ang franchise holder ng mga unit ay kumuha na
ng E-trike noong 2017.
Sa Executive Order No. 007-2018 ng Office The Mayor,
simula buwan ng Septyembre ay pagbawalan na rin mamasada ang mga prangkisa na
kumuha ng E-trike ngayong 2018 kabilang ang mga hindi pa tumatangkilik sa
E-trike Program ng LGU-Malay.
Kaya muling ipina-alala ngayon ng Malay Transportation
Office o MTO sa mga operators at drivers ang pagkuha ng E-trike dahil simula
Setyembre phase out na ang traysikel sa isla ng Boracay.
195 palang kase ang first batch ng mga franchise holder na
bumili ng E-trike noong 2017 habang sa taong ito ay dalamput walo at nasa 314
pa ang hindi pa nakapagkuha nito.
Inabisuhan din ni Tarnsporation Officer Cesar Oczon ang
mga may-ari ng traysikel na kumuha na ng E-trike upang hindi sila mahirapan sa
oras na maipatupad na ito.
Dagdag pa ni Oczon may limang E-trike supplier ang pwede
nilang kausapin para sa kukuning unit at ito ang Bemac, Prozza, Tojo, Gerweiss,
at Star 8.
Samantala, layunin
nitong kautusan na mabawasan ang trapiko sa Boracay at ang problemang hatid ng
maruming hangin o air pollution.
#YesTheBestBoracayNEWS