YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 28, 2012

Walang establishemento na exempted sa pagbibigay ng resibo --- BIR

Kahit simpleng establishimiyento ng ukay-ukay ay hindi exempted sa pagbibigay ng resibo sa mga mamimili.

Ito ang nilinaw ni Revenue District Officer Ricardo Osorio, ng Bureau of Internal Revenue o BIR Aklan, kasunod nang pagdagsa ng mga mamimili lalo na ngayong magpa-Pasko na.

Kaya hinihikayat pa rin nito ang mga establishemento na mag-issue ng resibo at official receipt sa mga may binili na hindi bababa sa P100.00.

Kaya pinapaigting parin umano nila ang kumpaniya kaugnay sa pagbibigay ng resibo sa bawat customer na bumibili sa mga establishimiyento para malaman at mabilang ang aktuwal na buwis na dapat kukolektahin ng BIR.

Inihayag din nito na mahalaga umano ngayon sa BIR na maibalik ang tiwala ng mga taxpayer sa kawani.

Ipinagmalaki din nito na naging maganda na ang relasyon ng BIR at mga negosyanteng dayuhan dito sa isla ng Boracay pagdating sa pagbabayad ng buwis. dahil sa madalas umanong pagpupulong na ginagawa ng BIR sa mga bookkeeper at accountant ng mga negosyanteng ito sa isla.

Kung maaalala, taon ng 2011 ay ilang establishemento sa Boracay ang nakandalo ng BIR dahil sa huli sa pagbabayad ng buwis at hindi agad naayos ang ilang dokumento, sapagkat mga dayuhan ang karamihan sa may-ari. #ecm112012

Garbage Fee at Business Tax, rason ng pagtaas ng koleksiyon ng LGU Malay

Garbage Fee at Business Tax.

Ang dalawang nabanggit ang may pangunahing kontribusyon sa koleksiyon ng lokal na pamahalaan ng Malay kaya naabot ang P305 milyon na pondo para sa buong taon ng 2013 mula sa kasalukuyang taon ng 2012 na mahigit P280 million.

Ito ang nabatid mula sa Municipal Treasurers Office kay Municipal Treasurer Dediosa Dioso sa isang eksklusibong panayam.

Aniya, ang bayad ng mga stakeholder at residente sa Boracay sa garbage fee at buwis mula sa mga negosyo ang mga pangunahing contributor sa lumaking koleksiyon ng LGU Malay.

Aminado din si Dioso na malaki din ang naitulong ng mahigpit na implemantasyon ng mga ordinansa sa Boracay, sapagkat malaki rin ang nakoleksiyong naipasok sa cavan ng ng bayan mula sa mga fines at penalty.

Samantala, ipinaliwanag din nito na ang 75% ng koleksiyon mula sa Environmental Fee sa Caticlan at Cagban Jetty ay napupunta sa gastusin ng Solid Waste Management, habang ang natitirang 25% ay para naman sa Programa ng Municipal Tourism at Environment.

Kung maaalala, ang pamahalaang probinsiya ng Aklan at LGU Malay at naghahati sa koleksiyon mula sa Environmental Fee, kung saan 15% ang napupunta sa probinsiya at 85% sa LGU Malay. #ecm112012

BIR Aklan, nakapagkolekta na ng mahigit 1.14 billion sa buwan ng Oktubre

Nalampasan na ang billion mark collection ng Bureau of Internal Revenue o BIR-Aklan dalawang buwan matapos taong ng 2012.

Dahil buwan pa lang ng Oktubre ayon kay Aklan Revenue District Officer (RDO) Ricardo Osorio, naabot na ng kawaning ito ang mahigit P1.14 billion.

Kung titingnan sa target collection ng BIR mula buwan ng Enero hanggang Oktobre ng taong ito ay tinataya lamang na aabot sa P752 million.

Subalit nalampasan pa ng BIR ang target collection para sa buong taong ng 2012, na P913 million lamang dahil nasa P1.14 billion na sila ngayon.

Ganoon pa man, natutuwa ito sa magandang collection performance ng BIR dahil sa ngayong nagdaang buwan ng Oktubre palang ay umabot na sa 63.88% ang itinaas ng koleksiyon nila kung ikukumpara noong nagdaang taon na katulad na period kung saan mahigit isang daang milyong piso ang idinagdag sa kanilang koleksiyon ngayon.

Samantala, sa kanilang pagtaya, sa nalalabing buwan na ito ng Nobyembre at Disyembre, kapag makolekta ang lahat aasahang aabot pa ng P150 million, at ito ngayon ang sinisikap nilang maabot. #ecm112012

SB Malay, naalarma sa rate increase ng BIWC

Naalarma ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa napipintong pagtataas sa taripa ng singil sa tubig sa BIWC.

Ito ay makaraang ihinayag ni SB Member Dante Pagsuguiron ang balak na increase sa singil ng BIWC sa serbisyo ng kanilang tubig at waste water na inaasahang ipapatupad na sa a-uno ng Enero ng susunod na taon.

Sa binasang Notice of Public Hearing ni Pagsuguiron mula sa TIEZA para darating na ika-anim ng Disyembre, nakasaad doon ang mga proposed rate para sa water services at waste water na nakatakdang ipatupad sa unang araw ng taong 2013.

Umalma ang nasabing SB member dahil ang tatlumpu’t-limang porsiyento umano na increase na ito ay nasakit para sa bulsa ng mga konsyumer at dagdag pasanin din sa mga negosyante sa Boracay.

Dahil dito, nagmungkahi si SB Member Rowen Aguirre na gumawa ng position letter ang konseho kung saan nakasaad ang kanilang pagtutol sa balak na pagtataas sa singil ng BIWC.

Balak din ng SB na imbitahan sa sesyon ang Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) na siyang regulatory body ng BIWC kaugnay sa usapin.

Layunin dito ng SB ay maprotektahan ang interes ng mga konsyumer sa Boracay. #ecm112012

Kultura ng Koreans, ilalatag sa mga Pilipino para sa malusog na turismo ng Boracay

Kultura ng mga Koreans, ilalatag sa mga Pilipino para sa malusog na turismo ng Boracay.

Kaya ikinasa ang seminar para sa sapat na edukasyon hinggil sa kultura, buhay at ugali ng mga Koreans.

Ito ang nilalaman ng dalawang araw na simenar, na ikinasa ng Department of Tourism o DoT Boracay, kasunod ng lumalaki pang bilang ng Korean tourist arrival sa isla ito.

Suportado ng ASEAN National Tourism Organizations ang programang ito, sa layuning madagdagan ang kaalaman at antas ukol sa Human Resources Development o HRD gayong ang Boracay ay isang kilalang international tourist destination.

Sa programang ito, ipapaintindi sa paraan ng mga lecture at film viewing ang, kultura, turismo at wika ng mga Koreans, pati ang life style, para lubos na maunawaan lalo na ng mga front liners na nagbibigay serbisyo sa mga ito ang mga bagay na negatibo at positibo sa ganitong uri ng lahi.

Ang seminar na ito ay ginanap noong Nob. 26-27 na isinasagawa sa isang Resort sa Station 2.

Dinaluhan naman ng mga participants magmula sa iba’t ibang tourism professional, pampubliko man o pribado.

Ito ay kaugnay pa rin sa pinalagong target market ng Boracay na bansang Korea.

Kung maaalala, sa Boracay, ang mga Koreans ang nangunguna sa listahan ng mga tourist arrival hanggang sa ngayon. #ecm112012

Tuklap na mga tiles sa KIA, ipinaliwanag ni Engr. Malonesio

Tanggal o tuklap na mga tiles at sungki-sungking sahig sa Passenger Terminal ng Kalibo International Airport o KIA ay resulta ng pagmamadali.

Ito ang nilinaw ni Engr. Percy Malonesio, KIA Manager kaugay sa sitwasyon ng gusali partikular ang hindi maayos na kalagaayan ng sahig ng mismong Passenger Terminal.

Sa panayam kay Malonesio, inihayag nito na ganito ang sitwasyon dahil sa hindi pa tapos ang renobasyon sa terminal.

Subalit dahil sa dagsa na ng mga turista kasunod ng pagdami ng mga flights, kung kaya’t minadali ito para gamit agad.

Ito ay sa kabila na hindi pa umano tapos na ayusin ang gusaling ito, pero dahil sa tintawag na “public demand” binuksan lamng ito.

Ganoon pa man, inihayag nga Manager na sa kasalukuyan ang inaayos ng Department of Transportation and Communication o DOTC na siyang may proyekto nito, dahil sa kasalukuyan ay hindi pa umano ito pormal na na-turn over sa KIA, dahil sa hindi pa nga tapos. #ecm112012

Monday, November 26, 2012

Terminal Fee sa KIA, nanatiling mababa pa rin

Kung humingi man nitong umaga ng pang-unawa mula sa mga pasaherong dumadaan sa Kalibo International Airport si Manager Engr. Percy Malonesio, dahil sa masikip na sitwasyon sa paliparan particular sa Terminal.

Tila musika naman sa tainga ng mga pasahero ang paglilinaw nito na sa ngayon ay wala pang klaro kung kaylan ipapatupad ang mataas na paniningil sa Terminal Fee sa nasabing airport.

Sa kasalukuyan kasi ay hinihinatay parin umano nila ang order o utos mula sa higher office ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kaugnay sa implementasyon nito.

Kaya kahit dumagsa man ang maraming turista na nagreresulta sa pagsikip ng KIA Terminal.

Aasaahang magandang balita parin ito sa mga pasahero ng domestic at international flights man, dahil hanggang sa ngayon ay ang mababang Terminal Fee parin ang babayaran ng mga ito.

Matatandaang buwan ng Hunyo ay may proposisyon ang KIA sa CAAP na itaas na rin ang singil sa Terminal Fee na binabayaran ng mga pasahero dito.

Kung saan sa kasalukuyang ang domestic flight ay apat napung piso lamang, at kapag na ipatupad ang bagong bayarin sa Terminal Fee ay magiging dalawang daang piso na ito.

Habang ang mga may international Flight ngayon ay nagbabayad ng limang daang piso, aasahang magiging pitong daang piso na ito kung sakali. #ecm112012

KIA Manager, humingi ng pag-unawa sa mga pasahero sa sitwasyon ng Terminal

Humingi ngayon ng pasensiya si Kalibo International Airport o KIA Manager Engr. Percy Malonesio sa mga pasahero dahil sa masikip na sitwasyon ng nasabing paliparan.

Sa panayam kay Malonesio, hiniling nito ang pag-unawa sa kalagayan ng terminal doon, kung saang resulta umano ito ng pagdami ng pasahero papuntang Aklan lalo na ng Boracay.

Pero magandang indikasyon naman umano ito sa Tourism Industry ng probinsiya.

Inihayag nito na naging masikip ang sitwasyon sa KIA dahil sa halos sabay-sabay magsidatingan ang mga eroplano, domestic man o international.

Kung saang ayon pa dito, aasahang ganito pa ang mga sitwasyon sa palipaliapran lalo pa ngayong nadagdagan ang bilang mga mga eroplano at flights, gayong nalalapit na ang Pasko at Ati-atihan sa bayan ng Kalibo.

Ganoon pa man, sinabi nito na huwag sanang magalit ang mga pasahero sa kanila, dahil ginagawa naman nila ang kanilang makakaya para matugunan ang problemang kinakarapan nila sa ngayon.  #ecm112012

Mga Tribu sa Boracay, nais ang tradisyonal na selebrasyon ng Ati-atihan

Hindi man pumayag ang Parish Pastoral Council o PPC ng Holy Rosary Parish sa Boracay, sa proposisyon Municipal Tourism Office o MTO na i-lipat ang skedyul sa pagdiriwang ng Ati-atihan sa isla, bukas parin umano ang simbahan at mga tribu na tumanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Ayon kay PPC President Jony Salme, nagagalak sila sa tulong na nais ipaabot sana ng LGU Malay para mapasaya at gawing makulay ang silibrasyon ng Ati-atihan dito.

Subalit, ang mga tribu na umano ang nagpahayag na nais parin nilang gawin at panatilihing simple, tradisyonal at debosyonal lamang ang selebrasyon, na hindi yaong pang festival na gaya ng nais mangyari ng LGU Malay.

Ganoon pa man, welcome parin umano ayon kay Salme ang tulong ng LGU Malay, lalo na at nais umano ng lokal na pamahalaan ay mapaunlad ang selebrasyon.

Kaya suhistiyon umano ng mga tribu na taunang sumasali, na sa halip aniya na magkaroon ng ilang araw na selebrasyon, bakit hindi nalang ito ibigay bilang tulong sa mga tribu para sa kanilang mga costume at premyo.

Matatandaang binalak ng LGU Malay na hilingin sa simbahan na ilipat sana ang skedyul ng Ati-atihan sa isla para mapaghanadaan ang pagdiriwang.

Sa halip na isagawa ito ng isang araw, may posibilidad na gawing itong tatlo hanggang limang araw, at magkakaroon ng ng iba’t ibang aktibidad.  #ecm112012

Bayan ng Malay, ipinagdiwang ang "Social Welfare Week"

Ni Rodel Abalus, Easy Rock Boracay

Makalipas ang isang taon ay muling ipinagdiwang ng bayan ng Malay ang Social Welfare Week.

Ito ang kinumpirma ni Malay Municipal Social Welfare and Development Officer Magdalena Prado, sa panayam ng Yes FM News center Boracay.

Sa pamamagitan ng temang “Pagkakaisa, Pagsama-sama, at Patuloy na Pagtutulungan” ay inilatag ng MSWD ang iba’t-ibang aktibidad sa mismong plaza ng Malay.

Tampok sa isang linggong pagdiriwang ang iba’t-ibang laro katulad ng basketball at volleyball para sa mga kalalakihan at kababaihan; dama at sungka para sa mga senior citizens, solo parents at mga out-of-school-youth.

Napag-alamang maging ang may mga kapansanan ay hindi nagpahuli sa pagsali sa mga excibition games, habang ang mga parlor games naman ang inihanda ng MSWD para sa mga bata.

Samantala, isang leadership seminar naman ang ibinigay para sa mga out-of-school-youth nitong nagdaang Martes, at orientation sa mga solo parents nitong nagdaang Miyerkules.

Isang palatuntunan naman ang itinakda mamayang gabi para sa pagbibigay ng awards sa mga nanalo sa mga nasabing paligsahan.

Sinundan ito ng “Bida Malaynon” variety show na lalahukan ng mga taga iba’t-ibang sektor, kung saan magiging panauhing pandangal ang mag-asawang Abegail at Mayor John Yap.

Maaga namang nagpaabot ng pasasalamat si Prado sa mga nakilahok at sumuporta sa nasabing aktibidad.

Mga empleyado ng LGU Malay, nakatanggap na ang 13 Month Pay

Naibigay na ang 13th month pay sa mga empleyado ng LGU Malay.

Pero ang Productivity Enhancement Incentives o PEI ay wala pang linaw sa ngayon.

Ito ang inihayag ni Dinky Maagma, Municipal Human Resources Officer ng Malay sa panayam dito.

Aniya, naibigay na ang 13th month Pay ng mga Regular at Casual na empleyado ng LGU Malay, gayong ang benipisyo gaya nito ay maaari naman umanong tanggapin ng mga empleyado bago mag-Pasko, pero hindi naman ganon ka-aga sa natatanggap ito bago ang ika-15 ng Nobyembre.

Nilinaw din nito na lahat ng mga Job Order ng lokal na pamahalaan ng Malay gaya ng Life Guard sa Boracay at Malay Auxiliary Police o MAP ay walang natanggap na 13th month pay, dahil para sa regular at casual lamang ang mga ito.

Nabatid din mula kay Maagma, wala pang utos sa kanila ang Punong Ehekutibo kaugnay sa pagbibigay ng Productivity Enhancement Incentives sa bawat empleyado.

Wala din umano silang alam kung magkano ang alokasyon para sa PEI nila.

Samantala, sa kasalukuyan ay tinatalakay palang sa deliberasyon ng Sangguniang Bayan ang halaga ng ibibigay na pondo para sa PEI ng mga empleyado ng Malay. #ecm112012

Bilang ng mga botante sa Malay, tumaas ng mahigit 3,000

Mahigit tatlong libo at tatlong daan ang idinagdag sa bilang ng mga botante sa Malay para sa 2013 eleksisyon kung ikukumpara noong halalan ng 2010.

Sa panayam kay Elma Cahilig, Comelec Officer ng Malay, sa kasalukuyan ay may 27, 220 na mga botante na ang rehistrado para bumuto sa 2013 Mid Term Elections.

Kung saan noong 2010 ay mayroon lamang 23, 916 na botante ang bayang ito kasama na ang sa isla ng Boracay.

Aminado si Cahilig na marami talaga ang nakapagparehistro ngayong, pero mayroon pa rin aniyang mga kwalipikado na hindi nakahabol sa deadline ng kumisyon.

Sinabi din nito na may karamihan din ang bilang ng mga nagpa-transfer mula sa ibang mga bayan at probinsya dahil sa Boracay na rin nag-tatrabaho at epekto umano ito ng tumataas na bilang migration sa isla.

Ikinatuwa naman ni Cahilig na sa mahigit tatlong libo at tatlong daang bagong botante, hindi na nagkaroon umano ng problema ang tanggapan nito.

Sapagkat wala namang may nagpetisyon o kumuwestiyon sa mga bagong rehistrado, kung saan nagpapatunay lamang na lahat ay kwalipikado.

Sa kasalukuyan, ang Barangay Manoc-manoc parin umano ang may pinaka-maraming bontante na umaabot sa mahigit pitong libo at anim na daan, ikalawa ang Balabag na mayroong mahigit limang libo at pitong daan at ika-tatlo naman ang Caticlan na may mahigit tatlong libo at pitong daang register voters.

Samantala, bagamat hanggang Disyembre pa ang pagsusumite o pag-file ng petition/cancellation sa mga kandidato na naghain ng kailang Certificate of Candidacy noong buwan ng Oktubre.

Inihayag pa ng nasabing opisyal, na sa kasalukuyan ay wala naman silang nalaman na mayroong nagkwestiyon o naghain ng petisyon laban sa isang kandidato para i-diskwalipika. #ecm112012