Posted December
18, 2017
Binaha ang halos malaking bahagi ng Malay kasama na ang
isla ng Boracay sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Urduja kahapon araw ng linggo, Disyembre 17, 2017.
Naramdaman ang malakas na buhos ng ulan simula pa noong
araw ng Sabado kung saan lubog sa tubig ulan ang 95% ng mga kalsada sa Boracay ayon sa LGU-Malay.
Sa kasagsagan ng bagyo, hindi madaanan ang area ng Napaan
dahil sa landslide maliban pa sa rumaragasang tubig mula sa kabundukan na
nagpabaha rin sa Motag, Dumlog at mga karatig
barangay sa bayan ng Malay.
Nagkabitak din ang Balusbos Bridge at pansamantalang
isinara dahil sa mga nagtumbahang kahoy sa national road sa nabanggit na lugar.
Bago nito, nagkansela ng byahe ng mga sasakyang pandagat
ang Philippine Coast Guard alas-dose noong Sabado rason na daan-daan ang mga
na-stranded sa mga pantalan ng Cagban
at Caticlan.
Samantala, bagamat ni-resume ang byahe kahapon ng
alas-dos ng hapon muli naman itong itinigil ng PCG dahil sa pag-iba ng ng bagyo kung kaya’t marami pa rin ang hindi nakatawid at na-stranded sa mga jetty ports.
Maliban sa mga pagbaha, nawalan din ng suplay ng kuryente
at mahinang pressure ng tubig dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig na
dumadaloy sa ilog ng Nabaoy na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng Boracay.
Ngayon araw ay ikinansela ni Malay Mayor Ceciron Cawaling
ang klase sa mga pampubliko at
pribadong paaralan sa Malay.
Alas-kwatro ng umaga ngayong araw ay nag-abiso ang PCG na
pwede nang bumyahe papunta at palabas ng isla.