Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Ito ang kinumpirma ni Special Operation III Jean Pontero
ng Caticlan Jetty Port na aniya kanselado na ang pag-obliga nila ng ID Pass
para sa mga workers na nagtatrabaho sa isla ng Boracay.
Pero paalala ni Pontero, upang makapasok ng Boracay,
ipakita lamang ang company issued ID o any government ID na may address na
employed workers ka ng Boracay.
Sa mga residente, i-presenta lang ang Barangay ID o
Government ID na may address ng Boracay.
Samantala, paalala naman ni Pontero sa mga tourguides ng
mga hotel/resorts na kumuha ng Special Workers Identification Card upang
makapasok at ma-assist nila ang kanilang guest sa pagpasok sa Jetty Port sa
re-opening ng isla.
Nabatid kase na hiwalay ang pila ng mga sasakay ng bangka
kung saan ang mga workers ay sasakay sa reclamation area at sa Jetty Port naman
ang mga turista at residente.
Ang pagkansela ng Terminal ID Pass ay hakbang at tugon sa
negatibong komento ng karamihan hinggil sa nasabing regulasyon.