Posted October 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagsa-saayos ng
Kalibo-Numancia bridge II kung saan plano itong buksan ngayong buwan ng Oktubre
para magamit na ito.
Ito ang magandang balitang ipinaabot ng Department of
Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Aklan District Engineer Noel Fuentebella,
kanila ng minamadali ang construction sa proyekto ng sa gayon ay magamit na ito
at maayos na rin ang right of way sa naturang tulay.
Nabatid na aabot sa P370 million ang ipinundo ng DPWH sa
pagpapatayo ng tulay kung saan nilagyan rin ito ng sidewalks, baluster railings
at street lights.
Ang pagpapatayo ng bagong tulay ay para maibsan ang
nararanasang trapiko at ang pagkakaroon ng maayos na biyahe ng mga motorista sa
probinsya ng Aklan.