YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 28, 2019

Lalake sinaksak ang live-in partner ng dating nobya

Posted February 28, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people
Photo (C) Malay PNP
“Galit at selos”, ito ngayon ang tinitingnang motibo ng Malay PNP matapos pinagsasaksak ng suspek ang kinakasama ng dating nobya sa Sitio Diniwid Balabag kagabi.

Sa blotter report, matapos makatanggap ng tawag ang kapulisan na may nangyaring stabbing incident ay agad na pinuntahan ang lugar at doon nadatnan ang duguang katawan ng biktima na kinilalang si Joebert Bardon, 40-anyos, at isang Gym Instructor.

Napag-alaman sa salaysay ng witness at live-in partner ng biktima na si Rosalie Maestro Y Francisco na pinuntahan siya sa boarding house ng dating nobyo at suspek na si Reman Cahilg Y Malicse at kinumpronta dahilan na dali-dali itong pumasok sa kaniyang kwarto.

Agad umano itong sinundan ng suspek na may bitbit na patalim at pwersahang binuksan ang tinutuluyang silid at pinagsasaksak ng maka-ilang beses ang biktimang si Bardon habang ito ay nakahiga.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima kaya agad itong dinala sa Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital.

Kalaunan ay ini-refer ang biktima sa ospital sa bayan ng Kalibo para sa kanyang agarang medikasyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang man hunt operation ng kapulisan sa tumakas na suspek.


Korean Tourguide kalaboso dahil sa pagsuway sa patakaran ng Jettyport

Posted February 28, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: sky, cloud, ocean, bridge, outdoor and waterInireklamo ng Alarm and Scandal at Oral Defamation ang isang KoreanTour Guide matapos ito gumawa ng eksena at paninigaw sa mga kawani ng Cagban Jetty Port kahapon Pebrero 27.

Sa salaysay ng ilang staff at ni Alexander Valero, 51-anyos, Chief Security ng Caticlan at Cagban Jetty Port Terminal hinarang nila si Jaewoo Kim, 22-anyos, Tour Guide ng Fly and C COREA Tours Corp. matapos itong tumangkang dumaan sa “residents lane” palabas ng Cagban Port.

Bago nito, tinanong muna ng naka-assign sa area kung mayroon ba itong kasamang guest dahil pinapayagan lamang na dumaan ang tour guide doon kung mahatid na ang guest sa “tourist lane”.

Batay sa blotter, imbes na lumipat sa workers na sakayan ang suspek ay bigla umanong sumigaw at nagsalita ng hindi maganda sabay ang pagkuha ng video sa mga staff.

Sinubukan pang pakalmahin ng Chief Security si Kim subalit nagmatigas ito kaya dinala na ito sa himpilan ng pulisya.
Dahil dito pansamantalang ikinulong ang suspek sa lock up cell ng Malay PNP dahil sa nangyaring insidente.

Wednesday, February 27, 2019

12 bahay naabo sa nangyaring sunog sa Bolabog

Posted February 27, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay hinggil sa nangyaring sunog kagabi sa Zone 5 Bolabog Extension sa Barangay Balabag .

Ayon kay Fire Inspector Lorna Parcillano, alas syete sing kwenta sila nakatanggap ng tawag na nasusunog ang mga bahay at  na boarding houses sa nasabing lugar.

Sa pag-responde ng mga bombero at ibang fire volunteers kumakalat na ang apoy sa mga kabahayan dahil gawa ito sa light materials.

Bukod pa rito dahil rin umano sa dala ng malakas na hangin, nasunog ang nasa itaas na bahagi ng bukid sa likurang bahagi ng Q lodge subalit naapula rin nila ito kung saan wala namang istraktura napinsala.

Kaugnay nito, base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, totally burnt ang labing dalawang bahay sa nangyaring sunog.

Tinatayang nasa kabuuang 36 ang apektado sa nangyaring sunog kabilang na dito ang sampung pamilya at walong boarders.

Umabot sa isang oras ang apoy bago ito naapula at tinatayang nasa mahigit P 50 thousand ang inisyal na halaga ng mga ari-ariang naabo.