YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, June 11, 2016

Mga tricycle driver sa Boracay, handa na sa pasukan -BLTMPC

Posted June 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tricycle sa boracaySa pagbubukas ng pasukan ngayong Lunes nakahanda na rin ang mga tricycle driver sa Boracay para sa mga estudyanteng papasok sa kanilang mga paaralan.

Ayon kay BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, tatlong buwan na umanong nakalipas ay nag-meeting na sila kasama ang mga operator ng tricycle kung saan muling ipina-alala nito ang mga rules and regulation sa pagbiyahe.

Nabatid kasi, na marami ng reklamong natatanggap ang kanilang opisina tungkol sa mga tricycle driver na hindi nagpapasakay ng mga estudyante.

Muli nitong sinabi sa mga pasahero, na kung sinuman ang hindi magpasakay na tricycle driver ay kunin agad ang franchise number nito at i-report sa kanilang tanggapan upang agad na maaksyonan.

Kaugnay nito, hiniling naman ni Gelito sa mga School head official na maglagay sila ng tagabantay o Brgy. tanod sa kanilang paaralan para mag-abang sa mga estudyanteng sasakay ng tricycle papauwi sa kanilang bahay.

Samantala, dapat umanong huwag pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na estudyante sa Grade 1 hanggang 3 na mag-isang umuwi at sumakay ng tricycle.

Sa kabilang banda napag-alaman na takot ding magpasakay minsan ang mga driver ng mga estudyante dahil sa malilikot umano ang mga ito at takot din umano ang mga ito na baka madamay pa sila.

Dahil sa multimillion peso terminal scam, Martin Teri ng KIA ni-relieve

Posted June 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalibo international airportLumabas na nitong Hunyo 6, 2016 ang mandato ng CAAP national na nag-uutos nai-relive sa puwesto si Kalibo International Airport Manager Martin Teri dahil sa multimillion peso terminal scam.

Ayon kay Deputy Director General Rodante Joya, epektibo sa Hunyo 16 ay pormal ng ire-relieve si Teri habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon kay Josephine Repiedad na siyang regular na empleyado na nasa ilalim ngayon ng imbestigasyon ng CAAP Manila habang ililipat naman si Teri sa San Jose Airport sa Antique na papalitan ni Rafael Tatlonghari.

Samantala, ipinasiguro naman ni Joya na mananagot si Teri sa mga posibling administrative at criminal case kung mapapatunayang sangkot siya sa nasabing anomaliya.

Matatandaang nauna ng na-terminate ang 11 mga contractual employees dahil sa partisipasyon ng mga ito matapos na madiskubrehan ang mahigit 50 million pesos na income ng nasabing paliparan.

Deployment ng Philippine Coastguard sa Boracay ngayong Habagat, paiigtingin

Posted June 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for Habagat sa BoracayUnti-unti na ngayong nararanasan ang tag-ulan at ang lakas ng hangin dala ng Southwest monsoon o Habagat sa isla ng Boracay.

Dahil dito ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ay paiigtingin umano ang deployment ng kanilang pwersa para sa seguridad ng publiko at mga turista.

Ayon kay Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng PCG-Caticlan, nagdagdag umano sila ng mga tauhan mula sa ibat-ibang lugar sa Western Visayas at district para mag-monitor sa takbo ng panahon sa karagatan.

Sinabi din nito na kung nakikita nila na hindi kaya tumawid ng mga bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa Habagat ay nag-uusap umano sila ng CBTMPC at Jetty Port para sa paglipat ng biyahe ng mga bangka sa Tabon at Tambisaan port.

Bago ito ay nagpatawag na umano siya ng meeting sa mga concern agencies kung saan ilan sa pinag-usapan rito ay ang tungkol sa kanilang paghahanda sa Habagat at ang paglipat ng mga water sports activity sa Bolabog beach.  

Nabatid na ang Tambisaan at Tabon Port ay siyang alternatibong ruta na ginagamit tuwing malakas ang alon sa Cagban at Caticlan na siya namang dahilan para magdagdag ng maraming pwersa ng Coastguard. 

Friday, June 10, 2016

Gun Ban Violators sa probinsya ng Aklan, may kabuuang bilang na 49

Posted June 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  
      
Image result for gun banUmabot umano sa 49 ang naitalang lumabag sa Comelec Gun at naaresto sa probinsya ng Aklan na nagtapos nitong Hunyo 8, 2016.

Ayon kay PO1 Jane Cahilig Vega ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Office, ito umano ang kabuuang bilang na naitala nila base sa mga rekord na naibigay sa kanila ng ibat-ibang bayan sa probinsya.

Nabatid, na 19 ang nai-rekord na nahulihan ng firearms habang 30 naman ang kanilang na-aresto sa deadly weapon kung saan kinasuhan naman ang mga ito ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comelec Gun Ban.

Matatandaan na ang Comelec Gun Ban ay nagsimula noong Enero 10, 2016 at nagtapos naman nitong Hunyo 8 taong kasalukuyan.

Lahat ng kumandidato sa provincial level ng Aklan, nag-sumite ng SOCE

Posted June 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for soce COMELECMula sa Sangguniang Panlalawigan hanggang sa pagka-Congressman ay nakapagsumite naman umano ang mga ito ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ito ay base sa datos ng Commission on Elections (Comelec)-Aklan kung saan ang deadline nito ay nitong Hunyo 8, 2016 matapos ang ibinigay sa kanila ng Comelec na tatlong araw para sa pag-proseso nito.

Sa SOCE makikita kung gaano kalaki ang ginastos ng mga kandidato sa nakaraang eleksyon para sa kanilang pangangampanya.

Nabatid na sa pagka vice-governor ay gumastos ng P203,144.59 ang nanalo na si Reynaldo Quimpo  ng (Nacionalista Party) habang ang katunggali nitong si Leovigildo Mationg ng (UNA) ay gumastos lamang umano ng P10,000.

Maliban dito, idiniklara naman ni Governor-elect Florencio Miraflores ng (LP) ang kanyang nagastos na umabot sa P499,516.70 at ang mahigpit na kalaban nitong si Antonio Maming ng (UNA) na gumastos ng P105,320.

Sa kabilang banda si Congressman-elect Carlito Marquez naman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay gumastos ng P895,503.60, na may kontribusyon na nag-kakahalaga sa P212,000 habang si outgoing congressman Teodorico Haresco, Jr. ay gumastos naman umano ng P886,510.79.

Samantala, ang sino mang kandidato sa nakaraang eleksyon nanalo man o natalo na hindi nakapagsumite ng SOCE ay mahaharap sa kaukulang penalidad ng Comelec.

Mga itinalagang Comelec officer sa ibat-ibang lugar, pinalawig

Posted June 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Comelec OfficerLimang araw pang mananatili ang mga election officer na natalaga sa ibat-ibang bayan sa Aklan matapos itong palawigin ni Comelec Chairman Andres Bautista hanggang sa Hunyo 15.

Ito ang sinabi ni Chrispin Raymund Gerardo na natalaga sa bayan ng Malay bilang Comelec Officer II at kasalukuyang Provincial Information Officer.

Nabatid na dapat nitong Miyerkules pa Hunyo 8 ang kanilang huling araw sa kanilang naitalagang lugar ngunit naantala ito dahil sa dami pang kailangang iproseso kagaya na lamang ng pag-sumite ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) ng mga tumakbong kandidato nitong eleksyon.

Matatandaang ilang linggo bago ang halalan ay inilipat na sa ibat-ibang Comelec Office sa probinsya ang mga Officer base sa kauutusan ng Comelec para rito.

Samantala, nitong Hunyo 8 rin nagtapos ang Comelec Gun Ban sa buong bansa na nagsimula noong Enero 10, 2016.

Steward sa isang hotel sa Boracay, tinutukan ng baril

Posted June 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tinutukan ng barilNanginginig pa na nag-sumbong ang lalaking Steward sa isang hotel sa Boracay PNP matapos itong tinutukan ng baril habang papauwi galing sa inuman sa Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.

Sumbong ng biktima na si Aike Panuncio, 23-anyos residente ng Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan kasama niya umano ang kanyang mga kaibigan na umiinum sa lugar ng walang kadahi-dahilan ay lumapit sa kanila ang sinasabing apat na lalaking suspek at kinumpronta.

Dahil dito nagpasya umano ang biktima at mga kasamahan nito na umalis nalang sa lugar upang makaiwas sa gulo.

Ngunit hinabol umano sila ng mga suspek hanggang sa nagpang-abot na ang mga ito.

Ayon pa sa biktima isa umano sa mga hindi nakilalang suspek ang tumutok sa kanya ng baril ngunit agad umano siyang tumakbo papalayo hanggang sa nag-sumbong na ito sa mga pulis.

Samantala, napag-alaman na agad ding tumakas ang suspek kasama ang iba pang lalaki sakay ng motorsiklo.

Thursday, June 09, 2016

Aklan-Congressman Elect Marquez tinanggap ang paanyaya ni Mayor Lachica kaugnay sa Congressional District Office

Posted June 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for carlito marquezSa Magsaysay Park building muna pansamantalang ilalagay ang Congressional District Office ni Aklan-Representative Elect Carlito Marquez.

Ito’y matapos tanggapin ng Congressman ang paanyayang ito ni Kalibo Mayor William Lachica, matapos na hindi pinagbigyan ni Governor Florencio Miraflores ang kahilingan ni Marquez na maglaan ng opisina sa loob mismo ng Kapitolyo dahil sa wala na umanong bakanteng lugar doon.

Napag-alaman na noong gobernador pa lamang si Marquez ay naglagay ito ng Congressional District Office sa mismong Provincial Capitol sa loob ng siyam taon kung saan si Miraflores pa noon ang Congressman hanggang sa naipasa ito kay outgoing Representative Teodorico Haresco.

Kaugnay nito nag-hihintay parin umano ngayon ng kasagutan si Marquez sa magiging desisyon ng gobernador para sa kanyang hinahangad na opisina sa kapitolyo.

Samantala, hiling ni Marquez na magtulungan na lamang umano dahil sa tapos na aniya ang politika at ito umano ang hinahanap at makakabuti para sa mga Aklanon.