YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 25, 2017

Pambato ng Aklan, pasok sa Top-7 ng Beach Beauty Competition ng Ms. World Philippines

Posted August 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 7 people, people smiling, people standing and indoorPumasok sa top 7 ang pambato ng Aklan na si Jona Sweett sa naganap na Swimwear at Beach Beauty Challenge ng Miss World Philippines sa Boracay kahapon.

Sinuri ng mabuti ng mga hurado ang 35 kandidata na rumampa muna suot ang kanilang swimsuit bago ang beach attire kung saan nangibabaw ang ganda at kaseksihan ng Aklanon beauty.

Sa panayam kay Sweett, nagsusumikap umano siya para mapanalunan ang korona bilang Ms. World Philippines at kung papalarin, ang una niyang prayoridad ay ang makatulong sa kumunidad lalo na sa mga kabataan.

Image may contain: 2 people, people smiling, people standing and outdoorPinasalamatan naman ni Sweett ang lahat ng kanyang mga taga-suporta na simula palang ng kanyang pagsali sa mga kompetisyon ay nandoon na at hindi bumitiw sa kanya.

Samantala, maliban kay Jona Sweett pasok din sa Top 7sina candidate  #32 Cynthia Thomalla, #24 Zara Carbonell, #9 Teresita Ssen Marquez, #31  Jeanyfer Ozbot, #28 Shiela Reyes, at #26 Janela Cuaton.

Kasalukuyan namang sinusulit ng mga kandidata ang pananatili sa Boracay habang naghahanda sa papalapit na big day ng kompetisyon.

Pinakakaabangan naman ang Coronation Night ng Miss World Philippines na mangyayari sa September 3 sa Mall of Asia MOA Arena.

Thursday, August 24, 2017

Community Base Monitoring System, inilatag sa SB-Malay

Posted August 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isang Memorandom of Agreement ang nais ngayon maaprobahan ng Malay Local Government Operations Officer kay Mayor Ceciron Cawaling upang ma-implementa ang Community Base Monitoring System (CBMS).

Nag-presenta ang kinatawan ng Aklan DILG na si LGOO-5 Debra Lynn Romero sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay kasama si Mayor Cawaling at ibang mga empleyado ng LGU upang ipaliwanag kung ano itong CBMS.

Ayon kay Romero, ang Community Base Monitoring System (CBMS) ay isang data base kung saan makikita o naka-rekord ang regular funds, financial plan at kung saan mapupunta ang budget at paglalagyan ng budget.

Ayon kay Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron, maganda umano itong programa subalit hanggang ngayon ang iba namang mga problema ay hindi parin nasusulosyunan.

Image may contain: one or more people, people sitting, living room, table and indoorSamantala, kung si Mayor Cawaling naman ang tatanungin aniya dahil nandiyan naman ang mga information at ibang departamento, i-consolodate na lamang umano lahat at kung may kulang pa, doon na lang bigyan ng budget.

Dagdag pa ng alkalde, sa paraang ito ay makikita ang lahat ng  at kung may database ay hindi na mahihirapan sa pag-balangkas ng budget.

Sumang-ayon naman ang mga department heads ng LGu na magkaroon ng database para sa budgeting ng mga proyekto ng bayan ng Malay.

Dahil dito, sa susunod na taon pa ito ma-iimplementa dahil sa kulang na ang budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.

Nabatid na tatlong bayan na sa probinsya ang nag-iimplementa ng (CBMS).

Mga Lady-Boy sa Boracay, namumuro na!

Posted August 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nais ng mahinto o masawata ng LGU-Malay ang problemang dulot ng mga lady-boy na nambibiktima ng turista sa isla.

Nag-ugat muli ang usapin sa mga baklang nagbebenta ng aliw ng nagkaroon muli ng insidente na kinasasangkutan ng mga ito na ikinadismaya naman ni SB Member Fromy Bautista.

Nabatid sa police report na may turistang Koreano na umano’y dinala ng isang lady-boy sa kanyang tinutuluyan para sa isang gabing kaligayahan subalit mabilis na pumiglas ang turista dahil nalaman nitong hindi pala babae ang kanyang kasama.

Dahil dito, mabilis na nagreklamo ang biktima sa kanyang mga magulang at hindi nagtagal ay nagreport ang mga ito sa Boaracay PNP na agad namang naghuli ang suspek.

May pagkakataon din na nilalasing muna bago pagnakawan ang turista.

Paglilinaw ni Bautista, marami na umanong nai-report na ganitong reklamo sa pulis kaya aniya kailangan na itong aksyunan.

Itong usapin ay ini-refer sa Committee Hearing para sa masusing pag-uusap at kung paano ito maaksyunan ng mga otoridad.

Wednesday, August 23, 2017

Kandidata ng Miss World Philippines 2017, nasa isla na ng Boracay

Posted August 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dumating ang tatlumput limang kandidata ng Miss World Philippines 2017 sa probinsya ng Aklan kahapon.
Image may contain: 9 people, people smiling, people sitting and indoor
Photo Credit to the Owner

Ang mga nag-gagandahang kandidata ay dumalo sa isang press conference sa Caticlan pagkatapos na bumaba ang mga ito sa Kalibo International Airport.

Dumiretso agad ang mga ito sa isla ng Boracay kung saan ngayong araw umano ay magkakaroon sila ng Beach Activity.

Samantala bukas araw ng Huwebes August 24 ay magpapatalbugan ang mga ito sa kanilang Swimsuit Competition na gaganapin sa Savoy Hotel Boracay New Coast.

Isa namang sa inabangan ay ang pambato  ng Aklan na si Candidate Number 6  na si Jona Sweett  ng Numancia at nagtapos ng pag-aaral sa Garcia College of Technology.

Gaganapin ang Coronation Night sa susunod na buwan September 3 sa Mall of Asia MOA Arena.

Lalaki nagbigti-patay gamit ang Electrical Cord

Posted August 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for nagbigtiMalamig ng bangkay ng matagpuang nakabitin ang isang lalaki sa Barangay Balabag kagabi.

Sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center BTAC, nagbigti ang 19-anyos na binatilyo na kinilalang si alyas “Norman” gamit ang isang electrical cord.

Nauna rito, sa salaysay ng Ina ng biktima sa mga pulis makailang beses umano nitong kinatok ang kwarto ng biktima para yayaing kumain ng hapunan subalit hindi siya nito pinag-buksan ng pintuan.

Dahil dito, tinungo ng Ina ang maliit na bintana para makita kung ano ang ginagawa nito subalit tumambad sa kanya ang nakabitin ng anak.

Dinala pa ang biktima sa isang malapit na klinika subalit ideneklara itong DOA o Dead on Arrival ng doctor na sumuri dito.

Bago umano nangyari ang insidente, galing sa inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan kung saan ayon sa mga kaibigan nito habang sila ay nag-iinuman nakapagsabi sa kanila ang biktima na magpapakamatay ito.

Monday, August 21, 2017

Agnaga Mini Falls Information Center, binuksan na

Posted August 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Binuksan na ang Agnaga Mini Falls Information Center sa Barangay Kabulihan, Malay, Aklan.

Image may contain: plant, tree, outdoor, nature and waterAng pagpasinaya ay pinangunahan nina Mayor Ceciron Cawaling, Punong Barangay Rizal Tumaca ng Kabulihan, Former-Vice Governor Gabrielle “Billie” Calizo-Quimpo at ibang mga empleyado ng LGU-Malay.

Ayon kay Cawaling, layunin ng pagpapatayo ng Information Center ay ma-promote ang “Agnaga Falls” na isa pang atraksyon sa mainland Malay.

Image may contain: 3 people, people smiling, people standing
Dagdag pa ng alkalde na ito ngayon ang isa pang tourist attraction na nais i-develop sa bayan ng Malay para dayuhin ng mga turista maliban sa sikat na Boracay Island.

Bagamat may kalayuan ang lugar, may mga local tourguide naman na gagabay bilang bahagi ng eco-tourism program ng LGU-Malay.

Sa ngayon ay bukas na ito para sa mga nais bistahin ang nabanggit na mini-falls sa bayan ng Malay.

Suspek sa kasong Rape, nakorner ng Boracay PNP

Posted August 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Isang boat captain na may kasong rape ang nakorner at inaresto ng mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa Barangay ManocManoc Boracay.

Ang suspek na may warrant of arrest ay kinilalang si Junnifer Sarito y Pagalisan, 36-anyos, tubong Sta. Fe Romblon at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Tabon, Caticlan.

Hinuli ito sa bisa ng warrant of arrest na pinirmahan ni Presiding Honorable Judge Bienvenido Barrios Jr. RTC Branch 3, Kalibo, Aklan.

Sa panayam sa suspek, pinabulaanan nito ang reklamo at aniya ay wala umanong katotohanan ang bentang o akusasyon sa kanya.

Sa pagsasalaysay ng suspek,  ang reklamo ay nagmula sa pamilya ng kanyang kinakasama kung saan ay inabuso di-umano nito ang kanyang step-daughter.

Dagdag pa nito, hindi niya inakala na maaaresto siya dahil nagkaayos na umano ang mga ito sa Barangay, ngunit laking gulat nalang nito na inaresto siya kahapon.

Gayunman, sinabi ng suspek na inggit umano ang dahilan kung bakit siya kinasuhan.

Kasalukuyan namang nakapiit ang suspek sa detention cell ng Boracay PNP.

Cawaling, nag-utos na hulihin ang mga Illegal Collector sa Snorkeling Area ng Boracay

Posted August 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.
Image may contain: text
Naglabas ngayon ng dalawang Memorandom Order si Malay Mayor Ceciron Cawaling na nag-uutos sa paghuli sa mga violators at illegal collectors sa snorkeling area ng Boracay.

Sa Memorandom order No:  88 and 89 Series of 2017, inatasan nito ang Municipal Agricultures Office, Bantay Dagat, at Maritime Police na inspeksyunin at dakpin ang mga hindi otorisadong naniningil ng snorkeling fee sa lugar.

Nakasulat din sa Memo na ang lahat ng ito ay dapat na i-monitor at inspeksyunin at i-report sa kanyang  opisina sa Centralize MRF para alam daw nito ang nagyayari sa operation ng snorkeling area.

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoor
Dahil dito, nais ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron na imbitahan ang tatlong personalidad sa susunod na sesyon upang hingan ng impormasyon hinggil sa Memorandom Order na ibinababa ni Mayor.

Dagdag pa nito, may dahilan  siya para imbitahan itong tatlong personalidad dahil matagal na umanong may nag-iisyu ng fake ticket sa snorkeling area.

Itong usapin ay binuksan ni Pagsaguiron sa 27 th Regular Session kung saan sa tingin ng huli ay hindi pa rin nasusulusyonan ang nasabing isyu na makailang beses ng tinalakay sa Sangguniang Bayan ng Malay.