Posted August 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakda na umanong sampahan ng kasong paglabag sa
Republic Act No. 9208 ang tatlong videoke bar na sangkot sa human trafficking
law sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni Boracay PNP Deputy Chief Police
Inspector Fidel Gentallan matapos ang kanilang matagumpay na operasyon nitong
Huwebes.
Aniya, tatlumput limang kababaihan ang nailigtas rito
sa pangunguna ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at ng Aklan Police
Provincial Office (APPO).
Nabatid na bago ang matagumpay na operasyon
nagkaroon din umano sila ng matagal-tagal surveillance sa tatlong bar upang
matukoy kung nagsagawa nga ba ang mga ito ng ilegal na aktibidad sa isla.
Napag-alaman rin na ang mga biktimang babae ay
sangkot sa one place to another o ang pag-transport sa mga ito mula sa
ibat-ibang lugar sa bansa.
Samantala, agad namang ikinustudiya sa Boracay PNP
ang employer ng tatlumput limang biktima ng trafficking upang harapin ang
kasong paglabag sa Republic Act No. 9208 o kilala sa tawag na Anti-Trafficking
in Persons Law of 2003.
No comments:
Post a Comment