Posted November 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Todo higpit ngayon ang ginagawang pag-momonitor ng
Philippine Coastguard (PCG) Caticlan sa mga cargo area sa isla ng Boracay.
Ito’y para maiwasan ang pagpasok ng mga illegal na
kargaminto at ang mga taong may masasamang binabalak sa isla.
Ayon kay PCG Caticlan Commander Lt. Idison Diaz,
nagkaroon umano sila ng meeting kasama si PSSUPT Iver Apellido, Acting
Provincial Director ng Aklan PPO kung saan isa sa mga napag-usapan rito ay ang
seguridad sa cargo area sa isla ng Boracay.
Sinabi ni Diaz na nagsasagawa umano sila ng random
inspection sa mga nasabing cargo area at surprise inspection kasama ang
kanilangf K-9 unit.
Maliban dito sinusuri din umano nila ang mga motorbanca
kung ito ba ay overload at walang naikakargang illegal na kargaminto.
Samantala, ipinaalala naman ni Diaz, na hanggang alas-10
lang ng gabi pinapayagan mag-operate ang mga cargo vessel sa Boracay.