UPDATES: // June 8,
2020
(CTTO) |
Binawian ng buhay ang mag-asawang sakay ng tricycle sa
nangyaring vehicular accident kahapon ng umaga sa Brgy. Union, Nabas, Aklan.
Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Cesar Sadiasa,
54-anyos at Celia Sadiasa, 58-anyos at residente ng Tagaroroc, Nabas.
Nangyari ang aksidente ng nabangga ng Ceres Bus Liner na
menamaneho Dionito Gumboc ang traysikel kung saan naipit ang driver sa driver
seat at tumilapon naman ang kaniyang maybahay.
Sa panayam kay Police Staff Sergeant Melvin Alba ng Nabas
PNP, 10:23 ng umaga umano sila nakatanggap ng tawag na may aksidente ng
banggaan na nangyari sa lugar kung saan agad naman nila itong nirespondihan.
Mabilis na dinala ang mga biktima sa ospital sa tulong ng
MDRRMO Malay subalit binawian ng buhay ang lalaki sa Motag Hospital sa bayan ng
Malay habang ang misis nito ay binawian din ng buhay ng i-refer ito sa ibang
ospital.
Na-inquest na ang driver ng Ceres Bus na boluntaryong
sumuko at nakatakda itong sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to
Multiple Homicide.