Yes The Best
Boracay NEWS ---Naglatag na ng plano ang Department of Public Works and
Highways o DPWH kaugnay sa nakatakdang anim na buwang rehabilitasyon ng
Boracay.
Sa isinagawang Press Briefing, iprenisenta ni Engr. Fritz
Ruiz, Focal Person at Chief Planning and Design Section ng DPWH-Aklan ang plano
sa gagawing road widening na magsisimula sa Cagban Port hanggang
Circumferential Road.
Sa inisyal na plano, tutulong ang DPWH sa LGU-Malay sa
pag-demolish sa mga minarkahan nilang sukat para sa road set-back kung saan 6.2
kilometers ang unang tatrabahuin at gagawin ito section by section.
Ani Ruiz, inaantay pa ng DPWH ang Executive Order ng
Pangulong Duterte para sa mas malinaw na rehabilitation plan subalit naglaan na
umano ang ahensya ng 300 Million mula sa National Government.
Aminado rin ang DPWH na problema pa rin nila ang mga
apektadong establisyento partikular sa 25+5 easement rule at hangad niyang
makipag-coordinate ang mga ito upang magtuloy-tuloy ang rehabilitasyon para
mapaaga ang soft opening ng Boracay.
Tatalima rin sila sa Malay Municipal Ordinance No. 131
Series of 2000 na ang sukat na susundin nila ay ang 6 Meters from the center of
the road at hindi ang PD 1064 na may kabuuang sukat na 30 meters.
Samantala, inabisuhan na rin umano nila ang BIWC at BTSI
na itigil muna ang kanilang mga proyekto at pipe laying gayundin din ang AKELCO
at iba pang service provider na ilipat ang mga poste at wirings para sa mas
mabilis na pagsasagawa ng road widening.