Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Malaking katanungan sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan
ng Malay ang pagka-diskubre na marami palang turista ang nagmamay-ari ng
e-trike na pumapasada sa isla ng Boracay.
Sa record ng Sangguniang Bayan, may anim na units ng TOJO
E-trike ang nakapangalan sa isang Korean National maliban sa iba pang units na
Koreans din ang may-ari.
Sa pagtatanong ni SB Member Frolibar Bautista, bakit
nangyayari ang ganito samantalang malinaw sa ordinansa na dapat ay hindi
lalagpas sa dalawang unit ang naka-pangalan sa isang franchise.
Napag-alaman na ang mga units na nakapangalan sa turista
ay naibenta na ng mga franchise holder sa Boracay.
Nauna ng ipinatawag ang anim na E-trike provider dahil
may mga balita silang narinig na may sobra sa dalawa ang nakapangalan sa
listahan nila.
Paglilinaw pa ni SB Bautista, na ang franchise ay hindi
pwedeng ilipat sa ibang tao.
Kaya naman tinatanong ngayon nito sa mga E-trike Provider
kung sino itong mga nagmamay-ari na sobra sa dalawa at mayroon pa umanong
umabot sa dalawampu ang units.
Samantala, nilinaw din mismo ni Cesar Oczon, Head ng
Malay Transportation Office na hanggang dalawa unit lang ang pwedeng bilhin at
i-operate.
Sinabi ni Oczon na narinig din umano nila ang naturang
alegasyon sa dalampung E-trike na gustong i-operate sa isla pero minominitor na
nila ito ngayon.
Aniya, sa kanilang record nahihirapan umano ang bumuli ng
franchise at sa ngayon nga ay hindi pa umano ito napro-proseso.
Sa kasalukuyan, mayroong anim na E-trike o Electronic
Tricycle supplier ang isla kung saan ito ang GerWeiss Motors, Tojo Motors,
Prozza, KOR E-trike, Modello Global Solutions, BEMAC, at Motor Ace.