Yes The Best NEWS --- Inumpisahan na ng DPWH ang pagtibag sa Phase-2 na mag-uumpisa sa Sitio
Pinaungon papuntang Barangay Yapak na bahagi ng road widening project ng
ahensya sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng isla ng Boracay.
Halos kumpleto na ang ginawang clearing operation sa
Phase-1 mula Cagban paakyat ng Pinaungon area na may habang 5.26 kilometer at
pinondohan ng 490-M kung saan posibleng ilatag na ang mga drainage network at
mga streetlights sa unang bahagi ng Hunyo.
Ayon kay Aklan DPWH OIC Engr. Noel Fuentebella, naging
mabilis ang kanilang operasyon dahil bagamat na nagbigay sila ng notice of
demolition ay kusa ng humingi ng tulong ang mga apektadong establisyemento na
DPWH na ang magtrabaho ng demolition.
“Hindi kami nagtibag ng ayaw” ito ang sambit ni
Fuentebella sabay sabi na lumapit na ang mga owners sa kanila para humingi ng
schedule sa pagtibag.
Samantala, dahil 12-meters ang gagawing paglapad ng
kalsada, ang madadaanan na mga portion na may bangin ay gagawan umano ng “slope
protection” para stable ang roadway.
Sa ngayon, may koordinansyon na rin ang DPWH sa mga
Telcos at utility providers kagaya ng AKLECO at PANTELCO para ma-relocate ang
mga poste at utility lines para hindi maabala ang kanilang operasyon.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation
#DPWH