YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 14, 2020

Bayan ng Malay nakatanggap ng isang Milyon mula sa PCSO


Posted January 13, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 3 people, people standing
CTTO
Nakatanggap ng isang milyon ang bayan ng Malay mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ito ay kinumpirma ni Municipal Treasurer Dediosa Dioso na siyang tumanggap ng naturang donasyon.

Ayon kay Dioso, nitong Huwebes, Enero 9 ay personal niyang tinanggap sa Capiz Statium Roxas City mula sa representante ng PCSO mula Maynila.

Maliban sa bayan ng Malay, tumanggap din ang Probinsya ng Capiz na ng dalawang milyon gayundin ang Probinsya ng Iloilo.

Ayon kay Dioso, ang donasyon ay ipinagkaloob dahil sa pagdeklara ng Malay ng State of Calamity dahil sa epektong dulot ng bagyong Ursula noong araw ng pasko.

Food packs, at para sa medical assistance ilalaan ang naturang pera para sa mga residenteng apektado ng bagyo.

Kaugnay nito, magpupulong pa ang opisina ng MDRRMC para i-identify kung sino ang mga dapat pagkalooban ng tulong.

Kalibo International Airport at Caticlan Airport kanselado ang byahe ng eroplano dahil sa Taal Eruption


Posted January 13, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: text
CTTO
Pansamantalang kinansela ng Kalibo International Airport at Caticlan Airport ang scheduled flights ng mga eroplano ngayong araw.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP, napagkasunduan nila ng mga airline companies na pansamatala muna nilang ikansela ang operasyon dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal kahapon.

Partikular dito ang lahat ng domestic flights maliban sa international flights sa Kalibo International Airport.

Sa Caticlan Airport kanselado rin ang byahe ng Air Asia, Cebu Pacific, Cebgo at Philippine Airlines.

Inabisuhan naman ang mga pasahero na makipag ugnayan sa kanilang binilhan ng ticket na pwede nilang i-rebook ang kanilang ticket hanggang tatlumpong-araw.

Samantala, wala pa umanong schedule kung kailan magre-resume habang hindi pa tiyak ang sitwasyon sa paliparan sa Maynila dahil sa ashfall.

Mag-ina arestado sa buybust operation


January 12, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
CTTO
Boracay Island- Arestado ang mag-ina sa ikinasang buy bust operasyon ng kapulisan sa Sitio Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay kahapon ng umaga.

Ang mag-inang suspek ay sina Mary Jane Morales y Abalayan, 44 anyos, at ang anak na nitong si Shaila Morales y Abalayan, 18 anyos, tubong Panay, Capiz at pansamantalang nakatira sa naturang lugar.

Matagumpay ang ginawang operasyon sa pinagsamang pwersa ng Malay PNP, at 2nd Aklan PMFC matapos mabilhan ng isang sachet ang inang si Mary Jane kapalit ng P 700.00 na buy bust money.

Sa isigawang body search ng kapulisan nakuha pa sa posisyon nito ang anim na sachet ng ipinagbabawal na droga.

Nadamay sa isinagawang operasyong ang anak nitong dalaga kung saan nakuhanan ng sampung shachet ng suspected shabu ng hinalukay ang sling bag nito.

Ang mag-inang suspek at mga nakuhang pinaghihinalaang droga ay dadaan pa sa Regional Crime Laboratory Office VI para sa laboratoty examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 Of Rep. Act 9165 o ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mag-ina.

Inter- agency pinahinto ang koleksyon sa pontoon sa front beach


January 10, 2020

No photo description available.Pinapahinto ngayon ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group ang paniningil sa mga turista na dumadaan sa pontoon na inilatag sa front beach ng Boracay.

Sa sulat ni BIARMG General Manager Natividad Bernardino kay Malay Acting-Mayor Fromy Bautista, ang collection fee sa mga pontoon ay subject for approval pa ng Boracay Inter-Agency.

Ito umano ay pinag-usapan na nila noong nakaraang meeting nila kasama ang LGU Malay November 26, 2019.

Napag-alaman kasi na nag-issue ng Executive Order No. 51 si Bautista na may petsang December 5, 2019, para i-implementa ang P 30.00 fee bawat indibidwal sa pag gamit ng pontoon.

Subalit ayon sa Inter-Agency, nakatanggap di-umano ang kanilang opisina ng mga mga reklamo at hindi pag-sangayon sa sistema ng pangungolekta.

Ang usapin na ito ay tinalakay din sa Sangguniang Bayan kahapon.

Balak namang i-suspend ni Bautista ang paniningil ng matanong hinggil sa isyu ng pontoon.

Basura nahakot dahil sa bayanihan, mga empleyado ng ECOS na hindi pumasok rason ng pagka-antal


Posted Janurary 6, 2020

Unti-unti ng nahakot ang mga basurang tumambak sa iba’t-ibang bahagi ng Boracay dahil sa bayanihan ng mga residente at stakeholders.

Halos isang linggo din kasi matapos manalasa ang bagyong si Ursula ay tumambad ang mga debris mula sa mga nasirang bahay at basura mula sa mga establisyemento na hindi kaagad nahakot ng ECOS.

Ayon sa pamunuan ng ECOS Sanitary Landfill and Waste Management Corporation, hindi pumasok o nag-AWOL ang kanilang mga driver at pahinante simula Disyembrer 30 dahil hindi kaagad naibigay ang 13th –month pay ng mga ito.

Hindi raw ito kaagad naibigay sa mga empleyado dahil hindi pa umano sila nabayaran ng LGU-Malay ng utang na humigit kumulang P 100M.

Paglilinaw ng ECOS, nagawan na ito ng paraan at ibibigay naman nila ang 13th month pay ng mga nagrereklamong empleyado.

Sa ngayon ay may mga bago raw silang driver at patuloy ang kanilang paghahakot ng basura na pansamantalang itinambak sa Manocmanoc MRF at itatawid kapag bumuti na ang lagay ng dagat.

Samantala, nag-bayanihan ang karamihan lalo na ang mga taga-barangay, mga NGO, stakeholders, at hauling operators para mabilis na mahakot ang natitirang basura lalo na sa beachline ng Boracay.