Inna Carol L.
Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT
Nasa animnapu’t dalawa na ngayon ang magpapagawa ng
kanilang sariling Sewage Treatment Plan o STP kasunod ng inilabas na Memorandum
Order ng DENR.
Ito ang sinabi ni Jojo Tagpis, Operations Manager ng
Boracay Tubi.
Aniya, imbes na mag-clustering ang ibang mga
hotel/resorts establishments ay mas pinili umano nila na magkaroon ng kanilang
sariling STP kahit na hindi sila pasok sa limampu at pataas na kwarto na dapat
na magkaroon ng STP.
Hindi umano kinatigan ng ilang negosyante ang clustering
dahil sa pangamba na baka magkaproblema sa huli o kaya ay hindi sila mabayaran
ng mga kasama sa pag-cluster.
Iginiit ni Tagpis, na bago nila lagyan ng STP ang isang
establisyemento sinisiguro muna nila na maayos at walang problema ito sa
requirements sa opisina ng LGU Malay.
Sa mga nagpaplano umano na magpalagay ng sariling STP
makipag-ugnayan lang sa kanilang opisina dahil kanila pa itong ini-inspeksyon
kung gaano kalaking tubo at saang area ilalagay.
Kung maalala, naglabas ng polisya ang Inter Agency Task
Force na No Compliance, No Operation policy kung saan ang paglalagay ng STP ay
isa sa mga requirement.
Ayon sa DOT at BFI, ang STP implementation ay isa sa mga
nakitang dahilan kung bakit nasa 25 accomodation establishments pa lang ang
compliant bago ang buwan ng Septyembre.
Samantala, obligado pa rin na kumunekta sa sewer line o
gray water line ang mga nagpa-install ng STP alinsunod sa patakaran na
ipinapatupad ng Envionmental Management Bureau.