YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 28, 2018

Traysikel sa Boracay, phase-out na sa Septyembre

Posted March 27, 2018
Yes The Best Boracay NEWSHindi na masisilayan ang mga traysikel na mamamasada sa kakalsadahin ng Boracay sa pagsapit ng buwan ng Septyembre ngayong taon.

 Sa inilabas na Executive Order No. 007 ni Malay Mayor Ceciron Cawaling, nais nitong ipatupad ang istriktong pag-implementa ng mga polisiya sa E-trike Program ng Malay lalo na sa pagtangkilik at pamamahagi nito sa Boracay Land Transport and Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC.

Maliban sa EO ay naglabas din ng Memorandum ang alkalde sa Transportation Regulation Officer na ipaalam sa lahat ng operator kung hanggang kelan na lang pahihintulutan ng lokal na pamahalaan na bumiyahe ang kanilang traysikel sa isla.
Nakasaad sa Executive Order na ang lahat ng franchise holder na bumili ng E-trike noong 2017 ay hanggang May 31,2018 na lang pwedeng pumasada ang kanilang unit ng traysikel.

Ang mga franchise holder naman na hindi pa bumili kabilang ang mga kumuha na ng E-trike ngayong 2018 ay papayagan pang bumiyahe ang unit ng traysikel hanggang August 31,2018.

Ang mangyayari, simula buwan ng Septyembre ay phase-out na ang lahat ng traysikel at puro E-trike na lang ang makikita sa mainroad ng Boracay.

 Ayon kay BLTMPC Operations Manager John Pineda, noong Sabado sa kanilang 14th General Assembly Meeting ay pinulong na nila ang kanilang miyembro at ipinaalam ang tungkol sa Executive Order ng alkalde.

Bagamat may ilang operator na ayaw pa ring kumuha ng E-trike, sa kabuuang 538 na franchise holder ay 245 dito ang may E-trike unit na.

Dagdag pa ni Pineda, nasa operator na kung alin sa limang E-trike supplier ang gusto nilang kausapin dahil nagpasiguro na sa kanya ang Bemac, Prozza, Tojo, Gerweiss, at Star 8 na kaya nilang mag supply ng unit bago mag Septyembre.

Bago nito, ayon kay Senior Transportation Regulations Officer Cezar Oczon, dapat noong 2013 pa ito ipinatupad subalit humaba ito at nagkaroon ng special permit sa extension.

Samantala, ang hakbang na ito ang nakikitang solusyon para mabawasan ang sikip ng trapiko sa Boracay at para mabawasan ang polusyon sa hangin.

Tuesday, March 27, 2018

Vehicular Accident sa Nabas , nag-iwan ng isang patay at walong sugatan

Posted March 27, 2018
YES THE BEST Boracay News -- Dead on the spot ang isang pahenante habang walo naman ang sugatan sa nangyaring vehicular accident sa Unidos, Nabas kahapon.

Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
Photo Credit MDRRMO and Metro Boracay
Ayon kay PO2 Melvin Alba Jr. ng Nabas PNP, isang banggaan ang nangyari kahapon ng tanghali sa pagitan ng isang Toyota Wigo at Mitsubishi Canter Mini-Truck na may sakay na pitong pahenante maliban sa driver.

Sa salaysay ng mga saksi sa pinangyarihan ng aksidente, nawalan umano ng kontrol ang mini-truck ng mapansin na kasalubong nito ang Wigo habang akma itong mag-over take sa isang tricycle.

Nang tumagilid ang mini-truck ay nasapol nito ang Toyota Wigo na minamaneho ni Apolo Barrios Jr. ng Old Buswang, Kalibo.

Image may contain: 2 people, car and outdoor
Ang namatay na pahenante na naipit sa front-seat ng mini-truck ay kinilala naman ng Nabas PNP na si Reynaldo Haberia, 64-anyos ng Caloocan City.

Agad namang rumesponde ang Nabas at Malay MDRRMC Responders kasama ang Metro Boracay Task Force para madala ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital.

Ang ibang pahenante at driver ng dalawang sasakyan ay kasalukuyang ginagamot habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring aksidente.

Paalala ng PNP, maging maingat, mag-menor at tingan kung may kasalubong bago mag overtake para iwas disgrasya.

Anim na buwang “Moratorium” sa Boracay, aprobado na

Posted March 26, 2018
YES THE BEST Boracay News -- Aprobado na ang SB Resolution No. 0034 Series of 2018 o “Resolution Declaring a Moratorium on Building Constructions in the Island of Boracay”.

No automatic alt text available.Ang anim na buwang moratorium ay nag-umpisa noong March 13, 2018 at magtatapos sa September 13, 2018 ay ibinase sa 6-month action plan ng LGU-Malay para sa gagawing rehabilitasyon ng isla.

Ito na rin  ang kanilang tugon sa panawagan ni Pangulong Duterte para maresolba ang lahat ng suliranin ng Boracay lalo pa at ito ngayon ay isa ng “national concern”.

Maliban dito, ang moratorium din umano ang solusyon sa lumalalang problema sa kalikasan para mabigyan ng angkop na panahon at matingan ang kapasidad ng isla sa usaping over-development, solid waste management, at migration.

Samantala, may probisyon sa resolusyon na pwedeng payagan na magpatayo ng istraktura sa moratorium period kung ang gusali ay proyekto ng gobyerno o di-kaya ay pagkukumpuni ng mga opisina at gusali sa kumonidad.

Pahihintulutan din umano na magtayo ng gusali o istraktura sa kondisyon na dapat ay compliant sa environmental laws lalo na sa wetlands, forestlands, easements, at road widening.

Ang pagdeklara ng “Moratorium” ay ibinase sa Republic Act No. 7160 ng Local Government Code na may kapangyarihan ang LGU na gagawin ito kung kinakailangan para sa kapakanan ng nakakarami.

Holy Rosary Parish Boracay, naglabas na ng schedule para sa Semana Santa

Posted March 26, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay


No automatic alt text available.Naglabas na ang HRP o Holy Rosary Parish Boracay ng schedule para sa Semana Santa.

Sa aktibidad ng parokya, nag-umpisa ito kahapon sa Linggo ng Palaspas o Palm Sunday kung saan apat na misa ang ginanap kasama na ang pag-bendisyon sa mga palaspas na bitbit ng mga katoliko.

Ngayong araw ng Lunes ay nagkaroon naman ng “Kumpisalang Bayan” na pangungunahan ng mga pari mula Vacariate.

Marso 27 araw ng Martes ay umpisa ng House Visitataion of Apostoles na susundan ng misa sa hapon.

Kahalintulad din ang mangyayari sa Holy Wednesday subalit dalawang misa ang gaganapin, isa sa 6:30 ng umaga at ang isa ay alas-5 naman ng hapon.

Samantala, sa Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass of the Last Supper sa alas-4:30 ng hapon at sa Biyernes Santo naman ay may Via Crusis mula ManocManoc papuntang simbahan sa Balabag.

Magkakaroon din ng pagkumpisal at Seven Last Words na gagawin sa tanghali at prosesyon ng Santo Entierro ng mga santo at santa.

Sa March 31, Black Saturday naman ng alas-7:30 ng gabi ang Procession of Soledad at susundan naman sa alas-8 ng misa ng Easter Vigil Mass, at sa araw ng Linggo o Eastern Sunday sa alas-5 ng gabi ang pagsalubong o paggunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo Hesus.

Ito ang panahon ng ating paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na taunang ginugunita ng mga katoliko.