Posted June 16, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nag-reklamo sa Boracay Tourist Assistant Center (BTAC)
ang isang lalaki dahil umano sa hindi natapos na water sports activities na
kanilang kinuha sa nagpakilalang komesyoner.
Ang nagrereklamo ay si John Melwin Garcia, 22-anyos ng
Sampaloc Manila at pansamantalang nakatira sa hotel sa nasabi ring lugar.
Ayon sa salaysay ng biktima, kumuha umano sila ng water
sports activity ng kanyang girlfriend sa isang commissioner na si certain
“Berhill” at nagbayad P 3, 800 para sa Island hopping, Helmet diving at
fliyfish.
Dagdag pa ni Garcia nagamit naman nila ang Island hopping
at Helmet diving subalit ang flyfish umano ay hindi dahil sa wala na raw oras
pero pinangakuan sila ni certain “Berhill” na i-avail nila ito kinabukasan.
Kaugnay nito, kahapon sana ang kanilang kasunduan na
gagawin ang flyfish ngunit hindi nagkatugma ang kanilang schedule na
pinag-kasunduan.
Samantala, minabuti paring puntahan ng biktima ang suspek
sa kanilang pinag-usapang lugar subalit wala ito doon kung saan sinubukan itong
tawagan ng biktima pero nagdahilan itong nasa Carabao, island.
Dahil dito, dahilan upang ipa-rekord ng biktima ang
reklamo sa Boracay PNP.